EPILOGUE
~CLARA POV~
AFTER ONE MONTH, marami na ang nangyari pero hanggang ngayon masakit pa rin ang pagkamatay nila Clarisse at Steffano.Kakatapos ko lang nang performance namin halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang dami ng tao, sa group kasi namin ako ang Main vocalist, Lead Dancer, Sub Rapper at Center, kaya sa akin line ang pinaka marami.
"Clara, aalis na kayo ngayon?" Tanong sa akin ng isa kong co-member na si Catalina. O mas kilala sa tawag na Alina, siya ang Main Rapper at Lead Dancer, sa groupo.
"Ahh Oo pupunta kasi kami sa puntod ng kapatid kong namatay" sagot ko.
"Ayaw mong mag pahinga muna? Sama ka sa amin ni Athina," napangiti nalang ako at umiling.
"Thank you sa pag aya pero ok lang kailangan kona rin kasing mag madali" saad ko ngumiti sila sa akin at umalis.
Agad akong nag soot ng jacket na black at cap na black. Lalabas kasi ako sa public, delikado na baka may makakita sa akin. Lumabas na ako ng dressing room at dire-diretsong lumabas papunta sa parking lot.
Nang makarating na ako sa aking sasakyan ay agad na akong sumakay mabilis ko rin itong naipaandar, agad kong tinawagan si ate Clarissa, para sabihin sa kanila papunta ako. Dahil for sure akong nandoon na sila sa sementeryo.
Sa akin tuloy i-aasa ang pagbili ng tatlong bulaklak tapos kasabay pa na bibili ako nang pagkain namin. Hays talaga itong si Clarissa, hindi mautos utusan yung boyfriend bantay sarado kasi tsk...
Yeah boyfriend na niya si Xymone, na-inlove si Clarissa, dahil parehas nilang kino-comfort ang isa't isa dahil sa pagkamatay nila Clarisse at Steffano, hays patay na nga yung dalawa naging tulay pa.
Sa loob ng isang buwan ang daming nangyari, nandoon na yung balitang na dead penalty si Rhed Cedric Torres, well nag celebrate talaga kami pati na yung mga bagong pamilya namin.
Sa mansyon na kasi kami tumira lahat, yung mansyon ko sa Makati binenta kona at gayon din ang Riley Bar, gusto ko na kasing mabuhay ng normal at walang masyadong iniisip.
Yung mga kaibigan ni Clarisse, na sina Lauren at Alexander, sa mansyon na rin tumira, hindi na namin sila pinag babayad ng kung ano ano dahil halos lahat sagot na naming magkapatid.
Maya maya lang ay nakarating ako sa Mang-inasal, umorder ako ng limang manok at pati na rin rice, take out ang lahat ng inorder ko, habang wala pa yung order ko ay agad naman akong pumunta sa starbucks, magkatapat lang kasi ang starbucks at Mang-inasal.
Pagpasok ko sa loob ay saktong nakita ko yung mga ka member ko halos lahat sila nandito, kaya nung nakita nila ako ay nag hiyawan sila.
Ngumiti lang ako sa kanila, bago ko sila puntahan ay umorder muna ako ng limang drink, ito rin kasi yung sinabi ni Clarissa, kaya sinunod ko nalang. Pagkatapos ko umorder ay agad akong dumiretsyo sa kina-uupuan nang mga ka co-members ko.
"Oh akala koba aalis ka?" Tanong sa akin ni Criel.
Limang kaming magkaka-groupo, kami ay binubuo nila Alina, Athina, Criel at Dea. Kami ngayon ang pinaka sikat na banda sa buong Pilipinas. Marami na rin kaming achievements ang natanggap.
"Oo nga! Saka napadaan lang naman ako dito" Saad ko, umupo ako sa tabi ni Alina, at diretsyong ininom yung White Chocolate Mocha, niya kita ko sa kanyang mukha ang pag rereklamo.
"Hays buti na lang pinayagan nila tayong mag rest after ng event" Saad ni Dea, siya ang Main Dancer at Sub Rapper namin.
"So true, Hays Salamat at nakakapag relax manlang ako" Saad naman ni Criel, ang Lead Rapper, Lead Dancer, Lead Vocalist, and Leader of the group.
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...