Lunch Date with the Kumags
Trinity's POV
" Don't tell me may reservation ka sa restaurant na 'to? Masyado mo namang binonggahan ang date natin kuno? " 'di makapaniwalang wika ko nang mapansin ang napaka-garang restaurant. Mukhang mamahalin. What do I expect to Mr. Kenji? Yayamanin.
" Of course. I'm not a loser para dalhin ka sa mga hindi magagandang restaurant. You deserve this anyway. " sagot niya at tumalikod ulit sakin habang nasa passenger seat parin ako at nakabukas ang pinto. Nandun siya nakatalikod para buhatin ako. Aarte pa sana ako pero alam kong nag hihintay siya kaya sumakay nalang din ako. Parang 'di nabibigatan ang isang 'to sakin.
" Don't think that I'm struggling. Nag g-gym ako, kaya kitang buhatin kahit mabigat ka. " wala sa sariling saad nito habang nag lalakad papasok sa restaurant. Ramdam ko ang tingin ng mga tao samin na para bang baliw. Ngayon lang kayo nakakita ng binuhat sa likod mga te?
' Hindi ba't siya yung heir ng Fujimoto Clan?'
' Siya din yung CEO ng Fujimoto Enterprise.'
' Bakit buhat niya ang babaeng 'yan?'
' Nakakainggit. '
Rinig kong mga bulungan sa paligid. Pero itong kasama ko naman walang pakealam sa mga naririnig niya. Patuloy parin ang lakad niya habang buhat ako hanggang sa makarating kami sa table namin.
" Wait. I'll just call the waiter. " aniya at nag lakad na para hanapin yung waiter. May tinapay na naka serve agad dito kaya kumuha ako para kumain. Ang sarap ah, infairness. Ito nalang ang nilantakan ko habang hinihintay si Kenji at ang waiter.
Nilalantakan ko lang yung tinapay hanggang sa nakita ko na si Kenji na may kausap na waiter, i guess. Nakatingin lang ako sakanila habang pinag mamasdan si Kenji. He's quite hot huh.
Ay! What the fuck! Did i just admit that he's hot? Hindi! Tama hindi ko inamin
" Triyx. Let's just wait a little bit more, okay? Ise-serve na satin maya maya." ngumiti siya kaya't sinuklian ko nalang din iyon ng ngiti. Tumango ako at sinabing maupo nalang muna siya.
Inalok ko siya ng tinapay pero tumanggi siya, aba bawal tumanggi sa grasya! "Nah, just eat it. Alam kong kulang pa sayo yan. " pang aasar pa nito kaya't napasimangot ako. Kumag talaga siya.
" Ma'am and Sir, this is your order. Thank you. " saad nung waiter at inilapag ang mga pagkain na inorder ng loko. Jusko pagkadami dami! pano ko 'to mauubos? Well, bahala na! pagkain naman 'to.
" Eatwell, Triyx." ngumiti siya bago kumain. Ewan ko ba, pana'y ang ngiti niya ngayong araw. Tuwang tuwa ba siya? " Walang 'well' sa eat pag ikaw kasama, joke. " binawi ko agad baka ma-offend e. Tinawanan niya lang ako at ngumuya ulit. Kita ko ang pasulyap sulyap niya sakin habang kumakain. Hinayaan ko nalang at kumain nalang din, baka ubusan niya ako e.
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...