CHAPTER 18
~CLARA POV~
KAHIT NA sunod sunod yung nangyari hindi parin namin hinayaan na hindi matuloy ang pag-punta sa ilog, ngayon palang ako makakapunta roon and also Clarissa, hindi kasi kami lumalabas ng kwarto."Ok naba si Clarisse?" Tanong ko kay Clarissa, medyo nagiging ok naman na kami ni Clarissa, kahit papaano dahil nadin siguro sa mga nangyayari..
"Kanina pa siya tulala" sagot naman nito pinagmasdan ko si Clarisse. Tulala nga siya at halata wala sa mood.
"Clarisse.. Aalis na tayo!" Pasigaw na saad ko.
"Aalis na?!" Gulat na saad niya.
"Oo saka ikaw mag tuturo ng daan no'h!" Sigaw ko. Saglit siyang napatango at nag bitbit ng mga iilang gamit.
Inumpisahan na namin maglakad halos hindi ko masikmura yung nga nadadaanan namin. Ang daming damo yuck! Ayokong madikit sa mga ito saka ang kakati kaya ng mga damo.
"Clara, ano ba ‘yan para kang nandidiri d‘yan!" Sigaw sa akin ni Clarissa.
"Ang kati kasi nang mga damo e'" pag iinarte ko.
Napa tsk nalang siya at inumpisahan na namin ang pag-lakad, hanggang sa makarating na kami sa gitna ng farm. Grabe ang ganda pala yung sinag ng araw yung fresh air and yung mga view nakaka relaxing nakakawala ng stress.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa ilog, well maganda rin naman kaso ang daming lumot nandidiri akong hawakan tapos doon pa inilapag ni Clarisse, yung mga gamit namin.
"Clarisse, sa may lumot talaga?" Galit na saad ko.
"Ano naman hindi naman nakakadiri ‘yan e’" magaan na saad nito, kumusta na kaya siya?, after kasing magpakita sa kanya si ate Mitch naging ganyan na siya tulala at tila wala sa sarili.
"Hay‘nako bahala ka!" Inirapan ko siya at lumayo ako ng kaunti.
"Ganyan kana maliligo Clarisse, naka short at t-shirt lang?" Tanong ni Clarissa kay Clarisse, napatango nalang si Clarisse.weirdo...
"Ano tara na maligo na tayo total tapos na man nang i-ayos ni Clarisse, yung mga gamit natin" saad ko.
Una ng lumusong si Clarissa, at halata sa mukha nito na enjoy na enjoy siya, sunod naman si Clarisse, ngumiti itong lumapit kay Clarissa, and lastly ako. Ang lamig ng tubig kaya nag madali akong lumapit kila Clarissa at Clarisse.
"Sabi sa'inyo maganda rito" nakangiting saad ni Clarisse.
"Oo nga nakaka tanggal ng stress sana palagi nalang tayong nandito" saad ni Clarissa.
"Araw araw?" Tanong ko.
"Oo para naman mawala yung stress natin sa bahay" napakamot nalang ako ng ulo.
"Sabagay..."
"Oh diba nag enjoy rin kayo" singit naman ni Clarisse, inferness hindi na siya tulala and ngumingiti na rin siya.
"Oo kasi ang gaganda ng nakikita ko" nakangiting namang saad ni Clarissa.
Ang gaganda naman talaga ng tanawin dito parang ayoko na rin umalis kaso medyo nandidiri ako sa mga lumot saka yung iba malalagkit na na nakadikit sa mga bato.
"Doon muna ako d'yan lang kayo" lumangoy si Clarisse, papalayo sa amin. Hindi nalang namin siya pinansin ni Clarissa, at nag basa basa kami.
Hinampas ko siya ng tubig at ganon din ang ginawa niya sa akin, wan to sawa kami sa hampasan ng tubig. Ang kulit niya.
"Ano ba ate naman!" Sigaw ko dahil nalulunod na ako.
Malinaw ang tubig at malinis, saka kitang kita ko yung ilalim ng tubig, ang ganda rin.
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomansaSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...