CHAPTER 9

47 22 6
                                    

CHAPTER 9

~CLARISSE POV~
NANDITO parin kami ni Steffano sa tabing ilog ganon parin ang pwesto ko pareho kaming tahimik at walang imik pero kahit na ganon ay kampante parin ako sakanya.

"Mag gagabi na uuwi na ako" napabitaw na siya ng yakap sa akin at napatanggal naman ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Mag ingat ka Steffano," agad naman akong napatayo at pinag masdan siyang papaalis.

"Ikaw din Iris!" Sigaw niya sa di-kalayuan.

Napatingin nalang ako sakanya. Bawat galaw niya titingin siya sa akin hindi tuloy ako maka-alis. Hindi kona siya mahalagilap pa kaya umalis nadin ako.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa mansyon agad na akong pumasok sa loob tanging mga kasambahay lamang ang naabutan ko wala sila mommy.

"Aling Mitch, nasaan po sila mommy at Daddy?" Tanong ko. Natigilan siya sa kanyang ginagawa.

"Umalis sila mommy at daddy mo hindi nalang sinabi sa amin kung saan sila pupunta" sagot sa akin ni Aling Mitch. Ngumiti nalang ako at tumango.

Iniwanan kona si Aling Mitch, at agad akong pumuntang kusina bibigyan ko ng pagkain sila Clarissa at Clara, sigurado akong naiinip na iyon dahil maghapon silang nakakulong sa loob.

Pinaghanda ko sila ng isang Sandwich and gatas para naman gumaling galing din sila puro kasi Coke, sting, tapos chichirya nalang palagi yung kinakain at iniinom nila nakakalimutan nila yung boundaries nila.

Una kong pinuntahan si Clarissa, nag babasa lang ito ng wattpad books i'm familiar to that Author nabanggit niya rin kaso yung author na iyon and ang sabihin ni ate isa rin daw iyon sa sikat na author na iniistan niya. It's Untold story of Ara, wow ang tapang ah.

Well nabasa rin naman niya iyon sa wattpad at saka binanggit niya rin sa akin yung mismong kwento. (Ayokong mag spoiler)

"Busy ka ata sa pag babasa" saad ko agad kong inilabas sa room table yung pagkain na ibibigay ko sakanya.

"Oo kinikilabutan na nga ako sa mga nababasa ko grabe rin kasi yung plot!" Pasigaw na saad niya. Napatawa nalang ako sa sigaw niya.

"Nakwento mona sa akin yung story na 'yan halos lahat naman ng nababasa mong story kinukwento mo sa akin" saad ko. Napatawa nalang siya.

"Alam moba boring na boring na ako rito buti nalang talaga dumating ka!" Nakangiting sigaw niya. Hinawakan niya ang aking kamay.

"Naku wala 'yun gusto ko rin naman kayong bisitahin dahil alam kong na boboryong na kayo"saad ko naman.

"Thanks talaga hays kamiss mag basa sa cp ng story lahat kasi ng nandito nabasa kona at saka gusto ko rin mag try ng underrated writer's gusto kong i try yung mga story nila" naiinip niyang saad.

Ito talagang ate ko ang hilig sa wattpad pero kahit na pa wattpad wattpad lang 'yan academics achiever din 'yan hindi lang academics kundi pati narin sa pag tetekwando at pag hawak ng baril. Sa edad niya na 14 yrs old nakakahawak na siya ng baril.

Kakaiba nga yung course na gusto niyang kunin in the future. Want niya maging Lawyer plus Detective, hindi ko alam bakit want niyang maging detective siguro para makatulong din siya sa pag hahanap ng mga hustisya.

Mommy and daddy don't know anything about her dreams, they also don't ask us, and she also doesn't ask us.

"For sure ako bukas pwede kana gumamit ng phone"

"Sana nga"

Yumakap ako sakanya at yumakap naman siya sa akin ng pabalik. Gusto ko man sila pahiramin ng phone pero alam kong tatanggihan din nila kasi marunong sila sumunod kila mommy and daddy.

"Ilan naba libro mo rito?" Tanong ko.

"For Educational?, International stories or wattpad books?" Tanong niya.

Wow ang dami naman niyang libro nabasa niya na kaya lahat 'yun? Ilan kaya lahat ng libro niya?.

"Wow! Ang dami mo namang libro o sige sa for Educational muna tayo!" Pasigaw na saad ko.

"Bali 20 lahat for Educational palang oh diba ang rami pero nabasa kona lahat 'yan" nakangiting saad niya. Napa wow nalang ako dahil batak pala magbasa ng libro to'.

"Sa International stories naman"

"Bali 150 lahat nandyaan narin yung pinaka mahal na books naalala mo nung pumunta tayong Korea halos ubusin kona lahat ng Won ko para lang sa books" mas lalo pa akong napahanga. Grabe na siya hindi kona keri yung ganyang karaming babasahin.

"Wow ang dami ah... At syempre ang mga wattpad books naman" ito na tayo sa pinaka exciting part.

"Bali 200+ lahat dahil may paparating pa akong another wattpad books hehe halos lahat ng wattpad books meron ako e'" mas marami to' hindi talaga papatalo yung wattpad books.

"Grabe naman 'yan ate wala nabang katapusan 'yan kulang nalang gawin mong books store itong kwarto mo sa sobrang dami ng libro mo" saad ko sakanya. Simplikado nalang siyang napangiti.

"Ganon talaga pag book lover" saad niya sa akin. Napatawa nalang kami pareho.

"Wow iba kana... Oh siya sige na ate at pupunta pa ako kay Clara, siya naman yung dadalhan ko pahinga kana dyaan ah goodluck sa pag babasa mo bye na Clarissa, ko!" Saad ko sakanya. Kumaway nalang siya sa akin at tuluyan ko nang isinara ang pinto.

Bitbit ang pagkain na dadalhin ko naman kay Clara, ay agad na akong dumiretsyo sa kanyang kwarto. Ano kaya yung ginagawa niya. Agad naman akong kumatok at agad niya rin itong pinag buksan.

"Ano ginagawa mo?" Tanong ko sakanya. Inilapag ko sa room table yung pag kain na dala dala ko at umupo ako sakanyang tabi.

Kinuha niya yung kanyang gitara. Dyan siya mahilig ang kumanta mag gitara at ang paggawa ng kanta. Kaso hindi niya pa sinusubukan kantahin yung mga ginawa niya ewan koba kung bakit.

"Samahan mo akong kumanta" pag aya niya sa akin. Agad naman akong pumayag.

Inumpisahan niya ng patugtugin yung gitara.

"Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi kay simple lang ng aking hiling na madama mo rin ang pait at pighati sana'y mag milagro mabalik ko mali ay maideretsyo pinag darasal ko sa aking puso na mabura na isip ko.. " That's our favorite song.

Pag naboboring kami 'yan yung palagi namin kinakanta pero hindi naman kami relate, ang tanging talent lang namin ay ang pagkanta..



PURPLEMOON💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon