CHAPTER 35
COUNTINUE CHAPTER 34
SI STEFFANO, NGA sobrang saya ng puso ko, narinig kona rin ang kanayang mahinhin na boses sa wakas naka usap kona rin siya.
"Hello Steffano," mangiyak-ngiyak na saad ko.
"[Na miss kita Clarisse, kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko]" saad niya sa kabilang linya, napatakip ako ng aking bibig.
"Ganon din ako Steffano, hindi ka naalis sa isip ko" saad ko naman.
"[Pwede ba tayong magkita? Kaso busy ako pagdating ng umaga at hapon]" Saad niya, pinunasan ko ang aking luha bago muling magsalita.
"Kahit gabi pa ‘yan Steffano, pupunta ako pupuntahan kita" napahikbi ako.
"[Why are you crying?amm]" saad niya, pinunasan ko ang aking mga luha.
"Because I'm happy" mahina kaming napatawa.
"[Saktong 8 ng gabi sa Manila Bay aantayin kita Clarisse,]" saad niya.
"Sige hintayin mo ako ah saka nga pala pasabi kay Xymone, maraming salamat at ng dahil sa kanya muli kitang naka-usap" nakangiti ko'ng saad ramdam ko'ng nakangiti rin siya ngayon.
"[Mamayang gabi pwede kaba?]" Napahinto ako.
"Sure Steffano, mag-aayos na ako"
"[Sige i love you Clarisse]" muli akong napahinto. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na kasal na ako dahil simula nang mapangasawa ko si Rhed, na insecure na ako sa sarili ko.
"Sige na Steffano, see you" agad ko nang binaba ang aking cellphone.
Agad akong pumunta sa kwarto at nag hanap ng damit na pwede kong suotin.
Nakangiti akong nag hahanap ng susuotin ko ng bigla akong mapahinto at napa-isip. May mukha pa kaya akong ihaharap sa kanya? Sobrang insecure na kasi ako sa sarili ko feeling ko ang dumi-dumi kona.
Hindi ko alam kung tama ba ang lahat nang mga desisyon ko sa buhay dahil ang dami dami ko'ng pinag sisihan, mahal ko pa rin si Rhed, kahit ang daming haka haka patungkol sa kanya na ngayon ay unti unti ko ng napapatunayan na totoo.
~STEFFANO POV~
NAKANGITI AKONG nag tratrabaho, kahit marami akong gagawin ay nagagawa ko pa rin ngumiti ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Xymone, patago niya pala akong tinutulungan.
I very happy right now dahil sa wakas makikita kona si Clarisse, ang taong mahal ko kasi hindi kona alam kung mahal pa ba ako basta ang alam ko hindi na ako dumaan ang isang taon na wala siyang paramdam sa akin.
"Tuwang tuwa ka Steffano, goodluck sa pag-kikita ninyo ng greatest love mo" saad ni Xymone, porket tapos na siya sa trabaho niya ako naman ginugulo niya.
"Salamat talaga pre, laki ng naitulong mo para muli ko siyang makaharap" tinapik ko ang kanyang balikat.
"Malaki rin naman ang naitulong mo sa akin nang dahil sayo nagkaroon ulit ako ng pag-asa para muling mabuhay at sinamahan mo akong harapin lahat ng mga problema ko kaya salamat Steffano, malaki ang impact mo sa buhay ko" nakangiting saad ni Xymone.
"Xymone... Para na rin kitang kapatid malamang tayo tayo lang din ang mag tutulungan" muli ko siyang tinapik.
"Sige na Steffano, mag ayos kana ng mga kakailanganin mo para mamaya sa pag kikita ninyo ako nalang ang gagawa ng maiiwan mo na trabaho basta balitaan mo nalang ako kung ano ang nangyari sa pagkikita ninyo hah" saad niya, inalis ko ang pagkahawak ko sa kanyang balikat.
"Sige salamat talaga Xymone, kahit kadiri i love you pre" mahina kaming napatawa.
"Tangina kadiri ka Steffano, sige na lumayas kana" pagtaboy niya sa akin, agad kong kinuha ang mga iilan kong gamit at nag mamadali na akong tumakbo patungo sa parking lot.
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...
