CHAPTER 3

145 27 4
                                        

CHAPTER 3

~CLARISSE POV~
NAKATAYO parin ako sa harapan ng bahay nila Lola sa ngayon ay naapula na yung apoy at hinahanap na 'yung bangkay nila Lola at Precious.

Nakita ang bangkay ni Precious,pero yung katawan ni Lola hindi parin makita sunog na yung katawan ni Precious at halos hindi na ito makilala.

"Clarisse! Clarisse!" Tawag sa akin ng isang ale. Agad akong napalingon dito itinago niya ako sa isang sulok.

"B-bakit po?" Simplikadong tanong ko.

"Tumakbo kana" pabulong na saad nito.

"Hah?"

"Sila" may tinuro siyang mga lalaki na nakatayo sa isang sulok lahat sila naka suot ng shieds at nakamasid sa bahay nila Lola. "Sila yung mga kalalakihan ang gumawa ni'yan sa lola mo" saad niya sinilip ko sila ng patago.

"Po!, pero bakit niya po i'yon ginawa kay Lola ano pong kasalanan ni Lola sa kanila!" Nangigilid ang aking mga luha.

"Sinabi sa akin ng Lola mo isa raw sila sa grupo ng mga sindikato kasamahan daw dati 'yan ng lola at ang sabi pa niya umalis na siya pero patuloy parin siyang hinuhunting nito" saad nung ale.

Napaatras nalang at napatakip ng bibig habang patuloy ang pag hikbi ko.

"Nag-babago na 'yung lola ko e'" napahagulgol ako sa pag-iyak."Huling napala 'yon bakit hindi kopa sinulit" mas lalo pa akong napa'iyak.

"Clarisse! Papunta sila dito tumakbo kana" kabadong saad ng ale.

Agad akong tumakbo sa isang masukal na kagubatan. Hinahabol na nila ako saan ako magtatago nito patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makakita ako ng isang malaking puno doon ako nag tago.

Tinakpan ko nalang ang aking sarili ng mga dahon sinilip ko ang mga ito marami sila yung iba nag stay at yung iba naman ay nag si alisan sh*t paano ako makakatakas nito.

Pinagpapawisan na ako tapos lima pa silang nanatili sa malaking puno. Hanggang sa mga ilang minuto lang ay nag si-alisan na silang lahat muli ko silang sinilip kung tuluyan naba silang nakaalis.

"Yun wala na" mabilis akong tumakbo. Halos mabangga bangga ako sa mga sanga nagkanda pasa pasa na nga ako.

"Mga pre ayun yung babae!" Saad nung isang lalaki kaya kalahati sa grupo nila ay sinugod ako patuloy sila sa pag habol sa akin.

Wala na akong mapuntahan at na Corner pa nila akong lahat isa nalang ang tanging paraan para mailigtas ko ang sarili ko.

Ang tumalon!tumalon sa ilog na ito na sobrang taas. Palakasan talaga ang loob sa pagtalon dito.

"Wala kana kawala bata!" Saad nung isang lalaki. Medyo matanda narin ang itsura nito.

"Mas mainam kung sumama ka nalang sa amin" Saad naman nung isa na halata mong nasa 40+ 'yan batak pa mukha na tuloy silang gurang.

"Pwede ba tigilan niyo ako!" Sigaw ko sa kanila.

"Lahat naman tayo makikinabang pag sumama sa amin" sabay silang nag tawanan.

"Lol! Hindi ako uto uto mga baliw!" Napaatras nalang ako.

"Mataas 'yang nasa likod mo baka mahulog ka" Saad nung lalaki. Jusko kawawa naman yung mukha nito.

Mabait ako na'may pagka mapanglait pero sa isip ko lang naman sila nilalait hindi ko mismo sinasabi sa kanila ng harapan baka kasi ma offend sila pero ang totoo ang papangit nila mukha silang kulang sa dilig.

"Mas mainam nalang na mahulog ako kesa sumama sa'inyo!" Sigaw ko sakanilang lahat. Nagtawanan at nagsnagsilapitan silang lahat.

"Alam mo ang ganda mo kaso pinapapatay ka sa amin ng amo namin kaya no choice kami kung hindi gawin ito" Saad nung isang lalaki may hawak itong baril kaya mas lalo akong napaatras ng kaunti.

"A-ano ang gagawin mo?" Nanginginig na mga labing Saad ko. Napatingin ako sa aking likuran papalapit na papalapit na ako sa isang bangin na may ilog.

"Paalam Clarisse," pinaputok niya yung baril at tumama ito sa bansang dibdib ko pero isang himala konting hapdi lang yung naramdaman ko hindi manlang ako nakaramdam ng sakit o kaya wala manlang dugo.

Bumagsak ako sa isang ilog at dahil sa lakas ng mga agos nito ay natama ako sa isang malaking bato nawalan ako ng malay at hindi kona alam kung saan na ako makakarating.

Mga ilang oras ng nakalipas ay nagising din ako sa isang mabatong ilog mababaw na itong ilog kaya dahan dahan akong gumapang hindi nga ako namatay sa pag kakabaril sa akin muntik naman akong mamatay sa agos. Pero teka paano ako nakaligtas? Agad kong tinggal ang suot kong kwintas na may mukha ni papa god gawa lang ito sa kahoy at dito tumama yung bala ng baril at hindi sa dibdib ko.

God save me!.

"Thank you Lord!" Mahinang sigaw ko.

Kaya gumapang na ako ng gumapang pumunta ako sa isang malaking puno at doon ako nag palipas ng gabi mag buburn fire sana ako kaso baka makita pa ako ng mga humahabol sa akin malay mo naman.

Sobrang hinang hina na ako kaya minabuti ko ng matulog sa isang sulok.

"Clarisse" mahinang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

"Nasaan ka?" Tanong ko dito.

"Sa likod mo" sagot nito.

Napalingon ako si Precious, naka suot ito ng white dress yung suot niya kanina yung akin kasi may design yung sakanya plain lang.

"Precious" napayakap ako sakanya.

"Buti nakaligtas ka" bulong niya sa akin.

"Hindi ka nakaligtas" gusto kong umiyak kaso walang lumalabas na luha.

"Pati si Lola hindi rin nakaligtas nag kita kami kanina at ngayon ay tahimik na siya dahil patay narin yung mga taong pumatay sa amin" saad niya. Nagulat ako at napaatras ako ng kaunti.

"Ngunit paano!" gulat kona tanong.

"Nung binaril ka ng isang lalaki may mga kumpol ng makakamandag na ahas ang nahulog sa kanila at ni isa sa kanila ay walang nakaligtas" pag sasaad nito napatakip nalang ako ng bibig at napangiti.

"Seryoso? Buti nalang binaril ako ng isang lalaki" saad ko.

"At dahil plano ng Diyos na iligtas ka" saad ng isang matanda, napabalikwas ako ng tingin sakanya si Lola!.

Agad akong yumakap sakanya ang ganda niya sa suot niyang white dress pare-pareho silang plain.

"Bakit hindi nalang po ako sumama sa'inyo tutal wala naman ng silbi ang buhay ko" malungkot na saad ko.

"Apo" napahawak siya sa aking pisngi. "Maniwala ka may magandang plano ang Diyos sa'yo" saad ni Lola.

"Sana nga po mas gusto ko nalang po mabuhay ng mag-isa kesa makasama ko palagi yung mga taong puro pasakit lang yung binibigay sa akin" saad ko.

"Apo mas mahirap mamuhay ng mag isa darating din ang panahon na may mag mamahal din sayo at sasamahan ka sa lahat at wag kang mag alala sa darating na mga bagong henerasyon magsasama rin tayo" nakangiting saad ni Lola.

PURPLEMOON💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon