CHAPTER 15
~STEFFANO POV~
ALAM kong nasaktan ko si Iris, hindi ko naman sinasadya at hanggang ngayon ay pinag sisihan kong sabihin 'yun pero 'yun yung totoo at alam kong kailangan niya i'yon malaman. Gusto kona siyang makausap kaso naka off siya kaya nandito nalang ako sa likod ng bahay naka-upo sa malaking bato at pinag mamasdan ang mga tala.
Hanggang ngayon nalilito parin ako sa nararamdaman ko kay Iris, sa tuwing nakaka-usap ko kasi siya nawawala yung lungkot ng araw ko at nawawala yung stress ko sa trabaho kaya sobrang saya ako nung nakilala ko siya kaya ayoko nang masira ang friendship naming dalawa.
Halos sa akin na siya nag oopen up ng problema niya kaya ayoko na dumagdag pa doon ayoko rin naman maging friendless siya dahil panigurado akong iiyak at iiyak na naman 'yun tuwing gabi.
"Tama ba 'yung sinabi ko?" Tanong ko nalamang sa aking sarili. Gusto ko saktan yung sarili ko dahil hinayaan kong masaktan ko siya pinangako ko kasi sakanya na never ko siyang sasaktan at never ko siyang iiwan.
"Anak" tawag sa akin ni Nanay, lumapit siya sa akin at tumabi.
"Nay" malungkot kong saad.
"Ano nangyari sa pagkikita niyo ni Clarisse?" Tanong ni Nanay, alam niyang nag kikita kami ni Iris, sa ilog.
"Nay, umamin siya sa akin gusto niya ako" malungkot na saad ko.
"Oh' bakit malungkot ka? Dapat nga magsaya ka dahil gusto karin ng taong gusto mo" saad ni Nanay, napasimangot nalang ako.
"Nay nalilito parin ako sa nararamdaman ko sabi ng isip ko huwag dahil hanggang kaibigan ko lang siya pero sabi naman ng puso ko mahal kona siya" napayuko nalang ako hinawakan ni Nanay ang balikat ko.
Nung una akala ko crush lang 'yon o pag hanga pero habang tumatagal ay palagi ko nalang siyang iniisip hanggang sa humantong na sa mahal kona siya kaso natatakot akong ma reject niya kaya tinigil ko nalang yung nararamdaman ko at 'yun nanga sinabi kona sa kanya na hindi ko siya gusto. Ang tanga ko t@ng1na.
"Mahirap talaga pag hindi magkasundo yung isip at puso mo hindi mo alam tuloy kung ano ang dapat na susundin mo pero palagi mo lang tatandaan na dapat palagi mong pag-iisipan ang magiging desisyon mo dahil ayokong magsisi ka sa huli" payo sa akin ni Nanay, napatango nalang ako at napayakap kay Nanay.
"Pasok na po tayo Nay, sa loob medyo inaantok napo kasi ako" aya ko kay Nanay, sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay, pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko.
Napatingin ako sa messenger ko at may nakita akong nag chat sa akin binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang pamilyar na babae, si Clarissa Kim Estrada.
Clarissa Kim Estrada:Hi Steffano.
Me:Hello po bakit po kayo napa chat?.
Clarissa Kim Estrada:Sinabi sa akin ni Clarisse, yung pag-uusap ninyo alam mobang grabe mo siyang nasaktan.
Me:Hindi ko naman po intensyon na saktan siya.
Mga ilang minuto muna ako nag antay bago muli siyang mag reply. Medyo matagal din siya mag reply unlike Clarisse, mabilis mag reply pero kanina parang may tampo pa.
Clarissa Kim Estrada:Pano kung sinapak kita tapos sabihin kong hindi ko naman Intensyon 'yun satingin mo magagalit ka?.
Napa-isip ako sa chat niya, marami na akong nababalitaan about kay Clarissa Kim Estrada,ang sabi nila War freak daw ito at palagi nalang napapasama sa mga gulo unlike kay Clarisse,na soft at mabait. Yung isa nilang kapatid mukang masungit kaya hindi ko tensyon na kausapin o lapitan manlang.
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomansaSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...
