CHAPTER 38

82 22 0
                                        

CHAPTER 38

~ALEXANDER POV~
KINABUKASAN nakita ko si Lauren, namomoblema siya dahil na sira na raw yung tv namin, magkasama na kami ngayon sa iisang apartment, kahit hindi masyadong kalakihan ay ayos lang sa amin basta magkasama kami.

"Alex, may inaabangan akong balita e’ kainis naman!" Sigaw niya.

"Edi sa cellphone mo may internet naman tayo" sagot ko sa kanya.

"Hindi pwede dapat nag cecellphone ko habang nanonood, saka kailangan ko rin mag picture, kasi kailangan sa school" saad niya, agad akong lumapit sa kanya.

"Bili nalang tayo now, magbihis kana" utos ko sa kanya.

Nagmamadali naman siyang pumunta sa kwarto para magbihis, ako naman ay nagmadaling inayos yung sasakyan. Hindi naman kalakihan yung bibilhin namin, hindi na rin ako nag bihis pa dahil maayos naman itong suot ko saka kakaligo ko lang.

Maya maya lang ay lumabas na rin si Lauren, at agad na dumiretsyo sa passenger seat.

"Ang bilis namang pamasko mo" saad niya, mahina lang kaming napatawa.

"Sabi mo kasi kailangan mo kaya bibilhan na kita" saad ko naman.

"Spoiled talaga ako sayo" nakangiting saad niya.

"Oo basta wag mo'ng babanggitin yung Steffano," napalingon siya sa akin. Napansin ko kasi kahapon na kinikilig siya nung pinakilala siya ni Clarisse, doon sa lalaki. Aaminin ko gwapo yung lalaki at halata mo'ng mabait.

Naalala ko pa kahapon binigay niya yung number niya sa amin incase na may mangyaring masama kay Clarisse, at sa magiging anak nito. Buti pa yung greatest love, may pake pero yung asawa wala. Tanginang lalaki ‘yan.

"Selos ka?" Tumatawang saad niya.

"Hindi ah saka mukhang mapagkakatiwalaan naman yung Steffano, pati yung kasama no'n na si Xymone, mukha rin silang mabait" mahinahong saad ko.

"Ganyan din kwento sa akin ni Clarisse," umiwas na siya nang tingin sa akin. "Saka pansin mo namumula mata ni Clarisse at yung si Steffano," nagkatinginan na kaming dalawa, kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.

"Pansin ko rin e’" saad naman niya.

"By the way nandito na tayo sa mall, park ko lang tapos diretsyo tayo sa Appliances store, para makapili kana ng tv" agad kong pinark yung sasakyan at agad na kaming bumaba.

Kita ko ang excitement sa kanyang mga mata, dahil grabe yung ngiti niya halos hindi mo talaga makikita sa kanya na hindi siya napapagod sa trabaho niya, well dahil long weekend naman ngayon gusto ko'ng mag enjoy naman siya.

Pumasok na kami sa appliances store, marami kaming nakitang mamahalin na gamit. Gusto sana naming bilhin kaso kulang sa badyet.

Yung coffee shop ko binili nila Daddy at Mommy, and simula nung naging kami ni Lauren, binawi na sa akin lahat, pati ari arian na dapat ipapamana sa akin wala na. Dahil lang sa ayaw nila kay Lauren, hindi ko naman sila masisi dahil may iba silang gusto na pakasalan ko. I don't have feelings for the girl they want for me. Besides iba ang gusto ko at si Lauren, ‘yon kahit pag layuin pa kami at pagtabuyan pa nila si Lauren, si Lauren pa rin yung pipiliin ko.

"Love! Alex! My future husband, anong nangyari sayo kanina ka pa tulala" nagulat ako at agad na napatingin sa kanya.

"Sorry may naalala lang"

"Magbabayad na tayo. Magpapatulong na lang akong magpabuhat para naman makapag pahinga ka sa pag drive, tapos sagot ko na rin yung bibilhin nating pagkain, umorder na lang ako kila Gabi, dadalhin na lang daw nila mamaya sa apartment" tumango nalang ako, pagkatapos naming bayaran yung tv na binili namin ay agad naman kaming lumabas, ilang oras na lang kasi gagamitin na ni Lauren, yung tv para sa trabaho niya.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon