CHAPTER 10
~CLARISSE POV~
UMAGA na at agad akong pumunta sa farm tamang lakad at pagpapaaraw lang dahil sabi sa akin kahapon ni Kuya Steve, may resistensiya raw yung sinag ng araw."Clarisse" mahinang tawag sa akin ng isang batang lalaki. Agad naman akong napalingon dito.
"Steffano?, araw araw kana rito ah" nakangiti kong bungad sa kanya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi nakangiti siyang tumitig sa akin. Mas lalo siyang gumagwapo pagsamalapitan.
"Araw araw kitang dadalawin Iris, para hindi ka naman nag iisa" nakangising saad niya.
Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking pisngi at hinawakan ko ito. I really feel comfortable holding him, and when I am with him, my sadness seems to disappear.
I hope no one sees us so I can enjoy even more and have more fun because my two siblings are already allowed by mommy and daddy to use a cellphone.
"Kanina kapa tingin ng tingin sa palagid mo bakit may problema ba?" Tanong niya sa akin.
"Baka kasi may makakita sa akin" sagot ko naman.
"Ano naman ngayon" pag sasaad niya. Nakakunot ang aking noong nakatingin sakanya.
"Delikado pag nakita tayo!" Sigaw ko sakanya.
"'Yun nga sabi sa akin ng mommy at daddy mo e' ang bantayan ka" maslalo pang napakunot ang aking noo.
"Huh?"
"Amo kita amo kona kayo" saad niya.
Napangiti ako sa sinabi niya so pwede na kaming mag enjoy ng malaya at walang tinatago yes! Finally mag eenjoy kona rin na makasama siya.
"Finally!" Sigaw ko at bigla akong napayakap sakanya.
Nagulat siya sa ginawa ko kaya agad naman akong napahiwalay rito hindi ako makatingin sakanya at pa simplikado nalang napapangiti.
"Are you happy now that I'm taking care of you?" Saad niya.
"May... Maybe" utal utal na saad ko.
"Pwes masanay ka dahil araw araw na kitang aalagaan" parehas kaming napangiti.
"Tat... Tara libutin natin itong buong farm" pag aya ko sakanya.
"Hide and seek nalang tayo" pag aya niya ng laro.
"Sige basta ikaw yung taya" napaisip siya sa sinabi ko."Sige na Steffano," napanguso nalang ako.
"Sige na galingan mo magtago ah" saad niya.
Agad naman akong napatakbo at umuwi ng bahay, hehe sorry na agad Steffano, hindi kasi ako magaling mag hanap ng tataguan kaya para hindi niya ako mahanap agad umuwi nalang ako.
Nagtago ako sa kwarto ko para hindi niya agad agad mahanap hindi naman siguro siya papasok ng mansyon dahil baka mapagalitan lang siya pag may nakakita sakanya.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi niya parin ako mahanap. Humiga nalang ako sa kama ko at nag scroll down nalang ako sa facebook.
Maya maya lang ay kumatok sa pinto agad naman akong natigilan sa pag scroll sa fb.
"Clarisse!" Sigaw ni ate. Agad naman niyang binuksan yung pinto. "May nag hahanap sayo" saad niya. Napalunok ako.
"S-sino?" Tanong ko.
Pinakita niya sa akin. Si Steffano, simplikado naman itong ngumiti sa akin habang nakatingin siya sa akin. Shet kahiya dahil imbis na mag tago ako sa farm namin umuwi pa ako ng bahay.
"Ah Steffano..." Hindi ako makatingin sakanya ng diretsyo.
"Nakita na kita ikaw naman yung taya" saad nito.
~CLARISSA POV~
ABA! ngayon lang ako nakakita ng lalaki na kaibigan nitong kapatid ko ah. Who is he?."Clarissa at Clarisse, nandyaan na sila mommy and dad..dy" mahinang saad ni Clara, ng makita niya yung lalaki."Ate sino siya?" Tanong niya.
"Bakit hindi mo tanungin si Clarisse" napatingin kami kay Clarisse.
"Btw paakyat si Mommy, ikaw boi sumama ka sa amin ate Clarissa, isara mo 'yung pinto!" Utos ni Clara, sa akin agad ko namang isinara ang pinto at nilock ito.
"Sino ba siya Clarisse?" Tanong ko.
"Kaibigan ko lang" sagot niya.
"At paano ka naman nagkaroon ng kaibigan? At lalaki pa" sermon ko sakanya.
"Diba naalala niyo nung hinatid ako nila Manong Steve at yung pamilya niya.. Siya 'yun" sabay turo sa lalaki. Nakangisi itong nakatingin sa amin.
"Ahh" sabay na saad namin ni Clara.
"Hi I'm Steffano Inggrid, Clarisse, Best friend and his caregiver" pagpapakilala niya.
At paano pa nag karoon si Clarisse, ng caregiver? Wala kaming kaalam alam dito ah wait kinuhanan ba siya nila Mommy and daddy ng tagapag bantay? Pero bakit matanda na si Clarisse, hindi na nito kailangan pa ng tagapag bantay!.
"W-weh?" gulat na saad ko rito.
"Yeah" simpling sagot niya.
Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ni Clarisse, at tumawag ito shit si Mommy mukha delikado itong caregiver ni Clarisse.
"Mag tago ka bilis!" Mahinang utos ni Clara.
Pumunta siya sa ilalim ng kama ni Clarisse, agad ko naman pinag buksan yung pinto at biglang pumasok si mommy sa loob.
"Bakit wala kayo sa mga kwarto ninyo at ano naman ginagawa niyo sa kwarto ni Clarisse?" Tanong sa amin ni Mommy.
"Nag lalaro lang po kami mom" pagsisinungaling ni Clarisse.
"Ah okie be ready na kayo aalis tayo" saad ni mommy at agad naman itong lumabas ng kwarto. Isinarado ko ulit ito at pinalabas na namin si Steffano, mula sa ilalim ng kama.
"Thanks sa pag tago sa akin" pagpapasalamat nito.
"Akala koba in-aasign ka sa akin nila mommy and daddy na maging caregiver ko?" Saad ni Clarisse.
"Yeah at sa Farm lang kita pwedeng bantayan kaso kakahanap ko sayo nakaabot ako rito sa loob" sermon sakanya ni Steffano.
Kung hindi naman pala pasaway itong si Clarisse, edi sana hindi na umabot sa puntong pumasok pa sa loob ng mansyon si Steffano, paano kaya ito makakalabas ng mansyon.
"Sorry na" akward na saad ni Clarisse.
"Don't worry boi kami bahala sayo mag labas dito" saad ko kay Steffano.
"Talaga? Thank you so much" pag papasalamat muli nito. "By the way, may I know your name?" Tanong nito sa amin.
"I'm Clarissa Kim Estrada, panganay sa triplets" pag papakilala ko naman.
"I'm Clara Riley Estrada, bunso sa naman ako sa triplets" pagpapakilala naman ni Clara. Kahit papaano pala may pagka humble itong si Clara.
"Good and nice to meet you Clarissa and Clara" nakangiti nitong saad.
"Siguro kabang hindi mo boyfriend ito Clarisse?" Tanong ko kay Clarisse, agad naman itong nag react sa sinabi ko.
"Hindi ah si ate napaka issue!" React nito sa sinabi ko.
"Siguraduhin mo lang"
"Oo ate!"
Napatingin naman ako kay Steffano, "Ikaw naman ayusin mo yung pagbabantay mo sa kapatid ko ayokong magkakaroon ng pasa 'yan sa katawan sayang kakinisan niyan" saad ko. Tumango tango naman ito.
"Yes po ma'am" napakindat naman ito.
Napaiwas ako ng tingin at simplikadong napangiti gayon din si Clara, tawa nalang ito ng tawa. Mas lalo siyang gumuwapo nung nag kindat siya sa amin.
Hindi namin siya type na Gwagwapuha lang kami sakanya, sana kami rin magkaroon ng caregiver.PURPLEMOON💜
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...