CHAPTER 2

105 23 7
                                    

CHAPTER 2

~CLARISSE POV~
KAKAGISING ko lang at tumambad sa akin ang napakagandang sikat ng araw agad akong nag ayos ng buhok at inayos ko yung damit na pinahiram sa akin ni Precious.

"Clarisse, bumaba kana at kakain na tayo" tawag sa akin ni Lola.


Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba nakita ko si Lola nag hahanda sa hapag kainan at nakita ko rin si Precious, nakatayo at pinag mamasdan si Lola at wirdo itong nakatingin sakanya.

Si Lola ba talaga ito? Kakaiba yung kilos niya tapos yung pag tawag niya pa sa akin apaka hinhin.

"Ano pa ginagawa mo d'yan bumaba kana at kakain na tayo" aya niya dahan dahan akong bumaba ng hagdan.

Nagkatinginan kami ni Precious, pareho kaming napangiti nagbago na pala si Lola sana palagi nalang siyang ganito.

"Umupo na kayong dalawa kakain na tayo" muli niyang aya.

Umupo na kami sa hapagkainan at si Lola pa ang nagsandok ng pagkain sa amin muli kaming nagkatinginan ni Precious, at muling nagkangitian.


"Thank you po Lola" nakangiting saad ko.

"Welcome Apo kumain kalang d'yan magpaka busog ka lang hah" nakangiting din saad niya.

Ang sarap pala sa feeling na matawag na APO ngayon ko lang narinig kay Lola 'yan wala naman akong idea kung bakit ganyan siya ka sweet.

Sana magpatuloy dahil gusto ko rin maranasan ang Lola's Love.

"Tyaka nga pala bibigyan ko kayo ng pera mamasyal kayong dalawa" saad niya. Nakangiti kaming tumingin kay Lola.

"Hindi po kayo sasama Lola?" Tanong ni Precious.

"Hindi na mapapagod lang ako" malungkot na saad ni Lola.

Pinagpatuloy namin kumain at napapansin kong kanina pa tingin ng tingin sa amin si Lola, parang may nararamdaman akong kakaiba ah.

Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko at pinagpatuloy ko nalang kumain. Mga ilang minuto lang ay natapos nadin kaming kumain tinulugan kami ni Lola magligpit ng pinagkainan samantalang si Precious, nag huhugas ng plato ako naman nag wawalis samantalang si Lola nag pupunas.

"Sanay ka palang mag walis" umpisa ni Lola.


"Opo after class po kasi tinutulungan ko yung iba naming mga kasambahay sa pag lilinis ng mansyon" saad ko.

"Apo kahit anong mangyari wag mong sasabihin sa mga magulang mo kung ano yung trato ko sayo ah" paalala niya.


"Bakit po lola? Tanong ko.

"Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita" hinimas niya ang aking buhok.


Biglang tumulo Luha namin pareho at agad niya akong niyakap. Gusto kona mag stay rito parang ayoko na umalis gusto kona rito para naman maranasan ko itong yakap na matagal kona pinapangarap.

"Mahal din po kita Lola sana po mag patuloy na 'yang kabaitan mo para po maranasan ko manlang ang mahalin" napabitaw ako ng yakap.

"Mahal naman talaga kita Apo lagi kang mag-iingat pagbutihin mo lang yung mag aaral mo alam kong matalino ka sadyang mataas lang yung expectation sayo ng mommy mo kaya ganon nalang yung trato sayo na kailangan mopa dalhin dito para lang madisiplina ka" napaupo kami sa sofa. Habang nag sasalita siya ay hinahaplos niya ang aking pisngi.

"Isa lang naman po yung hindi ko na perfect" simbangot ko napayuko nalang ako at rinig ko na bumuntong hininga si Lola.

"Tignam mo ang galing galing mo naman parang tanga lang yung magulang mo" patawang saad ni Lola.

Grandma approached me crying and hugged me tightly, I felt her genuine embrace, no fake, very real. I hugged her back and I also cried again.

"Itong araw na ito ang pinakamasayang araw ko" I said with a smile.

I saw my grandmother being sad.


"Sana apo" ngumiti siyang muli.

"Tapos na akong mag bugas ng plato" sigaw ni Precious, napatingin nalang kami sakanya ni Lola at sabay na tumawa.

"Ang bilis mo naman" saad ni Lola.

"Ngi Lola matagal panga po i'yon e" tumatawang saad ni Precious.


"Haynako sige na sabay na kayong maligo at ipag hahanda kona yung mga susuotin niyong damit" tumayo si Lola at pumasok sa kwarto niya at kami naman ni Precious, ay sabay na naligo.

"Pansin mo si Lola? Bumait siya ngayon" saad ni Precious, habang nag kukuskos ng paa niya.

"Oo nga e' for the first time" nakangiting saad ko.

"Tapos bibigyan pa tayo nang pera para makagala"

"Kaya nga e' pag nasa mansyon ako hindi ako nakaka gala dibale nalang kung itatakas ako ni Ate Clarissa" saad ko.

Pagkatapos namin maligo sabay na kaming lumabas ng cr dalawa naman yung binigay ni Lola na twalya parehas namin i'yon ginamit.

Pumunta kami sa kwarto at naabutan ko yung damit na gustong ipasuot sa amin ni Lola nagandahan ako sa design.

"Lola ito po yung susuotin namin?" Nakangiting saad ni Precious.


"Oo maganda ba?" Tanong niya.

"Super Lola" singit ko.

"Sige na mag bihis na kayo mag ayos nadin kayo ng mukha Precious, turo mo kay Clarisse, lahat ng daan dito para alam niya kung paano umuwi" paalala ni Lola, tumango nalang si Precious.

Binigyan niya kami ng tig-Fivehundred at nag paalam siya sa amin na lalabas muna siya ng kwarto namin at narinig namin na tumunog yung pagsarado ng pinto siguro pumasok na si Lola sa kwarto niya.


Pagkatapos namin mag ayos ay agad naman kaming lumabas ng bahay kaso bumalik si Precious, iihi muna raw siya saglit.

"Dyan ka lang sa tindahan nila Aling Mildred, iihi lang ako" saad ni Precious.

Pumasok na siya ng bahay at mga ilang minuto lang bago siya pumasok ay biglang sumabog yung bahay ni Lola.

Gusto kong lumapit kaso pinipigilan ako ng mga tao lumakas ang tibok ng puso ko at nanginginig ang aking mga kamay.

"Lola!" Sigaw ko ng malakas sabay hagulgol ng pag-iyak. "Precious!" Muli kong sigaw.


Yung bahay ni Lola nasusunog halos napatalon ako habang umiiyak. Gusto ko silang pasukin para iligtas sila kaso huli na ang lahat.


Wala na sila ang lakas ng pagsabog tupok buong bahay ni Lola. This is the worst day of my life gusto pang magbago ni Lola.

Huling yakap na pala i'yon sana pala sinulit kona. Huling ngiti na pala i'yon sana pala tinodo kona kaya pala sobrang sweet ni Lola huli na pala i'yon.

PURPLEMOON💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon