CHAPTER 39
~CLARISSE POV~
PAUWI NA AKO hindi na ako sumabay kay Lauren at Alexander, may gagawin pa kasi sila and isa pa gabi na rin, baka mapano pa sila.Nakarating ako sa pinto namin, nakita yung sasakyan ni Rhed, nandito na pala siya, nandito rin ang sapatos niya, pero nakakapag taka merong sandals dito. Nanlumo ako sa nakita ko, tapos may boses din na tumili na galing sa bintana ng kwarto namin.
Tangina, mukhang dinala niya pa dito yung babae niya. Dahan dahan ko'ng binuksan ang pinto at agad akong pumuntang kusina, para kumuha ng kutsilyo, rinig na rinig ko yung pag-ungol ng isang babae sa kwarto pa namin mismo.
Mahuhuli ko na sila, ang tagal ko rin inantay ang pagkakataon na ito. Nasa sa Las na ako at umupo ako saglit sa sofa. Agad ko'ng tinawagan si Lauren, para sabihin sa kanya ang lahat lahat.
"Punta kana rito ah" saad ko.
"Sige sige tapusin lang namin yung ginagawa namin" saad niya.
Agad ko nang pinatay yung cellphone ko at dahan dahan akong umakyat patungo sa aming kwarto, panginginig ang aking nararamdaman sa tuwing ako'y hahakbang, mga hayop sila! Dito pa talaga sa loob ng pamamahay ko.
Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto, at mga ilang sigundo lang ay agad kona itong binuksan, nakita ko si Rhed, nakapatong sa isang babae, at ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi ang bestfriend ko na si Zianna.
Si Zianna, ang kabet ng asawa ko.
My husband and my bestfriend cheating on me.
"Mga hayop kayo.." Nanginginig na saad ko, tinulak ni Zianna, si Rhed, dahilan ng pagbaksak nito sa sahig.
Agad na tumayo si Zianna, at lumapit sa akin hinawakan niya ang aking kamay.
"Mali ka ng nakita bess" nagmamakaawang saad niya.
"Tangina mo hindi ako bulag" diin ko'ng saad.
Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon, ngumisi siya sa akin at lumayo, patalikod siyang lumapit kay Rhed. Si Rhed naman ay hinawakan ang kamay ni Zianna.
Nakangisi silang tumingin sa akin.
"Ano yang hawak mo? Kutsilyo,Bakit papatayin mo kami?" Nakangisi siya habang tumatawa, lumapit siya sa akin. "Kung kaya mo" bulong niya sa akin nung nakalapit na siya.
"Alam mo naman yung background ng pamilya ko diba at nung una pa lang binantaan na kita!" Pagdiin ko.
"Sa tingin mo natatakot ako?" Nakangisi siya.
"Bwisit kang demonyo ka! Para matapos na to' papatayin kona kayo! Mga hayop kayo!" Nanginginig ko'ng sigaw.
"Mas demonyo ‘yang pamilya mo!" Sigaw niya. "Gusto mo sabihin ko sayo lahat?" Mas lalo siyang lumapit.
"Minahal mo ba ako?" Nanginginig ko'ng tanong.
"Malamang hindi bobo kaba!" Sigaw niya.
Napalunok ako.
So eversince hindi niya talaga ako mahal? Niloko niya ako. Napaka hayop niya talaga.
"Una ko'ng niligawan nung high school yung kapatid mo'ng si Clara, kaso matigas e' at sinunod ko naman si Clarissa, ang kaso mas lalo akong nahirapan, kaya nasira yung major plan ko. Muntik na nga sana ako huminto noon eh kaso mas lalo pa akong nag research about sa family mo at doon ko napagtanto na triplets kayo, nagkaroon ako ng pag-asa noon na maghiganti sa pamilya mo lalong lalo na sa tatay mo na si Alonzo Estrada, napaka laki ng kasalanan niya sa pamilya ko!" Sigaw niya, napaatras ako at napahagulgol sa pag-iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/355177184-288-k5545.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...