CHAPTER 5
~CLARISSE POV~
HAPON na nang muling naka uwi ng bahay si Ate Jorie, kasama nito ang asawa nagkatinginan kami ng asawa niya at nakangiting tumingin sa akin.
"Ms.Clarisse Anne Estrada, ano po ginagawa niyo rito?" Tanong ng lalaki.
Siya yung lalaking nanghingi ng tulong sa amin nung nakaraang buwan kaso pinag tabuyan lang siya ni Daddy, Mommy at Clara, pero kaming dalawa ni Ate lang ang nag bigay sakanya.
"Mahal siya yung nakita namin sa ilog na walang malay... Hindi ko naman alam na kilala mo siya" singit ni ate Jorie, parehas kaming napatingin ng lalaki kay ate Jorie.
"Siya at yung Ate niya ang tumulong sa akin para makalabas ng ospital si Steffano," nakangiting saad ng Lalaki, agad na lumapit sa akin si ate Jorie,hinawakan niya ang aking kamay at lumuhod sa harap ko.
"Maraming salamat sa inyo ng Ate mo" saad nito, inalalayan ko siyang tumayo dahil hindi talaga ako sanay na may lumuluhod sa akin.
"Naku wala po i'yon masaya po kami ni Ate na nakakatulong kami" saad ko.
Napatingin ako kay Steffano, nakangiti ito sa akin at dahan dahan na lumalapit.
"Thank you Iris, kung hindi dahil sayo sigurado nasa ospital padin ako hanggang ngayon" hinawakan niya ang aking palad. Nanlaki ang mga mata ko mas lalo namang hindi ako sanay na may humahawak sa palad ko.
"Welcome and kung hindi rin dahil sainyo baka tinuluyan na ako" mahina akong napatawa. Lumapit sila sa akin at yumakap.
Niyakap ko din sila ng pabalik. Feeling ko complete family ako ang saya pala ng ganito.
"Ms.Clarisse, pinapahanap kana ng iyong ama" saad ng lalaki.
"Talaga po'ba?" Nakangiti kong saad.
"Wag po kayong mag alala bukas na bukas kami po ang mag dadala sainyo sa mansyon" nakatayong saad nung lalaki.
"Bago po ako umalis bukas pwede ko'pong malaman pangalan ninyo?" Tanong ko.
"Steve Inggrid, ang pangalan ko" saad niya. Napatango tango sabay ngiti.
"Nice to meet you po Mr. Steve Inggrid" nakangiti kong saad.
"Kumain naba kayo?.. Tara na matulog na tayo" aya ni ate Jorie."Steffano, ikaw na ang bahala kay Clarisse, papasok na kami sa loob ng tatay mo" saad ni ate Jorie, umalis na sila at kami nalang ni Steffano, ang naiwan sa kusina.
"Inaantok kana ba?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa" sagot ko.
"Labas muna tayo" aya niya.
Tumango ako at sabay kaming lumabas ng bahay pumunta kami sa likod bahay at umupo sa isang malaking bato. Pareho kaming nagkatinginan ngumiti siya sa akin at binigyan ko rin siya ng isang matamis na ngiti.
"Alam mo buti kapa ang swerte mo" pasimula ko.
"Sa pagmamahal oo swerte ako" saad niya. "Magaling din ako mag mahal" dagdag niya.
Napakunot ako ng noo at sabay tawa ng mahina. Ang sweet niya kanina niya pa ako napapangiti sa loob ng isang araw ko rito hindi ako nakaranas ng lungkot palagi nalang ako nakangiti.
"Loko!"
"That's true Iris, tinuruan ako ni papa kung paano mag mahal ng tunay at mag mahal ng isa" nagkatinginan kaming dalawa.
Gusto kong kiligin kaso wala naman akong karapatan saka hindi ko naman sure kung para sa akin ba 'yun. Bakit ganon siya apaka green flag niya.
"Ilan taon kana ba?" Tanong ko.
"15 yrs old mag 16 na ako this upcoming June 15" mas matanda siya ng isang taon sa akin.
"Malapit na Birthday mo"
"Malapit na nga"
"Ano gusto mo sa birthday mo?" Muli kaming nagkatinginan.
"Muli tayong mag kita" sagot niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Well gusto ko rin naman mag kita kami muli kaso paano? Miyembro ako ng isang mayamang pamilya paano ako gagawa ng paraan para muli kaming mag kita.
"Steffano..."
"Ikaw ilan taon kana?" Tanong niya, bakit binago niya yung topic?.
"14 mag 15 na ako sa September 16" sagot ko. Tumango tango siya.
Nanatili kaming kalmado tanging ingay lang ng agos nang ilog at ingay ng mga insekto lang ang naririnig namin. Napatingin nalang ako sa kalangitan ganito pala kaganda rito parang gusto ko nalang manirahan dito.
Parang dito lang ako nakaranas ng peace of mind, no stress, no pain at higit sa lahat hindi ako umiiyak tuwing gabi at wala kong iniisip na problema. Nahihirapan din ako. Matutulog tuwing gabi kaya ang tangi ko nalang ginagawa ay lumabas ng aking kwarto at pumunta sa Terrace.
Titingin lang ako sa kalangitan at doon ko ilalabas ang lahat ng iyak ko at hinanakit sa buhay sa pamamagitan nun gumagaan ang loob ko at dinadalaw na ako ng antok.
Inaantok na ako ngayon ayoko naman sabihin kay Steffano, dahil nahihiya ako pilit ko nalang pinipigilan yung antok ko pero hindi ko talaga kaya. Gusto kona matulog kaya dahan dahan na bumagsak ang ulo ko balikat niya.
~~~
KINABUKASAN nabalikwas ako sa higaan teka paano ako napunta rito? Nabuhat niya ako ng siya lang mag isa? Paano niya nagawa 'yun?.
"Mukhang masarap tulog mo ah" bungad sa akin ni Steffano.
"Oo naman" nakangiti kong saad.
Tumayo na ako sa higaan at lumapit sakanya.
"Nasaan sila Ate Jorie at Kuya Steven?" Tanong ko.
"Pumunta kila Tito nanghihiram ng trycicle para mahatid ka sa bahay ninyo" sagot nito, ginawa talaga nila 'yun. Isang malaking utang na loob naman kung ganon.
Napangiti ako. "Salamat dahil tinulugan niyo ako."
"Tinulugan mo rin kami"
"Pero sobra sobra yung natulong niyo sa akin" nagka sulubong ang aking mga kilay.
"Wala 'yun Iris, tara na kain na tayo para makapag ayos kana bago ka namin ihatid sa mga magulang mo" tumango nalang ako at sabay kaming pumunta sa kusina ganon padin yung ginawa niya kahapon siya yung nag asikaso sa akin.
I wish all men were like that.
"Steffano, gising naba si Clarisse?!" Pasigaw n tanong ni ate Jorie.
"Ma nandito po kami sa kusina" tawag ni Steffano.
Agad na pumunta sila ate Jorie, sa kusina kasama nito si Kuya Steve.
"Nakahanda na yung sasakyan Clarisse, bilisan mo nalang kumain dyan para maka alis tayo agad"
"Sige po"
Umalis na sila pareho.
Nakita ko ang pag-simangot ng mukha ni Steffano, hindi ko na lamang i'yon pinansin at minabuti na hindi ko na lamang siya tignan. Kahit na saglit lang kami magkasama ni Steffano, alam kong ma miss niya ang isang tulad ko.
Saka ang sabi niya kagabi ang gusto niya lamang ay mag kita kami sa mismong birthday niya. Gagawin ko 'yun at kung hindi man gumawa ang tadhana para mag kita muli kami mas mainam ng ako nalang ang gumawa nang paraan para muli kaming magkita.
Ayokong maging malungkot ang birthday niya kaya sana makatakas ako para muli kaming mag kita sa mismong araw ng birthday niya.
"Aalis kana" malungkot na saad ni Steffano.
"Will we still see each other?"
"I hope we see each other again" muli na siyang ngumiti.
PURPLEMOON 💜
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...
