CHAPTER 25

70 24 2
                                        

CHAPTER 25

~CLARISSE POV~
KAKAGISING KO LANG AT AGAD KONG NA AMOY ang mabangong niluluto ni Lauren, napatayo ako at pumunta sa kusina nag hilamos muna ako ng aking mukha at nag mumog.

"Gising kana pala by the way pupunta yung dalawa kong kaibigan ipapakilala rin kita sa kanila" nakangiting saad niya, ngunit nalang ako at tumango.

Napatingin ako sa mesa. "Kaya pala ang daming mong niluto na pagkain halos lahat prito e’" saad ko, mahinang tumawa si Lauren.

"Nag aaral pa akong mag luto" napatigil siya sa pag luluto at yumakap sa akin.

"Hoy mamaya masunog yung mga niluluto mo ron!" Sigaw ko sa kanya napabitaw siya sa akin ng yakap.

"Masyado kang praning, hindi ‘yan saka matagal pa ‘yan maluluto" saad nito, tinignan ko yung niluluto niya, instant noodles na halatang bagong kulo pa lang.

Matagal pa nga.

Dahil bagong salang pa lang at mamaya pa ito kukulo, kaya naman ay lumapit ulit siya sa akin at doon na niyakap.

"Kumusta yung first day mo dito? Ayos ba? nakatulog kaba ng mahimbing? may nanggagambala ba sayo matulog?" Sunod sunod na tanong niya.

"Ikaw ata yung praning, malamang maaayos yung tulog ko kaso medyo na-iingayan ako sa labas e’ yung mga dumadaang sasakyan" napakamot ako ng aking ulo.

"Ahh yung mga motor, oo maiingay talaga ‘yang mga ‘yan lalo na't gabi tapos mag kakarerahan pa sila" saad niya, napatango nalang ako, maayos naman yung unang gabi ko dito and masasabi kong nag enjoy kasama si Lauren, ang kulit and ang gamble niya kasi tapos maingay rin and higit sa lahat oa.

"Karerahan?"

"Oo hindi moba alam ‘yun?" Napakunot ako ng aking noo. It's my first time to hear that.

"No.." Simplikadong saad ko.

"Gusto mo nood tayo sa linggo? Kasali kasi doon yung isa kong kaibigan lagi kaya kami nanood kaso minsan lang sumama sa akin yung best friend ko dahil busy raw siya" malungkot niyang saad. Habang nag kwekwentuhan kami ay may biglang kumatok pinigilan ko si Lauren at sinabi na ako nalang ang mag bubukas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin yung dalawang lalaki at isang babae, yung isang lalaki familiar sa akin,, si Rhed Cedric Torres, ningitian ko sila ngunit yung dalawang lalaki lang yung ngumiti sa akin samantalang nakakunot noo naman yung babae.

"Hi Clarisse," bati sa akin ni Rhed, ang gwapo talaga ng boses niya.

"Hello Rhed, sige na pasok na kayo tapos na kasi si Lauren, mag luto" kaagad na silang nag si pasukan kukuhanin ko sana yung paper bag na dala dala ni Rhed, kaso tinanggihan niya ako kaya hinayaan ko nalang, sabay kaming pumunta sa lamesa habang nakahawak siya sa aking likuran.

Pagkatapos ihain ni Lauren, ang mga pag kain ay nag si upuan na yung mga bisita ni Lauren, dapat nga hindi na ako makikisama sa kanila pano ba naman mga kaibigan niya ‘yan besides sila Rhed at Lauren, lang yung kilala ko sa kanila.

"Hoy! Lauren, kamusta ka naman dito? Totoo nga ang Chinismis ni Rhed, may kasama kana pala dito" tumingin sa akin ang lalaki.

"Bakit mo ako inunahan!" Sigaw ni Lauren, sa binata na katabi ko.

"Lauren, we all know naman na chismoso itong si Rhed, kaya wag kana mag taka" singit ng isang babae, halata sa tono niya ang pagka suplada.

"Dapat kasi ako mag sasabi bida bida ka talaga Rhed!" Muling sigaw niya, tahimik lamang ako sa gilid habang kumakain. Hindi kasi sanay na nakikipag usap habang kumakain i really hate that parang wala silang respeto sa pagkain.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon