CHAPTER 16

66 25 7
                                        

CHAPTER 16

~CLARISSE POV~
AFTER 2 YEARS and 16 yrs old na kami pero still private parin yung buhay namin pati yung school namin private rin kaya medyo boring dahil wala naman gaanong lumalapit sa amin. Kinuha naming strand ABM because in the future mag hahandle rin kami ng bussiness na pinapamana sa amin nila Mommy and Daddy.

Kakauwi lang namin galing school and lahat kami ay nagkulong na sa kwarto, hays boring na boring na ako sa buhay ko wala bang mag cha-chat sa akin d'yan?.

Maya maya lang ay nag bump narin yung cp ko and si Steffano pala.

Steffano Inggrid:Musta?

Tanong niya, ito talagang tropa ko nag u-update sweet ah, pero hindi ako pwedeng mainlove napag usapan na namin ito at bawal 'yun sa amin dahil hanggang kaibigan lang kami.

Me:Kapagod and super boring.

Sagot ko rito kaya napa higa nalang ako sa kama ko at napatulala sa kisame. Maya maya lang ay may biglang kumatok sa pinto ko agad ko naman itong pinagbuksan. Si Yaya Menggay.

"Ma'am pinapatawag ka'po ng mommy and daddy niyo" saad niya. Napangiti nalang ako.

"Sige po ateng Menggay bababa nalang po ako tatapusin ko lang po itong ginagawa ko saglit" saad ko papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng bigla niya akong pinigilan.

"Ay ma'am ngayon na raw po kayo kailangan ng mommy and daddy niyo ako mapapagalitan pag hindi pa'po kayo bumaba" malugod na pag sasaad niya, napabuntong hininga nalang ako at tinapik ko ang balikat ni Yaya.

"Ok Yaya I'll be go there" saad ko, pinag masdan ko siyang umalis at nang mawala na siya sa aking paningin ay ka agad naman akong bumaba.

Kitang kita ko ang tingin sa akin nila Mommy and Daddy, mukhang bad trip na naman sila. Perfect naman yung mga exam test ko. Wala naman akong nagawang mali.

"Umupo ka Clarisse!," pasigaw na utos sa akin ni Daddy. Umupo ako sa isang sofa.

"Ano yung nalaman namin sa isang tauhan natin sa Farm?" Tanong sa akin ni Mommy. Sabi na e' hindi lahat ng tao na ginawan mo ng mabuti, mabuti rin yung gagawin sayo.

"Ano po 'yun mommy?" Nagtatakang tanong ko.

"Lagi raw kayong magkasama ni Steffano, sa Ilog? Ang usapan namin sa Farm ka lang niya babantayan pero nakakarating kayo ng ilog!" Bulyaw sa akin ni Mommy.

"Pero mommy doon lang po kami nagpapahinga" sagot ko. Bigla nalang akong sinampal ni Daddy.

"Habang lumalaki ka natututo ka'ng sumagot" duro sa akin ni Daddy.

"Sorry po..." Mahinang saad ni Clarisse.

"Pasalamat ka at wala na yung Lola mo kung hindi pinadala ulit kita doon!" Sigaw sa akin ni Daddy.

Sana nga kung buhay lang si Lola edi napadala niyo ako doon, ok naman na kami ni Lola ang bait na niya sa akin hindi na siya tulad nang dati.

"Daddy! Pinapagalitan niyo na naman si Clarisse" singit ni Clarissa.

"Bakit ba ang hilig ninyong makialam!" Sigaw ni Daddy kay Clarissa.

"Kasi Daddy palagi nalang wala ng katapusan ano 'yun! Dalawang taon lang kayo naging mabait kay Clarisse, tapos ngayon binabalik niyo na namann?!" Sigaw ni Clarissa, natututo na siyang sumagot ayokong danasin ni Clarissa, yung nararanasan ko ngayon.

"Obviously because may mali siyang ginawa!" Sigaw ni Daddy.

"Paulit-ulit nalang Dad! Ano bang masama kung laging magkasama sila Clarisse and Steffano besides kayo mismo ang nag assign kay Steffano, na bantayan si Clarisse, tapos magagalit kayo pagnakita niyong magkasama what's wrong with you dad! You act like stupidity!" Sigaw ni Clarissa, napa-nganga nalang si Clara, na nasa likod niya dahil sa mga pinag-ssasabi nito kay Dad.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon