CHAPTER 42

118 20 1
                                    

CHAPTER 42

~CLARISSA POV~
NANDITO NA kami ngayon sa budega, at syempre kasama ko si Clara at Xymone, sa labas palang dinig na dinig na namin ang sigaw ni Zianna, kanina palang rinding rindi na kami kaya naman napasigaw ako nung naka pasok na kami sa loob.

"Ang ingay ah!" Nag echo ang boses ko. Bigla siyang na tahimik.

Lumpit kami sa kanya at hinawakan ko ang kanyang dalawang pisngi. Nagtitigan kami ng masama. Matapang itong babaeng to'. Agad ko'ng tinanggal ang nakatakip sa kanya.

"Pakawalan mona ako dito!" Sigaw niya. Sinampal ko siya ng malakas.

"Manahimik ka!" Diin ko'ng sigaw.

"Ano ba nahihirapan na ako dito! Maawa naman kayo" Sigaw niya.

"Bakit nung nahihirapan ba yung kapatid ko naawa kayo?! Diba hindi! Tapos nagawa niyo pa siyang patayin at pagtaksilan! Mga hayop kayo!" Sigaw ko at muli ko siyang sinampal.

"Demonyo kayo!" Sigaw niya sa akin.

Pinisil ko ang kanyang pisngi.

"Mas Demonyo kayo!" Galit na giit ko.

Sa sobrang galit ko ay walang sawa ko siya pinag sasabunutan at pinag sasampal, actually kulang pa nga ito hindi pa kami tapos sa pag hihiganti namin, lalo ngayong alam namin na buntis siya, dalawang buhay ang kinuha nila sa amin pwes dalawang buhay rin ang kukuhanin namin sa kanila.

"Ano ba hayaan niyo nalang kaming maging masaya! Saka yung pamilya niyo ang may kasalanan sa amin!" Galit na sigaw niya.

"Anong sabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Nang dahil sa pamilya niyo kaya nag hirap kami! Inagaw niyo sa amin ang lahat! Pinapatay niyo ang tatay ko!" Umiiyak niyang saad.

"Kung ano man ang kasalanan nang tatay naming magaling! labas na kami doon!" Singit ni Clara, bakit ba sa amin isinisisi ang kasalanan na hindi naman namin ginawa? Labas na kami sa kasalanan ng magulang namin at sana wag nang ibato pa sa amin.

Sakit lang talaga sa part na kasalanan ng magulang tapos mga anak ang mag durusa, sa amin ibubuhos ang ganti samantalang wala nama kaming kaalam alam sa kasalanan na ginawa nila.

"Bakit nung pinatay ng tatay niyo ang tatay ko sino ang nag dusa? Kami! Kaming mga anak kami ang nahirapang makaraos dumating sa puntong na depressed ang nanay ko at nadala siya sa mental hospital! Ako ang panganay kaya ako ang sumalo ng responsibilidad nang mga magulang ko at dahil 'yon sa inyo! Kaya sabi ko sa sarili ko... Maghihiganti ako sa mga Estrada, hindi ko papalampasin ang ginawa niyo sa amin!" Umiiyak niyang saad.

"Kahit na! Hindi sapat 'yon para patayin niyo si Clarisse!, kahit kami biktima rin nang pang-aabuso ng sarili naming ama!" Sigaw ko pabalik.

"Mang-aagaw si Clarisse, kaya tama lang yung nangyari sa kanya!" Sigaw niya. Sa sobrang galit ko ay sinampal ko ulit siya, puno nang pasa ang buong katawan niya. Sinaktan nila si Clarisse, na walang kalaban laban kaya kahit buntis o baldado pa siya wala akong pake! Mahalaga sa akin ang Pag-hihiganti.

"Tama! Buntis ako! Siguro alam niyo naman 'yon!" Sigaw niya, muli ko siyang sinampal at dinuro.

"Buntis din si Clarisse, nung pinatay niyo siya!" Dinuro ko siya at gamit ang aking daliri tinusok ko ito sa kanyang noo.

"Hindi ko alam na buntis si Clarisse!, at hindi rin alam 'yon ng asawa niya!"sigaw niya.

"Pwes ngayon alam mona!" Sigaw ni Clara.

"Diba gusto mona makatakas" singit ko.

"Ate! Pakakawalan mo siya?!" Sigaw na tanong sa akin ni Clara.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon