CHAPTER 14
~CLARISSE POV~
TINIGNAN ko muna yung messenger ko kung may chat ba si Steffano, ngunit wala parin itong paramdam at hindi pa rin siya nag o-online. Hindi ako sanay mas nasanay kasi akong siya yung nag fifirst move sa akin.Nag aayos ako ng mga gamit habang inaayos yung mga dadalhin ko sa outing. Enjoy ko muna yung sarili ko dahil sobra talaga akong nasaktan sa nangyari kanina.
6:30 na nung bumaba ako naabutan ko sa sala si Clarissa, nakikipag usap ito kay mommy. Hindi ko sure siguro nag papaalam si Clarissa,baka kasi hindi nasabi ni Daddy yung about sa outing namin.
"Clarisse, nasaan na si Clara?" Tanong ni Clarissa.
"Nasa taas pa ata gusto mobang puntahan kona?" Saad ko.
"Sige sabihin mo aalis na tayo naka ready na yung sasakyan natin" simplikado lang ang ngiti ni ate, umakyat ako sa taas at agad na pinuntahan ang kwarto ni Clara, kumatok ako.
"Teka lang palabas na ako!" Sigaw niya mula sa loob.
"Paalis na raw tayo!" Sigaw ko mula sa labas.
Maya maya lang ay nagbukas na ang pinto at tumambad sa akin ang napakaraming gamit na dala ni Clara, hindi naman kami isang linggo doon bakit ang dami niyang dalang gamit.
"Ang dami namang gamit na dala mo" saad ko sakanya napakamot nalang siya ng anet.
"Gagi konti lang 'yan dala ko yung gitara ko para kumanta nalang tayo sa resort" saad niya, kakanta na naman mamaya mapaos na ako n'yan.
"Ayoko na kumanta" reklamo ko.
"Baliw hindi tayo kakanta mag gigitara lang akon!" Hinampas niya ako sa braso.
Tinulugan kona siya sa pagbaba ng mga gamit namin. Pagbaba namin ay tinulugan kami ng mga kasambahay namin na ilagay sa sasakyan yung mga gamit na dala namin, nandito nanga kami sa loob ng sasakyan inaantay namin si ate Clarissa.
"Matagal paba si Clarissa?" Reklamo ni Clara.
"Wala pa nga e'" saad ko naman.
"Ano ba 'yan pa special naman siya" saad nito.
"Huy baka may binibilin pa si mommy" saad ko.
"Ang tagal niya excited na akong maligo" nabuburyong na saad ni Clara.
Maya maya rin ay dumating na si Clarissa, sa passenger seat siya sumakay dahil siya nga ang unang isinilang siya muna sa passenger seat.
"Bakit naman ang tagal mo?" Tanong ko dito.
"Marami pang sinabi si Mommy at Daddy" saad naman nito.
"Anong sabi nila Mom and Dad?" Tanong ni Clara.
"Naka usap daw nila yung may ari ng resort, sinabi nilang isarado ang buong resort hanggat hindi pa tapos yung limit time natin" saad nito.
"So tayo lang doon?" Tanong ko at napatango nalang si Clarissa, kasama namin yung driver namin na si Mang Regor.
"Private na private talaga" bulong ni Clara.
"Kaya nga e' para hindi na tayo nagiging malaya tuwing papasok tayo dapat may bantay tapos tuwing uuwi naman tayo hindi manlang makalabas nang mansyon" bulong ko rin.
"Hindi tuloy ako makahanap ng kaibigan gusto ko magkaroon ng kaibigan" malungkot na bulong nito.
"Ako rin"
"Anong ako rin anong tawag mo kay Steffano?" Bulong niya sa akin..
"'Yun nga kaso nawala pa" buntong hiningang bulong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/355177184-288-k5545.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...