CHAPTER 7

98 26 4
                                        

CHAPTER 7

~CLARISSE POV~
ALAS-TRES na nangtanghali dinalhan kami ng pagkain ng mga kasambahay namin nanatili lamang kami terrace hindi pa naman kami na iinip ayaw pa namin bumaba e' siguro ilang oras na kami nandito.

Madilim ang kalangitan balak nga namin nila ate na maligo kaya agad niyang ipinasok sa loob ang kanyang cp pinasabay narin namin yung ches.

"Kilala mo yung batang lalaki kanina?" Tanong ni Clara.

"Oo kaibigan ko siya bakit? Type mo?" May lokong tingin at ngiting tanong ko sakanya.

"Gaga! Kinawayan ka kasi" pagtataray na saad nito.

"Aysus crush mo lang e' gwapo niya diba?" Tanong ko.

"Slight"

"Weh! Sabihin mo lang sa akin kung crush mo siya para mailakad na kita" biro ko sakanya sinamaan niya ako ng tingin.

Well kahit naman papaano naiinlove rin itong mga kapatid ko sadyang hindi lang sila lalapitin ng mga lalaki dahil halata palang sa mga mukha nila na suplada sila.

Sa katunayan ako ang pinaka weak sa aming magkakapatid kaya pati si Clara, nakikipag away narin pag na bubully ako. Lalapitin nga ng lalaki pati rin naman ng nga bully, hays bwisit na buhay to'.

Pero kahit na lalapitin ako wala pa naman ako naging ex ni-hindi nga ako nakikipag entertain sa kanila. Wala naman kasi sa vocabulary ko ang ma-inlove diba'le na kung nasa 18 yrs old na ako or nakapag tapos na ako ng pag-aaral.

"Just shut up Clarisse, ayoko wala akong balak sa mga ganyan at saka tinanong ko lang naman kung kilala mo i'yon!" She shouted and gave a fierce look.

"Ito na sorry na akala ko kasi type mo" natahimik nalang ako.

Maya maya ay dumating narin si Clarissa, may dala siyang mga chichirya at isang 1.5 na coke. Kahit kelan talaga napaka lakas ni Clarissa, sa coke tapos wala pang kain tignan ko nalang kung tatanda pa siya sa kaka-coke niya.

"Sige coke pa!" Galit na saad ni Clara.

"Pake moba! Wag kang iinom ah!" Sabay duro niya kay Clara.

"Joke lang si Clarissa, naman hindi mabiro" nawala ang angry mood ni Clara, at nakangiti na siyang tumingin kay Clarissa.

"Alam mo naman na hindi ako pala biro tapos bibiruin mopa ako gusto mo bang masapak kita!" Sigaw ni ate kay Clara.

"Mag aaway na naman kayo!" Sigaw ko sa kanila.

"Si Clarissa, naman hindi mabiro napaka seryoso ng buhay mo!" Muling sigaw ni Clara.

"Clara!" Sigaw ko.

"Isa nalang Clara!, nakakatikim kana ng 360 degree na sapak mula sa kamao ko!" Sigaw muli ni Clarissa.

"Clarissa!" Sigaw kong muli.

Paano ba magkakasundo itong dalawang ito? I hope the time will come when they won't fight anymore and they will reconcile because I'm really tired of their noise.

"Clarisse shut up!" Sabay na pagpapatigil nila sa akin.

Napaatras na ako. Aba'y pinag tutulungan na ako ng dalawang ito ah e' kung pag-untugin ko kaya sila pareho ako nga itong pagod na dahil sa letcheng pag aaway nila na walang katapusan.

Maya maya lang ay biglang umambon. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na napatalon sa tuwa dahil umulan na finally umulan nadin makakaligo narin kami at makakapag bonding narin kahit parang kanina lang ay nasa seryoso kaming pag aaway.

"Kahit ngayon lang wag muna kayong mag away!" Sigaw ko sa kanila.

Pareho silang tumango at agad na akong kumalma hays kahit ngayon lang sana wag na silang mag away dahil pati mga kasambahay namin ay  naririndi narin sa pag aaway nila.

Minsan nga may nag sumbong kila mommy at Daddy na nag aaway sila ayun parehas silang napagalitan. Palibhasa kasi hindi nadisiplinahan ng maayos.

"Oo na,..ikaw kasi Clara wag mo akong iniinis para walang mangyaring gyera sa atin!" Taray ni Clarissa.

"Ako na naman!" Sigaw ni Clara.

"Mag aaway na naman kayo" napatakip nalang ako ng mukha. Ahgg nakakainis kung pwede lang dagukan ko sila ginawa kona.

"Sorry na" mahinahon na saad nila pareho.

Mga ilang minuto lang ay bumuhos nadin ang malakas na ulan. Agad naman tinakpan ni Clarissa ng twalya yung mga pag kain kasama narin yung coke syempre.

Halos bumalik na naman kami sa pagkabata sobrang saya pag na eenjoy mo yung buhay mo no'h kaso ngayong araw susulitin kona baka mag iba na naman yung trato nila sa akin malintikan na.

"Huy ang daming mangga rito oh!" Agad naman kaming lumapit sa kinaroroonan ni Clara.

"Tignan niyo kung may tao sa baba" utos ni Clarissa, agad naman akong sumilip sa baba ng terrace wala namang tao.

"Walang tao" saad ko.

"Edi kumuha na tayo hangga't wala pang tao mamaya nalang natin kainin mamayang gabi sa burnfire tayo mamaya sa baba" saad ni Clarissa.

Ay sh*t yung pinaka paborito kong gawin sa pamamagitan kasi ng burnfire nailalabas namin lahat ng sama ng loob namin and dito rin nagkakasundo sila Clara at Clarissa.

Ayaw naman kasi nila sabihin sa akin bakit lagi nalang sila nag aaway nahihilo na tuloy ako kung paano ko sila pag babatiin.

~~~
NATAPOS na ang ulan nagbanlow na kami at nag bihis. Gabi na ng mga oras na ito and nag paalam naman kami kila mommy at daddy na mag buburnfire kami sa labas.

Pumayag naman sila kaya agad na kaming nag asikaso ng mga gagamitin namin si Clarissa, ang nag sisindi ng mga apoy samantalang si Clara, naman ang nagtutuhog ng mga marsmallow at ako naman ay nag pupunas ng upuan. Nabasa kasi ito nung umulan kanina.

Maya maya lang ay natapos na kami sa mga ginagawa namin nag picture² muna kami saglit at inumpisahan na namin mag open up. Nauna si Clarissa.

"Bakit ganon hindi kona maintindihan yung sarili ko marami akong gustong marating pero hindi ko alam sa sarili ko kung maabot koba ito dahil alam ko sa sarili ko na mukhang malabo ko maabot ang pangarap ko and i worried about my future i always wonder if I will be successful soon?" Malungkot na saad ni Clarissa, sa kabila pala ng tapang niya may tinatago pala siyang lungkot.

"Don't worry about your future because Lord have a good plan for you soon" nakangiting saad ko. I always reading Bible tignan niyo kahit hirap na hirap na ako never parin akong sumusuko sa buhay.

"Nababahala ka agad sa future mo without knowing ang dami mong ginagawa this fast few days dami mong inaasikaso" singit ni Clara.

"Pag ako talaga hindi naging successful in the future mag dadabog talaga ako" paiyak na saad ni ate pero kahit na ganon ay tumawa parin siya.

"Wag naman natin hayaan na puro tadhana lang yung kumilos sa atin sana matuto rin tayo tumayo sa atin mga paa at wag palaging umaasa nalang" saad ni Clara. Ngayon lang ako namangha sa sinabi niya.

"Tumpak ka Clara, ngayon lang ako natuwa sa sinabi mo!" Pasigaw ni ate.

"Kahit suplada ako marunong din ako mag advice no'!" Pataray na saad ni Clara.

"Oo na manahimik kana!" Sigaw ni Clarissa.

Nagsitawanan nalang kaming lahat sarap sa feeling na buo kayo at palagi kayong masaya sana bukas hindi na sila mag aaway dahil ako ay rinding rindi na sa palagi nilang pag-aaway.

"Btw malapit na mag bakasyon private resort tayong tatlo" pagaya ni Clarissa.

"Sure may alam akong private resort" saad naman ni Clara.

'Yun oh nagkasundo rin ang dalawang ito sabi kona e' magkakasundo rin sila pag nag open up na ang bawat isa sa amin.

PURPLEMOON💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon