CHAPTER 31

38 20 0
                                    

CHAPTER 31

~LAUREN POV~
NAGLULUTO AKO NGAYON NG BREAKFAST, Hindi ako masyadong ok ngayon dahil ang dami ko'ng kailangan gawin gagawa pa ako ng mga materials para sa pagtuturo ko mamaya. Marami naman na akong nagawa ngayong pero marami pa rin ako gagawin ngayon.

At ang nakaka badtrip pa nanaginip ako ng ahas, tapos ang meaning daw nu’n may ahas daw na nakapaligid sa amin ang ibigsabihin ay meron nagtataksil sa amin.

Oww I forget to mention malapit na ang graduation namin I'm so excited na dahil konti nalang magiging teacher na ako.

Ilang araw palang mag jowa sila Clarisse at Rhed, pero hanggang ngayon wala pa rin akong tiwala kay Rhed, feeling ko ayaw ko sa kanya para kay Clarisse, ako naman itong todo bigay ng advice kay Clarisse, na wag na wag basta ibigay ang buong tiwala kay Rhed, dahil hindi pa naman sila gaanong kilala ang isa't isa.

Hindi masyadong maganda ang feeling ko kay Rhed, ewan ko ba nawalan na kasi ako ng tiwala sa kanya nung nag hiwalay sila ni Ariel, kaibigan ko dati na namatay i mean nagpakamatay.

Habang inaayos ko yung mga plato ay biglang nag chat sa akin si Alexander, palihim ako nitong nililigawan e’

Alexander Grey Santiago(6:32 am): Hey crushiecakes ko kumusta by the way good morning sana maganda ang gising mo at sana kasing ganda mo yung umaga mo.

Napangiti ako, kung nandito lang siya edi kinurot kona siya sa tagiliran masyado na niya kasi akong pinapakilig hayts naman.

Me: Good morning by the way ok naman yung gising ko.

Alexander Grey Santiago(6:34 am): sabay sana tayo kaso nag chat sa akin si Rhed, sa kanya na raw tayo sasabay.

Alexander Grey Santiago: Hindi naman ako makatanggi saka para rin tibid diba?.

Me:sabagay and gusto ko rin kasing laging kasabay kayong tatlo.

Kaso pati kay Zianna, nawawalan na rin kasi ako ng gana makipag intereact sa kanya, napaka supportive niya kasi kay Rhed at Clarisse, hindi manlang niya kayang payuhan si Clarisse, kung anong dapat gawin e’ siya itong nakakakilala kay Rhed, imposibleng walang bad sides ‘yun.

Alexander grey Santiago:Pero hindi gaanong pinapansin si Zianna, by the way ano bang problema sa kanya saka bakit wala ka rin tiwala kay Rhed? Curious na kasi ako sa sinabi mo nung nakaraan.

Me:Kay Zianna, masyado siyang over supportive kay Clarisse at Rhed, hindi manlang niya sabihin kay Clarisse, kung ano yung bad sides niya diba siya lang yung nakakakilala kay Rhed, siya yung unang kaibigan e’.

"Good morning bebs" bati sa akin ni Clarisse, agad ko'ng binaba ang cellphone ko.

"Good morning bebs tara na kain na tayo" aya ko sa kanya.

Umupo na siya sa hapag. Habang kumakain kami ay panay ako tingin ng messenger ko baka kasi mag chat sa akin si Alexander, saka marami na rin kaming na pag uusapan kaya hindi pwedeng may makabasa ng message namin sa isa't-isa.

"Masama kaya yung kain ng kain tapos nag cecellphone" pigil niya sa akin.

"Sorry may kausap lang kasi akong importante" saad ko. Kaya binaba ko na agad yung cellphone ko.

Sa panliligaw sa akin ni Alexander, wala pa talagang nakakahalata kahit mas nauna pa akong ligawan ni Alexander, kesa sa panliligaw ni Rhed kay Clarisse, sadyang na una lang sagutin si Rhed.

"Mamaya na ‘yan pag tapos na tayo kumain" pigil niya sa akin, agad naman akong napatango.

She's act like ate material kahit kay Alexander at Zianna, ganon din siya and mas lalo naman sa akin dahil ako yung lagi niyang kasama.

"Sobrang importante lang kasi" pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi gaanong importante si Alexander, tadyakan ko pa ‘yan e’.

"Pwede naman mamaya ‘yan sige na kumain ka muna" saad niya. I told you ganyan talaga siya.

Sa bagay na kwento naman niya sa akin na naging ganto siya sa mga kapatid niya kahit middle child lang siya nagagawa niyang pagsabihan yung mga kapatid niya na palaging nag aaway.

Actually yung isa sa mga kapatid niya na meet kona. Nanood kasi kami ng concert ni Alexander, gusto ko sanang ayain si Clarisse, kaso hindi siya nakasama e’ as usual inaya siya sa date ni Rhed.

Maya maya lang ay natapos na kaming kumain, siya na nag abalang mag urong samantalang ako naman ay naliligo, daily routine na namin ito ako yung unang maliligo and siya yung mag aasikaso sa boarding house namin.

Natapos na akong maligo, kaya agad na akong nagbihis, sa amin talagang magkakaibigan ako yung pinaka maraming dalang gamit. Saka ako lang yung palaging puyat kaya minsan naiiwan si Alexander, dito sa boarding house namin dahil tinutulungan pa nila ako siyempre dahil mahal na mahal ako ni Clarisse, tumutulong na rin siya.

Sakto namang pag bihis ko ay saktong pag dating nila Rhed, Zianna at Syempre si Alexander, nakangiti lang ito sa akin hindi kami masyadong babatian baka kasi mahalata kami.

"Nasaan na si Clarisse?" Tanong sa akin ni Rhed.

"Naliligo pa saka doon naman sa loob mag bibihis ‘yun" saad ko. Napatango na lang siya alam naman niya na ganon palagi ang ginagawa ni Clarisse, hindi pa siya nasanay. "By the way Alexander, yung mga gamit ko palagay na sa kotse" utos ko kitang napakamot siya sa kanyang batok kaya kinurot ko ito.

"Arayy ko ikaw na nga itong tutulungan ko e’" saad niya.

"Nagrereklamo ka pa!" Sigaw ko sa kanya. Kinuha niya na yung mga iilang gamit ko. Ang dami niyang bitbit gusto ko sanang tulungan kaso baka naman kiligin siya lalo edi hindi niya mapigilan.

Habang nag susuklay ako. Bigla namang lumabas si Clarisse, nakabihis na ito ng uniform niya habang naka lagay sa kanyang ulo ang isang twalya. Lumapit siya kay Rhed, at humalik.

"Kanina ka pa nag hihintay?" Tanong ng Babae.

"Hindi naman" tipid na saad ni Rhed.

Agad niyang kinuha yung nga iilang gamit niya pinahiram ko na rin sa kanya yung suklay ko dahil yung suklay niya kung saan saan niya nilalapag.

Bumaba na kaming lahat at sumakay na sa sasakyan ni Rhed, as usual katabi ko na naman si Alexander, kaya nag ML na naman kami araw araw na namin itong ginagawa ito na rin ang nag sisilbing date namin. Pag may papatay sa akin siya naman itong papatay.

"Guys baka hindi na ako makasabay sa‘inyo mamaya may pupuntahan pa kasi ako e’" pagbasag ni Zianna, ng katahimikan.

"Paano ‘yan saan ka sasabay?" Tanong sa kanya ni Rhed.

"Mag taxi nalang ako kaya ko naman e’" pataray na saad ni Zianna, napatingin kaming tatlo nila Clarisse at Alexander, sa kanya naka crossed arm ito at nakatingin sa bintana.

Napapansin ko nung mga nakaraang araw. Parang laging mataray itong si Zianna, siguro may mga ka-talking stage na naman ito na gino-ghost siya.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa Carmencita del Ocampo St. Collage, ipinarada na ni Rhed, yung sasakyan niya kaya agad na kaming bumaba, nag paalam na sa amin si Alexander, na mauuna na dahil kailangan na niyang makapasok sa first subject niya.

"Ikaw Rhed, hindi ka pa papasok?" Saad ni Zianna.

"Papasok na ako bye Mahal" pagpapaalam niya kay Clarisse, mahal amputek siguro si Rhed, nagbigay ng call sign niya ambantot kasi.

"Bye Mahal study well!" Sigaw ni Clarisse.

"Ako rin kailangan ko na pumasok bye Clarisse at Zianna" nakangiti ko'ng saad, kumaway nalang sila sa akin.

Sabay na silang papasok sa mga subject nila tutal mag kaklase naman sila ngayon e’.

PURPLEMOON 💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon