Chapter 25

1K 38 1
                                    

AN: Ackk, kinikilig ako. Biruin niyo umabot ng chapter 25 'tong story ko HAHHAHAHA dati kasi hindi ko naitutuloy eh, ewan ko ba pero nas-stop nalang ako mag sulat dati. Pero iba ngayon e, iba yung feeling pag sinusulat ko 'to. 😭❤️

Dedicated to: QueenieLanipga

Kitty




Murphy's POV



Hello! Ngayon lang ako nagka-point of view dito, susulit sulitin ko na. Andito nga pala kami ngayon sa canteen, kasama ko sina Kenji, Triyx, Phoenix, Helix, at si Ryler. Ang iba naman ay nasa classroom. Busog daw sila kaya hindi na sila lumabas.



" My god, totoo nga ang chismis! "

" Nakakairita sila tingnan. "


" Inggit ka lang gurl! "





Grabe 'tong mga 'to. Feeling masyado ay, akala naman nila papatol sakanila si pinunong Kenji. Hindi napatol sa maaasim yun.


" Don't mind them. " rinig kong saad ni Kenji kay Triyx. Ang babaeng 'to naman kanina pa tahimik, mukhang may iniisip na kung ano ano na naman. Nakuwento na ni Kenji saamin 'to, na matagal na talaga silang engage. Si Triyx nalang ang hindi nakakaalam, hindi muna ngayon.






Kinalabit ko si Triyx nang makaupo na kami sa table namin. " Uy, tara tayo mag order." aya ko sakaniya dahil tulala na naman siya. Masyado niya atang iniisip yung sinabi na fiancè siya ni pinunong Kenji. Tumango nalang siya at tumayo. Sinamahan ko na siya mag lakad papunta sa counter para makapag order na. " Ano gusto mo, Triyx? Libre 'to ni Kenji! " masayang saad ko.






" Hmm, siguro burger at fries nalang tapos guava juice. " request niya kaya't inorder ko nalang din.




" Isang burger at fries nga po, tapos samahan narin po ng guava juice. Anim na order po niyan, kukuhanin na po namin yung isa tapos pahatid nalang po nung iba sa table namin. Maraming salamat po. " saad ko. Ibinigay naman nila agad ang isang order at dinala ko na, baka kung ano pa magawa ni pinunong Kenji pag hinayaan ko mag hawak 'to si Triyx.




"Guys! Andyan daw si Kitty! "



" OMG! nag transfer siya dito? "


" Oo daw, may gustong makita. "







" Sino ba yung Kitty na 'yon, Murphy?" tanong ni Triyx sakin habang nag lalakad kami papunta sa table namin. " Ahh, yun yung kinikilala nilang Queen Bee last year, kaso nag transfer sa ibang school. Ewan ko bakit bumalik 'yang bruha na 'yan. " sagot ko naman sakaniya.





Napa ' ahh ' nalang siya at nag patuloy sa pag lalakad. Hanggang sa may nabangga kaming babae at napaupo naman si Triyx dahil sa malakas na impact. Oh no!



The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now