CHAPTER 27

63 22 0
                                        

CHAPTER 27

~CLARISSE POV~
SAKTONG DUMATING NA sila Rhed, kaya agad na kaming lumabas, hindi nga ako nag bitbit ng mga papers ko e’ halos wala akong bitbit and bumulong siya sa akin kung pwede ba raw niya akong ligawan so umagree nalang ako. Nakikita ko sa kanya yung pag ka green flag, gentleman at mabait, san’ kapa.

"Sa passenger seat si Clarisse,ah kayong tatlo sa likod" saad ni Rhed, sa tatlo.

"Pumaparaan ka kay Clarisse, ah" singit ni Alexander.

"Magiging main ship ko sila" saad naman ni Zianna, mapait ko siyang tinignan.

"Manahimik nga kayo mamaya biglang ma turn off sa akin si Clarisse,  hindi na ako sagutin niyan" he smirk when he look at me.

"Nililigawan mo na si Clarisse?!" Pasigaw na tanong ni Lauren.

"Oo umagree na siya kanina so now on i'm started to court her na" nakangiting saad ni Rhed.

Agad na kaming sumakay sa sasakyan niya ang gaya nga ng sabi ni Rhed, sa harap ako at yung tatlo sa likod. Medyo naiilang pa nga ako dahil first time ko lang sumakay sa passenger seat.

Humarap ako sa bintana at pinag masdan ko ang mga naglalakihang mga gusali at mga sasakyan na dumadaan. Siguro pag lumabas ka dito puro ingay ng mga sasakyan nalang ang maririnig mo at mga taong nag sisigarilyo sa daan.

MAYA MAYA LANG ay dumating na kami sa school na papasukan namin ang Carmencita del Ocampo St. Collage, ang ganda at ang laki ng skwelahan na ito. Agad na kaming pumasok sa school. Natulala ako sa ganda ng loob ng paaralan.

"Ang ganda naman dito" bulong ko.

"Mag eenroll kana?" Tanong nito sa akin ni Rhed.

"Oo ikaw ano ba kukunin mong course?" Tanong ko.

"Criminology" sagot niya, ang pogi naman ng pulis na ito. "Ikaw ba?" Balik niyang tanong sa akin.

"Bachelor of science in nursing" sagot ko. Napangisi siya.

Mapapakanta nalang ako nang ‘bagay tayo, bagay bagay tayo’ kaso bago pa lang niya akong nililigawan kaya hindi ko muna siya sasagutin, pero aamin ko unti unti ng nag dedevelop yung feelings ko for him.

Pagnakaka usap ko siya lumalakas ang tibok ng puso ko, mukhang hindi kona siya kailangan kilatisin dahil nararamdaman ko at nakikita ko kung ano ba talaga ang ugali na may roon siya.

Nag paalam siya sa akin na pupunta na raw siya sa enrollan ng mga criminology, samantalang ako pumunta naman sa enrollan ng mga Nursing, simula nung nakikita ko yung mga patayan sa mansyon namin at ng dahil doon ‘yun ang nag udyok sa akin maging nursing. Gusto ko silang gamutin, gusto ko silang tulungan kaso ang problema ayaw ni Daddy iyon pag sinusubukan namin lumapit sinisigawan niya kami.

Madaming bad memories ang gusto kona ibaon sa limot at tuluyan ng kalimutan masakit pag naalala ko ang mga i‘yon. Marami ang nawala sa akin at marami akong mga taong hindi na kasama hanggang ngayon. Tulad nalang ni Clarissa at Clara at higit sa lahat si Steffano.

AT SA WAKAS AY TAPOS NA kaming mag enroll lahat kaya na isip namin na kumain muna sa isang fast food restaurant ‘yun kasi ang request nila Lauren, Alexander at Zianna, ‘yun lang daw kasi ang afford nila kaya mo. Choice ako kung hindi ilibre silang lahat.

"Seryoso ka Clarisse? Libre muna lahat!?" Gulat na tanong ni Zianna.

"Oo naman hindi naman kasi sa akin issue ang pera" saad ko.

"Baka mawalan ka ng badget niyan" hinawakan ni Rhed, ang balikat ko.

