AN: Nag sisimula na ulit bumalik yung gana ko sa pag susulat, thanks sa advices ni ate AnakniRizal. Thank you po! ❤️
~~~~ Picture ni basagulerang babae/Trinity sa baba! 🥰
Unexpected Guests
Trinity's POV
Nakauwi na ako ng bahay nang makasalubong ko ang mga hindi ko inaasahang tao. Bakit sila nandito? Hindi ko na nga sila hinahanap e. Bakit kailangan pa nilang mag pakita? E nung nahihirapan kami ni Kuya Velo hindi naman sila tumulong.
" Hi my niece. Come to Tita Maurice. I have something for you! " rinig kong saad ng Tita ko. Yes, sila ang dumating. Kasama niya ang anak niyang lalaki. Hindi ko pinahalatang nagulat ako nang makita si Zyrill. Nagulat din siya nang makita ako dito sa bahay.
Lumapit ako sakanya at nag plastik ng ngiti. Nakipagbeso siya sakin at yinakap ako, dito palang alingasaw na ang kaplastikan niyang dala. " Meet my son, Zyrill Samaniego Ottoman. He's your classmate, right? What a coincidence! Son, please greet your cousin. " saad nito at excited na ipinakilala ako sa anak niya. Hindi ko ineexpect na si Zyrill ang long lost cousin ko, tahimik lang kasi ito at hindi naman niya sinabi ang middle name niya nung nag pakilala siya. " Stop it, Ma. She knows me already. " inis na saad ni Zyrill. Tumingin ito sakin at kita ko ang pag hingi ng paumanhin sa mga mata niya. Tumango nalang ako at ngumiti, hindi naman siya kasali sa galit ko sa Tita ko.
Umupo ako sa sofa katabi ni Zyrill. Habang si Tita Mau naman ay nasa kusina at nag aasikaso ng dinner namin mamaya, kasama nito si Manang Selya.
" Uhm, I'm sorry. Hindi ko agad nasabi na pinsan kita. Mama won't let me do it. " pag eexplain ni Zyrill. Nginitian ko naman siya at tinapik sa braso.
" Ano ka ba, okay lang 'yon. Wag mo 'to sasabihin kay Tita Mau ha? Galit ako sakaniya kasi sa buong buhay ko hindi man lang siya nag paramdam. Parang hindi relative ah. " tumawa ako ng mahina. Nakita ko naman si Zyrill na nakatungo lang, talagang tahimik siya.
Maya maya pa ay dumating na si Kuya Velo na tila hindi nagulat. Parang alam niyang darating si Tita Mau. " Hello, Zyrill. Where's Tita? " tumingin naman sa pwesto namin si Kuya Velo nang itanong niya 'yon. Tinuro lang ni Zyrill ang kusina at naintindihan naman ito ni Kuya Velo kaya't pumunta siya doon.
~~~~~
" So, Velo. What's your job? " biglang tanong ni Tita Mau habang nasa harap kami ng pag kain. Alas syete na ng gabi kaya't nag simula na kaming kumain. Hindi ko alam, madaldal pala itong si Tita Mau. Nakakairita.
Tumingin si Kuya Velo sakanya at ngumiti bago sumagot. " I'm currently a teaher right now. I'm the adviser of this two. " paliwanag ni Kuya bago sumubo ng kanin. Nag luto pala si Tita Mau ng sinigang, pero hindi ko nagustuhan ang lasa. Masyadong maasim, pag si Manang Selya naman ang nag luluto sakto lang. Pag si Tita Mau literal na asim kilig e.
Tumango tango si Tita Mau bago nag patuloy kumain. " How's life without your parents? " doon nag pantig ang tenga ko. Anong karapatan niyang mag tanong? Kahit nung burol nila Mama at Papa wala siya! Wala sila ng pamilya niya, kahit yung ibang relatives nila Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/367807713-288-k799998.jpg)
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanficSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...