AN: Pinangako ko sa sarili ko mga beh na wag muna manood ng mga c-drama hehe, nawawala focus ko sa story na ginagawa ko e. Pero siyempre, dahil makulit ako manonood parin ako minsan. Wala lang skl! 😋😋
Birthday
Trinity's POV
"[ Konbanwa. What are you doing now? Are you busy? ]"
Ano daw? Kubaw? Ko bawa?
" Ano na namang linggwahe yang sinasabi mo? Saka, hindi ako busy ngayon. Bakit?" sagot ko kay Kenji. It's currently 7pm. Ewan ko sa ugok na 'to bakit tumawag.
"[ Tss, Baka. ' Konbanwa ' means ' Good Evening '. Gets mo na? ]" paliwanag naman nito. Kahit anong paliwanag niya hindi ko naman maiintindihan, bwisit siya. Ayaw nalang kasi mag tagalog! Nosebleed na nga ako sa pagiging englishero niya, dadagdagan niya pa ng isa pang linggwahe? Paawat beh.
" Hindi. Saka anong sabi mo? Baka? Saan may baka? Patingin akoo! " sabi niya baka daw e. Don't tell me may baka sila sa bahay nila? Gustong gusto ko pa naman makakita nun.
"[ Nevermind. Walang baka dito. I just want to ask something, so I called. " tamo 'to, kakasabi lang kanina na ' baka ' daw tapos ngayon wala naman pala.
" Ano ba yun? At nang matapos na. Kakain pa kami. " agad kong sagot. Hinihintay pa kasi si Kuya Velo, sabi ni Manang Selya. Nag papahintay daw, akala naman niya tatagal ako kumain. Ayoko siyang makausap, tatampo ako.
"[ Are you free on friday? ] "
" Oo, wala naman akong masyadong ginagawa nun. Bakit? "
"[ Come with us. ]" saan na naman ang punta? Alam mo, kulang nalang tawagin ko na siyang Kenji'ng Gala.
" Ayoko- " sasagot pa lang ako nang putulin niya agad ang tawag. Tamo 'to, lakas din talaga ng topak eh.
From: Escort kong bading 🥰
Message: I'm not asking for your permission. Susunduin kita diyan, 6pm sharp. Nakapag paalam nadin ako kay Kuya Velo. See you, wife.
Bastos! Kay Kuya Velo muna nag paalam bago sakin?
Hindi ko na siya nireplyan dahil tinatawag na ako ni Manang Selya. Baka dumating na si Kuya Velo.

YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...