CHAPTER 26

75 23 2
                                        

CHAPTER 26

~CLARISSE POV~
I WAS SHOCKED WHEN RHED CONFESS me, he like me? And nakakapag taka dahil kahapon lang kami nagkakilala tapos may gusto na agad siya sa akin.

Gabi na at kami nalang ni Lauren, ang nasa boarding house namin siya nasa taas ng double deck and ako naman ang nasa baba. Hindi ako makatulog kakaisip kay Rhed, nung confession hindi manlang siya na hiya or kahit umiwas hindi niya nagawa.

Ganon kasi ako and yung iba pag nag coconfess mahihiya sila sa taong gusto nila tapos hindi sila makatingin ng diretsyo sa mga taong gusto nila. Hindi pa kasi ako handa magkagusto ulit e’ pero putek ang lakas ng appeal sa akin ni Rhed.

Tapos kanina ang gentleman niya pa sa akin palagi niya akong tinutulungan sa mga gawaing bahay dahil si Lauren, busy sa mga papeles niya para sa pag eenroll namin bukas.

Dahil sa sobrang boring ko ay nag open muna ako ng facebook ko habang nag scroll ako biglang nag bump ang isang chat agad ko itong tinignan.

Unknown Account (10:20 pm): Hello Clarisse.*Smile eroticon*

Me:Hello sino ho sila?.

Unknown Account (10:20 pm):It's me Rhed.

Me:ay Rhed hello.

Unknown account (10:21 pm):bakit hindi kapa natutulog?.

Me:kasi hindi ako makatulog.

Unknown account (10:21 pm):Mag eenroll kayo bukas? Sama niyo na ako sa inyo or daanan ko nalang kayo sa boarding house ninyo.

Me:Sige sasabihin ko kay Lauren bukas.

Unknown account:No need na for sure naman akong ok lang ‘yan kay Lauren, sabay kona rin sila Zianna at Alexander.

Me:Sige *Smile eroticon*

Inaccept kona ang friend request ni Rhed Cedric Torres, inistalk ko yung account niya, puro basketbol yung mga post niya meron naman kasama niya yung mga ka-teamates niya at meron naman mga tagged post.

Kaso ang nakakapag taka yung isang tagged post, Danica Asuncion, nakalagay sa caption ang ‘Happy birthday Rhed, keep safe sa Manila pinsan’ that girl is so familiar i don't know if they have interaction before but she's so really familiar.

Inistalk ko rin ang babae, sabi na parang nagkita na kami siya yung girl na kumakanta sa birthday party ng pamangkin ni Ninang Delia, i don't know if kamag-anak nung girl si Ninang Delia, dahil sa pagkakaalam ko wala na siyang gaanong kasama sa buhay tanging asawa niya lang then yung anak nila hindi pa namin nakikita ang sabi ni Ninang sa amin sa Manila raw tumira ang anak nila.

At ang alam ko babae ang anak niya kaya imposibleng may koneksyon yung Danica kay Ninang Delia, besides marami rin silang kaapelyido baka nagkataon lang. Hays wag kona nga'ng isipin ‘yun baka mabaliw pa ako.

Muli akong bumalik sa profile ni Rhed Cedric Torres, February 17 pala ang birthday niya and 17 yrs old na siya isang taon ang gap namin which is pwede na same age lang sila ni Steffano.

Oh ngayon si Steffano, na sino naman sa dalawang ito ang pipiliin ko? Pero sa tingin ko si Rhed, dahil unti unti ng gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya, si Steffano, magaan naman yung pakiramdam ko sa kanya kaso wala na akong feelings sa kanya at isa pa kaibigan nalang din ang turing ko since ganon din yung turing niya sa akin.

Kakaisip ko bigla na naman tumunog ang cellphone ko.

Steffano Inggrid (10:28 pm): Bakit gising kapa?

Me:Hirap akong makatulog *Sad eroticon*

Steffano Inggrid:Kumusta ka naman d‘yan sa Manila? Maayos ba yung tulog mo d‘yan? Mababait ba yung mga tao d‘yan sa Manila?.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon