AN: End is near guys! ❤️
Tiger
Trinity's POV
Huwebes ng hapon at nandito ako ngayon sa classroom. Kami nila Murphy, Clyde, Joshua, Zyrill, at si Vincent ang naassign na mag lilinis ng room. Si Zyrill ayon nag wawalis, si Clyde naman nandoon sa teachers table nakatulala habang si Murphy tinutulungan si Vincent sa pag pupunas ng bintana. Ako naman hinihintay na matapos mag walis si Zyrill at mag mo-mop na ako.
" Ano ang mga tipo mo sa babae, Joshua? " tanong ni Murphy. Si Joshua naman napatingin sakaniya at nag isip.
" Wala naman masyado. Habulin 'to ano. " sagot ni Joshua sakaniya. Grabehan ang hangin nitong isang 'to. Sabagay, damay damay na sila rito. Mag kakaklase e, ang haring mahangin sakanila malamang si Vincent.
" Ayaw mo sa mahinhin? " tanong ulit ni Murphy. Si Joshua naman ay tumawa na parang may pinag mamalaki siya. Akala mo talaga habulin ng mga babae, siguro habulin lang ng mga gabok 'yan.
" Hay nako, Murphy. Nag sasayang ka lang ng laway kakatanong diyan. E basta't nakapalda papatusin niyan. " sagot ko at tumawa. Sumama naman ang mukha ni Joshua, tila na offend sa sinabi ko. Aba! Totoo 'yon ah.
" Grabe ka naman sakin, Triyx. Pero I like silent girls but very very loud in bed. " sabi ni Joshua. Napataas naman ang kilay ko sakaniya at muntik ng ibato ang mop na hawak ko. Loud in bed pang nalalaman ito, e kahit sino naman basta babae. Bumalanghit naman ng tawa si Clyde at Vincent, habang si Murphy naman at Zyrill ay nakangisi sa sagot niya. " Don't even bother to say that, Triyx. What do you expect? He's a walking penis. " saad ni Zyrill at tumawa.
" Oh no no baby, I'm not a walking penis. I don't have to walk. Mismong mga babae na ang nalapit sakin, bakit pa ako tatangi sa grasya diba? " sagot nito. Napatingin naman ako sakanya at binato ang pamunas sa board na malapit lang sakin. Nailagan naman niya ito at bumalanghit na naman ng tawa. Sumunod namang nag tanong ay si Joshua na.
" Ikaw, Clyde? Anong gusto mo sa babae? Ay hindi ko na pala kailangan sabihin, isang pangalan lang naman ang sagot diyan. " saad ni Joshua at lumapit kay Clyde. Inakbayan niya ito na para bang may sasabihin siyang maganda.
" Si T--" hindi naituloy ni Joshua ang sasabihin niya nang tinakpan ni Clyde ang bibig niya. Ngumiti lang si Clyde habang si Joshua naman ay nag pupumiglas. " Bakit kasi---HMMP---SI ANO PA---" hindi maituloy tuloy ni Joshua an sasabihin niya dahil takip takip ni Clyde ang bibig niya. Tumawa nalang kami ng tumawa habang si Joshua naman ay nahihirapan.
" Tigilan niyo na nga 'yan! Dalian niyo na para makauwi na tayo. Pupunta lang ako ng restroom para basain itong mop. " saad ko at lumabas na ng room. Naiwan naman sila roon habang ako ay dala dala ang mop.
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...