"Ok lang" ngumiti ako. At ganon din siya.

"Huy Lauren, bakit kanina kapa tahimik?" Saad ni Alexander, halos lahat kami napatingin kay Lauren, na parang ang lalim nang iniisip.

"Nothing may problema lang ako" saad niya, hinawakan ko ang kanyang balikat.

"Bebs naman kung may problema ka pwede kang mag sabi sa akin" simbangot ko’ng saad.

"Ok lang bebs kaya ko naman itong labanan kahit ako lang mag isa" ngumiti na siya.

Medyo matatagalan pa raw ang order namin kaya sila Alexander at Lauren, ay nag lalaro muna ng ML samantalang si Zianna, naman ay nanood ng k-drama napatingin ako kay Rhed, nakatingin ito sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko dito.

"Wala,pinag mamasdan ko lang yung babaeng papakasalan ko" lalo akong napangiti. Papakasalan daw teka lang hindi pa ako handa.

"Napakaganda naman ng babaeng papakasalan mo siguro swerte ‘yun sayo" napangiti rin siya, he so handsome, when he smile at me. I like his smile.

"Napaka ganda niya siya lang ang babaeng pinaka maganda sa balat ng lupa at walang tusawa akong titignan ang mukha niya" napalakas masyado ang tawa ko kaya naagaw ko ang atensyon ng tatlong busy sa cellphone nila.

"Mukhang may nagkaka developan na ah" saad naman ni Alexander.

"Kelan mo kasi sasagutin si Rhed," singit ni Zianna, napalunok ako, sasagutin agad? Bago pa nga lang ako nililigawan ni Rhed.

"Soon pa" sagot ko dito.

"Mas mainam kung sagutin mona siya saka alam kong gusto mona rin siya kaya kung ako sayo sasagutin kona siya" saad pa nito, lalo akong bumuntong hininga.

"Bes mas mainam kung kilalanin muna ni Clarisse, si Rhed, bago pa siya pumasok sa isang relasyon halata namang first time lang ni Clarisse, ang  magkaroon ng boyfriend" hinawakan ni Lauren, ang kamay ko.

"E’ basta gusto ko sila ang endgame hindi pwedeng may biglang sisingit na iba kahit sino pa ‘yan" saad ni Zianna.

LIMANG ORAS ANG NAKALIPAS ang dami pa kasi naming ginawa nandyan na yung gumala kami sa MOA nag laro sa Moa at kumain na rin ng streetfood na miss ko'ng kumain nito nung unang beses ko palang kasi ito natikman sobrang sarap talaga.

"Grabe kalahati ng mga kinain at mga ginastos natin si Clarisse, ang sumagot ano ba’ ang sekreto mo Clarisse?" Tanong sa akin ni Zianna.

"Naku galing ‘yun sa ipon ko" pagsisinungaling ko, actually kahit gumastos ako ng gumastos hindi ako mawawalan ng pera. Kasi naman bawat gastos ko may papasok na pera kaya ayun todo nalang ako gastos.

"Daming ipon ah" singit ni Alexander, mapait nalang akong napangiti.

"Ganon talaga para may panggastos ako sa pag aaral ko" pagsisinungaling ko ulit.

"Wife Material, ganyan ang magiging asawa ko" bulong sa akin ni Rhed, muli naman akong napangiti, pagdating talaga sa kanya natitiklop ako.

"Excited ka ah don't worry dadaan din tayo d‘yan" bulong ko sa kanya, kita ko ang kanyang ngiti.

"Gusto kona mag plano ng future natin kaso hindi pa tayo e’" saad niya.

"Mag isip kana ng mga future natin and sabay natin itong aabutin" sabay ngiti ko sa kanya.

"Marami na nga e’"

"Maiba tayo Rhed, seryoso kaba sa nararamdaman mo sa akin? Baka kasi pag nalaman mo ang history ng buhay ko bigla kang ma turn off d‘yan" saad ko, bumuntong siya ng hininga.

"Kahit aswang ka pa mamahalin pa rin kita"

PURPLEMOON 💜

NOTE:Carmencita del Ocampo St. Collage, IS NOT EXIST  This is just my imagination and there is no such school existing.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon