CHAPTER 34

73 22 0
                                        

CHAPTER 34

~CLARISSE POV~
5 MONTH'S AFTER WEDDING, samutsaring balita ang natatanggap ko mula sa mga kaibigan at kakilala ko. Nakita kasi nila na may ibang babae raw si Rhed, pati si Lauren at Alexander, 'yun din ang sinasabi pero si Zianna, lagi naman niyang sinasabi na wag daw akong maniwala lalo't wala pa'ng ebidensya.

Nandito ako ngayon sa loob ng aming bahay naglilinis ako pero yung utak ko gulong gulo and I'm now 1 months pregnant at hindi pa alam ni Rhed, ang tungkol sa pagbubuntis ko gusto ko munang i-confirm kung totoo ang haka haka na may ibang babae talaga si Rhed.

Habang nag lilinis ako ay biglang tumawag sa akin Rhed, agad ko naman i‘yon sinagot.

"[Hello Clarisse!]" Pasigaw niya mula sa kabilang linya.

"Oh Mahal bakit ka napatawag?" Tanong ko dito.

"[Sabihin mo nga kila Lauren, na tigilan ang pag-gawa ng kwento!]" Sigaw niya inilayo ko ang cellphone sa aking tainga.

"Bakit totoo ba ‘yun?" Mahinhin ko'ng saad matagal siyang na kapag salita. "Ano sumagot ka?" Pag pupumilit ko.

"['Yan! D'yan ka magaling! Maniwala sa mga haka haka! Saka yang si Lauren, naiinis na ako d'yan! Bad influence ‘yan sayo lumayo ka nga sa kanya!]" Muling sigaw niya.

"Bakit ko naman siya lalayuan e' kaibigan ko siya saka mas nauna ko siyang nakilala sayo at kilalang kilala kona si Lauren! At alam ko'ng hindi niya kayang magsinungaling sa akin! Kaya mag sabi ka ng totoo! Totoo ba'ng may babae ka!" Sigaw ko sa kanya, hindi na siya na kapag salita at agad na pinatay ang tawag.

Bumuga ako nang malalim na pag hinga at napa upo sa sofa, unti unting bumubuhos ang aking mga luha. Alam ko'ng na guguilty siya saka si Lauren, hindi naman nag sisinungaling sa akin ‘yun. Pero matagal pa lang alam ko'ng ayaw niya kay Rhed, para sa akin.

Saka napapansin ko rin na mas preferred niya pa'ng si Steffano, ang makatuluyan ko, base kasi sa pagkaka-kwento ko sa kanya talagang napalapit na siya sa aking kaibigan, kahit hindi pa niya nakikita si Steffano.

Napasandal nalang ako sa sofa at napapikit ng may biglang kumatok agad akong napadilat at binuksan ang pinto, nakita ko si Lauren, ang sama ng timpla nang kanyang muka diretso lang siyang pumasok sa bahay.

"Bwisit ‘yang asawa mo ah!" Sigaw niya.

"Lauren, wala pa kasing ibedensya para maniwala ako pero ramdam ko naman na totoo yung mga sinasabi niyo" mahinhin ko'ng saad, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso.

"Totoo ‘yun Clarisse, saka nakita na rin namin na magkasama sila ng babae niya! Hindi ko lang na picturan dahil lowbat ako ng time na ‘yun! Pero sigurado talaga akong siya ‘yun at ang kalaguyo niya!" Sigaw niya, napayuko nalang ako at hindi na makapag salita. "Mahal kita bilang kaibigan Clarisse, ayokong nasasaktan ka kaya binabalaan na kitang mag handa ka sa mga susunod mo pa‘ng malalaman" huminahon ang kanyang boses.

Unti unting bumabagsak ang aking mga luha at yumakap ako sa kanya.

"Lauren, bakit ganito? Nagmahal lang naman ako" hagulgol ko.

"Minsan ganyan talaga Clarisse, kailangan natin tanggapin lahat ng sakit dahil sa pag-ibig hindi lang puro landi, saya,may mga pagsubok ka rin dapat na pag daanan" yumakap siya sa akin. "Kaya para sa baby mo magpapakatatag ka wag kana mag focus kay Rhed, mag mainam na mag focus ka muna sa anak mo dahil siya ang maapektuhan pag nakita niyang umiiyak yung mama niya. Kaya tahan na nandito lang ako o kami gagabayan kita tutulungan kita" saad niya, humigpit ang aking pagkayakap.

"Salamat Lauren, hindi ako nag sisi na naging kaibigan kita at kahit ilayo ka pa sa akin ni Rhed, hindi pa rin mawawala ang pag kakaibigan natin mahal na mahal kita bilang kaibigan Lauren, ikaw lang yung nag papalakas sa akin" pag iyak ko. Tinapik tapik niya ang aking likod at mahigpit din ang kanyang pagkayakap.

"Walang anuman I'm always here"

"I hope we'll still be friends until the end" Napabitiw ako nagpakayakap sa kanya.

"Until the end na ito Clarisse" hinawakan niya ang aking pisngi.

"Kahit ano pa sabihin sa akin ni Rhed, hinding hindi kita lalayuan" hinawakan ko naman ang kanyang pisngi.

Thankful ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. Ang dami konang pinag daanan sa buhay sobrang sakit at sobrang hirap lagpasan ng problema.

Sanay naman na ako pero hindi ko pa rin maiwan na humiling na sana hindi na ako palaging nasasaktan sobrang hirap marami kang kailangan isakripisyo. Pagod na akong puro pag hihirap na lang akala ko magiging masaya ako dahil ikinasal ako sa taong mahal ko pero mali. Maling mali dahil yung taong minahal ko at pinakasalan ko ay niloko ako.

Ano ba yung pagkukulang ko bilang asawa? Lahat naman ibinigay ko lahat naman ginawa ko wala akong tinira sa sarili ko ibinuhos ko ang lahat, lahat ng hiling niya ginawa ko kahit minsan lapag sa akin ginagawa ko pa rin ganon ko siya ka mahal pero kahit ano pa lang effort at pagbibigay ko ganito pa isusukli sa akin, ibinigay ko ang pagmamahal at sakit naman ang balik sa akin.

Sobrang hirap itago,sobrang hirap mag bigay nang magbigay, sobrang hirap magtiwala.

"Clarisse, aalis na ako marami pa kasi akong kailangang gawin para bukas, basta yung mga sinabi ko sayo palagi mo iyong tatandaan" pagpapa alam niya, hindi kona siya inihatid palalabas naka-upo lang ako sa sofa.

"Mag iingat ka" sambit ko at tumango nalang siya.

Nakalabas na siya ng bahay, napa sandal ulit ako sa sofa. Pa pikit na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone, isang mensahe mula sa hindi ko kilalang tao.

Unknown number:
Hello si Clarisse Anne Estrada po ba ito?.

Pagkabasa ko sa chat ng isang Estranghero.

Me: Yes po ako po ito bakit po sino po sila?.

Unknown number:Hello I'm Attorney Xymone Ash Paz, friend ko po si Attorney.Steffano Inggrid, matagal kana po niyang hinahanap kaya secretly ko po siyang tinutulungan and I'm so happy po na nahanap na po kita.

Kaibigan niya si Steffano? Biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko at napalitan ng saya. Finally makaka-usap kona rin ang lalaking kay tagal konang hindi naka-usap na miss ko siya ng sobra sobrang sobra.

Me:Seryoso? Kamusta na siya?.

Xymone Asher Pastelero:He's fine but nangungulila pa rin siya sayo he still missing you palaging ikaw ang bukang bibig niya at kapag lasing siya pangalan mo ang lagi niyang sinasambit.

Me:By the way Mr. Xymone Asher Pastelero,paano niyo po nalaman ang number ko?.

Xymone ashwr Pastelero:oww about that, meron po kasi akong nakitang phone sa isang restaurant pinakielaman ko po iyon and I found your number then I realized you so familiar so ang ginawa ko I write your number on my paper and kineep ko ito ng ilang araw and ngayon lang po akong naglakas loob na kausapin ka because I just wanna make sure that you are Clarisse Anne Estrada, ang matagal ng hinahanap ng kaibigan ko.

Ang haba ng type niya.

Xymone Asher Pastelero: And matagal rin po akong na busy sa work kaya hindi ko na po kaya medyo na tagalan hehe. *with smile erotic*

Me:That's ok Xymone, I'm very very thankful na kinausap mo ako at ikaw pa ang naging daan para muli ko'ng maka usap si Steffano, my long time bestfriend ko.

Napangiti ako, nag mix emotion ako, lungkot, saya, problema, at ligaya ang natanggap ko grabe naman yung ganto. Natagalan mag reply sa akin si Xymone, kaya saglit ko'ng binaba ang cellphone ko ngunit mga ilang sigundo lang ang nakalipas ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Xymone, tumatawag sa akin dali dali ko itong sinagot.

"Hello" mahina ko'ng saad.

"[Hello Clarisse]" napahinto ako, narinig ko na rin ang kanyang boses.

"S-Steffano?"

"Ako nga Clarisse"

PURPLEMOON💜

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon