CHAPTER 6
~CLARISSE POV~
NANDITO na kami sa tapat ng mansyon tinawag na ni manong Rigor, sila Daddy at Mommy, kasama ko ang buong pamilya ni kuya Steve."Kinakabahan kaba Clarisse?" Tanong ni Steffano.
"Oo baka ipagtabuyan lang nila ako" habol hiningang saad ko.
Maya maya lang ay lumabas na sila Daddy at Mommy, kasunod namang lumabas ay sila Clara at ate Clarissa. Naunang lumapit sa akin si ate Clarissa, at yumakap siya sa akin.
Kasunod namang lumapit ay si Clara, ganun din ang kanyang ginawa niyakap niya ako. Si Mommy naman ay lumapit sa akin at yumakap din.
"Clarisse, nag alala kami sayo" nag aalalang saad ni Mommy.
"M-mommy?" Utal na saad ko. Anong nangyari?.
Lumapit naman sa amin si Daddy, akala ko yayakapin ako nito pero tumingin lamang siya kila Kuya Steve. Kinuha ako nila Mommy sa bisig ni Steffano, at dinala niya ako sa likod ni Daddy.
"Ano gusto ninyong maging gantipala sa pagtulong niyo kay Clarisse?" Tanong ni Daddy, nagkatinginan sila ate Jorie at Kuya Steve.
"Ah Don. Alonzo,hindi naman po namin kailangan ng gantipala gusto lang din po namin makatulong" singit ni ate Jorie.
"No, tinulugan niyo si Clarisse, siguro naman deserve niyo ng gantipala" pagsasaad ni Mommy.
Muling nagkatinginan sila ate Jorie at Kuya Steve, sinesenyasan lang ni ate Jorie, si Kuya Steve.
"May trabaho naba yung asawa mo?" Tanong ni Daddy, kay ate Jorie.
"K-katanggal ko lang po sa trabaho" napakamot ng ulo si Kuya Steve.
"Kulang kami ng tauhan gusto mo bukas mag umpisa kana" saad ni Daddy, nanlaki ang mga mata ni Kuya Steve, tila gulat ito sa offer ni Daddy.
Ngayon lang naging ganto sila Daddy, ano kaya ang nakain nila at kung bakit sila bumait? Naguguluhan nalang ako sa mga kinikilos nila.
"Sige po Don.Alonzo maraming salamat po sa offer ninyo" nakangiting saad ni Kuya Steve.
"Sige" seryosong saad ni Daddy.
"Mauna napo kami marami pa'po kasi kaming gagawin" pagpapaalam nila Kuya Steve."Clarisse,Donya.Maddison alis napo kami maraming salamat po sa offer ninyo" nakangiting saad ni Kuya Steve.
Ngumiti lang sa kin si Steffano, at kumaway sumakay na sila sa trycicle na sinakyan nila kanina tuluyan na silang umalis. Kami naman ay pumasok na sa loob ng mansyon agad akong umupo sa sofa.
"Kilala moba ang pumatay sa Lola mo?" Seryosong tanong sa akin ni Daddy.
Lumungkot ang aking mukha at napa yuko nalang ako pareho kaming natahimik. Bumuntong hininga nalang ako bago muling tumingin kay Daddy, seryoso lamang itong nakangiting sa akin.
"Isa pong sindikato ng mga pinag babawal na gamot" sagot ko.
Napatalikod si Daddy at halata sa kilos nito ang galit. Kahit ako rin naman magagalit dahil kung kelan mabait na sa akin si Lola, saka pa siya pinatay at ang masakit sa lahat ay saksi ko ang buong pangyayari.
Nilapitan ni Mommy si Daddy, at pinapakalma ito. "Clarissa, pumunta kayo sa Terrace libangin niyo muna si Clarisse, doon" utos ni Mommy, tumango nalang si ate Clarissa, at inaya niya kami ni Clara.
Umakyat kami sa terrace. Hays namiss ko tuloy rito ganon parin naman ang presko parin ng hangin tapos ang ganda ng tanawin. Umupo lang kami ni Ate Clarissa, kinuha kasi ni Clara, yung chess sa kwarto.
"Ate ano binabasa mo?" Tanong ko. Mahilig kasi siya mag basa ng wattpad at dahil din sa kaka wattpad niya lagi niyang ginagawa yung ibang bida ng mga tauhan sa bawat kwento na binabasa niya.
"My Best Decision, kakatapos ko lang kasi basahin yung ibang story tulad ng Childhood crush na nakaka-iyak tapos yung Crime to Adventure na parang mala detective yung mga tauhan dahil kailangan nila malaman kung sino pumatay kay Headmas dahil ang dinidiin sa kaso ay yung mga kaibigan ng bida na opulent gang at yung pinaka last ko naman na binasa yung Become a Demon, sobrang cool ng bida at ito yung pinaka huli kong binasa" saad niya, grabe ang dami naman niyang sinabi kaka wattpad niya 'yan.
Well mukhang interesting naman yung mga sinasabi niya pero hindi talaga ako mahilig mag basa ng wattpad marami kasi akong pinag kakaabalahan kaya wala akong masyadong time para makapag basa.
Maya maya lang ay dumating narin si Clara, bitbit nito yung chess na kinuha niya sa kwarto niya ito lang yung tanging libangan namin pag walang pasok dahil ang madalas namin ginagawa talaga ay ang pag aaral ang at mag review.
"Mag laro lang kayo dyan at mag babasa lang ako rito" saad ni Clarissa.
"Mag babasa kana naman wala ng katapusan 'yan ah" reklamo ni Clara.
"Ano naman! Mag laro nalang kayo d'yan" pasigaw na saad ni Clarissa.
"Sumali ka rin kaya" napa tsk nalang si Clarissa, ano kaya ginagawa nila nung ilang araw akong nawala nag away ba sila nagkasundo ba sila hays lagi nalang ako pumipigil sa kanilang dalawa.
"Clara, hayaan mo nalang si Clarissa, libangan niya 'yan e" pigil ko.
"Bakit pwede naman siyang bumili nalang ng libro!" Sigaw ni Clara.
"Hindi pato physical book kaya rito muna ako sa wattpad mag babasa!" Sigaw naman ni Clarissa.
"Edi ibang libro!" Sigaw ulit ni Clara.
"Sa susunod nalang" mahinahon na saad ni Clarissa. Bumalik na siya sa pag babasa sa cp niya.
"Ano kaya ginagawa niyo nung ilang araw akong wala" naagaw ko ang atensyon nila.
"Wala puro away!" Pareho nilang sigaw, at agad na bumalik sioa sa mga ginawa nila. Si Clara, nag aayos ng posisyon sa chess at si Clarissa naman ay nag babasa lang sa wattpad.
Hindi parin sila nag bago, parang ako nalang palagi yung tagapigil nila kaya pala ayaw nila akong mawala rito dahil mag aaway at mag aaway lang sila siguro feeling nila mag aaway lang siya ng mag aaway.
Pinag masdan ko lang sila pareho, pareho silang tahimik sa mga ginagawa nila pero inferness na miss ko rin itong mga kapatid ko kahit pasaway sila.
"Clarisse, let's start now" saad ni Clara. Nag umpisa na kaming mag laro.
"Parang gusto ko ng iced coffee" singit ko.
"Wait tawagin ko lang si Yaya" saad ni Clarissa, tumayo siya at tinawag si Yaya.
Sobrang lakas ko talaga sa kanila buti nalang palagi kaming nag kakasundo kahit may pagka suplada itong mga ito hindi parin mawawala sa amin ang mag tulungan at mag bonding. Paminsan minsan naman nakikipag bonding din sa amin si Clarissa, minsan lang pag lowbat yung cellphone niya.
PURPLEMOON💜
![](https://img.wattpad.com/cover/355177184-288-k5545.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...