CHAPTER 28

39 20 0
                                    

CHAPTER 28

~CLARISSE POV~
3 YEARS NA AKO DITO SA BOARHOUSE NAMIN and 3 yrs na rin akong nililigawan ni Rhed, malapit na talaga sasagutin kona siya. Tapos na ako sa first subject ko kaya naman pupunta na ako sa next subject ko kung saan classmate ko si Rhed, for sure sa akin tatabi yung bugok na ‘yun.

Pag pasok ko ay sakto naman ding pag pasok ni Rhed, seryoso lang itong umupo sa tabi ko walang imik at hindi rin ako tinitignan. Hindi ako sanay.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya. Napayuko lang siya.

"Wala may iniisip lang pero ok lang ako" saad nito, tama nga si Lauren, masyadong malihim itong si Rhed, hindi siya yung tipong nag lalabas ng sama nang loob tahimik din siya.

"Are you sure? Gusto mo coffee tayo after class?" Offer mo sa kanya, napangiti siya.

"Sure" pag payag niya, napasandal ako sa kanyang balikat.

Dumating na yung professor namin sa math. Madali lang sa akin ang makasabay kaso si Rhed, nahihirapan siya kaya naman panay tanong siya sa akin, agad ko rin naman sinasagot.

"Ang hirap naman masyado" bulong sa akin ni Rhed.

"Turuan kita after class" bulong ko sa kanya, seryoso lang siyang napatango.

AFTER BREAKTIME, kasama ko siya sa malaking puno malapit sa isang building ng school na ito. Naka yakap siya sa akin habang nag babasa ako ng libro, itong libro na ito ay binigay sa akin ni ate Clarissa, ito raw yung book para mag improve raw ako as mature and as college student.

Habang nag babasa ako ay biglang tumunog ang cellphone ko agad ko naman binasa ang chat sa akin. It's Steffano, I really miss this guy.

Steffano Inggrid (10:20 am): Hello Iris, kumusta ang school?.

Napangiti ako sa chat niya agad naman ang nag tipa.

Me:Ok lang palagi akong perfect sa mga quiz.

Steffano Inggrid(10:20 am):Mana ka talaga sa akin no? HAHAHAHA.

Mahina akong napatawa sa sinabi niya, naagaw ko ang atensyon ni Rhed.

"Sino yang kausap mo?" He asked.

"Nothing friend ko lang" sagot ko, bigla niyang kinuha yung cellphone ko na walang pasabi sabi.

"Steffano Inggrid? Diba ito yung First love mo and ito rin yung mang-reject sayo?" Nakakunot kilay siyang tumingin sa akin.

Kinuwento ko na sa kanya ang about kay Steffano, pati ang mga storya ko sa buhay, seryoso siyang nakikinig sa akin mukha interesado siya sa mga sinasabi ko.

"Yeah pero we become friend with him naman dahil malaki ang utang na loob namin sa isa't isa besides ayaw namin mawala ang isa't-isa kaya pinatili nalang namin yung pagkakaibigan namin" hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Don't worry Rhed, hindi kona siya gusto" saad ko, seryoso itong tumingin sa akin.

"Ako na ba?" Napa iwas ako ng tingin sa kanya, bakit naman biglaan yung tanong.

Napa-ubo ako, gulat ako ng inabot niya sa akin yung cellphone ko agad ko naman itong kinuha.

"Sorry kung kinuha ko bigla yung cellphone mo" paghingi niya ng tawad.

"Ok lang ‘yun"

"By the way may liga kami mamaya and pag pumunta ka ibig sabihin no'n sinasagot mo na ako" saad niya, napa-iwas ako ng tingin at matamis akong napangiti.

Ginulo niya ang aking buhok sabay alis, gusto ko na siya the way ng mga pag-court niya sa akin and yung pagtrato niya sa akin, gaya ng sabi ko unti unti ng na dedevelop ang feelings ko sa kanya. I like him and I love him.

UMUWI NA AKO sa boarding house kasabay ko si Lauren, umuwi hindi na kami kakain, kumain na kasi kami sa restaurant na kinakainan namin kasama ko si Lauren at Zianna, tamang kwentuhan lang kami and sinabi ko na rin sa kanila yung sinabi sa akin ni Rhed.

"Pupunta ka?" Tanong sa akin ni Lauren.

"Napamahal na ako sa kanya,Lauren" saad ko.

"Sure ka na ba sa feelings mo?" Muli niyang tanong.

"Oo kita ko sa kanya yung effort at yung pag-trato niya promise gustong gusto kona siya" saad ko, seryoso siyang napatango at umiwas na siya ng tingin sa akin."May problema ba?ang cold mo na kasi sa akin e’" malungkot ko'ng saad.

"Pagod lang ako sa school" saad niya at umakyat na siya sa double deck namin humiga siya doon at nag cellphone nalang.

"Hindi mo ako sasamahan?" Lumapit ako sa kanya.

"Sasamahan kita need ko lang ng rest ngayon mamaya ipahamak kapa ni Rhed," saad niya biglang kumunot ang  noo ko.

"Okie sige mag bibihis at magpapahinga lang ako saglit" saad ko, kumuha ako ng isang white dress sa damitan namin agad ko i‘yon isinuot sa cr.

Pagkalabas ko ng cr ay nakabihis na rin si Lauren, naka maong pants lang siya at black with print na power pop girls t-shirts, ka simple naman ng kaibigan ko kahit cold na niya sa akin love ko pa rin ‘yan.

"Ganda mo d'yan Clarisse, halatang sasagutin mo na talaga si Rhed," saad niya, I smiled.

"Nakaka fall kasi siya and ang tiyaga niya rin mag antay sa akin dahil almost 3 years na niya akong nililigawan" saad ko, ang tagal na rin no'h nung 1 year palang kasi siyang nangliligaw sa akin hindi pa talaga ako ready sa love noon kaya hindi ko rin siya sinagot agad.

At itong araw na ito ang araw na magiging anniversary namin, patapos na kami ng college so pwede na maging kami at kailangan na namin mag focus sa relationship namin and besides para na rin sa magiging future namin.

Lumabas na kami ng Boarding house namin and agad na kaming sumakay sa taxi na dumaan, medyo kinakabahan ako sa magiging resulta ng pag-sagot ko kay Rhed, sanay maging masaya siya ngayong araw na ito.

NAKARATING NA KAMI sa court hinahanap ko si Rhed, kaso hindi ko siya makita, pero sila Zianna at Alexander, nakita ko nakatayo sila sa isang poste.

"Omg! Clarisse, you here!" Pasigaw na saad ni Zianna, agad naman niya akong nilapitan at niyakap. "Kanina ka pa nga hinahanap ni Rhed, e’ by the way mag start na yung game nila tara niya" aya niya sa amin.

"Wait bili lang ako ng water ah" saad ni Lauren, agad itong umalis samantalang kami nila Zianna at Alexander, ay naka upo sa bandang tuktok na kami pumuwesto.

Nag start na rin yung game, kita ko ang malawak na ngiti ni Rhed, kumaway siya sa akin at muling nag focus sa laro. Nakangiti siya habang sunod sunod na pinapasok sa bola.

Sa tuwing mag kaka-score sila ay wantusawang tili ang lumalabas sa aking bibig, rinig kong natatawa nalang sa akin sila Alexander, Zianna at Lauren, kakabalik niya lang.

"Tuwang tuwa ka ah" saad ni Alexander.

"May usapan kasi sila" saad naman ni Zianna, sa tingin ko sa pagmamahalan namin ni Rhed, si Zianna, ang number one fan namin lagi nalang kasi siyang kinikilig pag may sweet moments kami ni Rhed.

NAG END NA ANG GAME, at sila ang nanalo and ngayon panalo na siya sa puso ko, nagnanakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Kahit pawisan siya ay hindi ko i‘yon ininda basta ang alam ko this guy is now my boyfriend.

"I love you Clarisse," bulong sa akin ni Rhed.

"I love you too Rhed,"bulong ko rin sa kanya, habang nakayakap ang aking mga kamay sa kanyang likuran.

"Finally sinagot na ako ni Clarisse!" Sigaw ni Rhed, sa buong court.

"Congratulations Rhed and Clarisse," bati sa amin ni Zianna, sabi na e’ fan na fan talaga namin siya.

Nagsipalak pakan naman ang mga tao sa paligid namin.

He suddenly kissed me.


PURPLEMOON 💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon