CHAPTER 22

41 22 2
                                    

CHAPTER 22

~CLARISSE POV~
ALAS-DOSE NA at kailangan ng umalis ni Attorney Torres, sa ngayon ay kumakain lamang siya para may lakas siyang bumiyahe ang layo ba naman ng lalakbayin niya aba’y ewan ko nalang.

"Attorney Torres," tawag ko sa kanya sabay abot ng sobre na may lamang pera, ang laki kasi ng naitulong niya sa aming mga kakapatid halos siya lahat ang umasikaso sa mga papeles at pasasalamat na din namin i‘yan sa kanya.

"Good Morning Clarisse at Attorney Torres" bati sa amin ni Clara, tumingin lamang kami at ngumiti.

"Ay oo nga pala Clara, mag pic kayo ni Clarisse, sa cellphone ko para naman makita ni Talya" saad nito, nagkatinginan kami ni Clara, at napatili sa tuwa.

"Sure Attorney" tumili kami sabay kuha ng cellphone nito, masyado kaming excited dahil na din siguro idol siya ni Clara, isang sikat ba naman na singer sa buong Pilipinas ang hihingi ng picture mo sino ka para hindi matuwa.

"Kilig na kilig ah" saad ko kay Clara, na napapatalon pa sa tuwa.

"Syempre.." Tumatawa na saad niya. Nag pose na kami at naka ilang take na kami ng pic, para naman hindi magsawa si Ms.Talya, na tignan yung mga pagmumukha namin.

Nakangiting nakatingin lang sa amin si Attorney Torres, at tuwang tuwa siya habang pinag mamasdan kaming nag pipic sa cp niya, siguro kukulamin niya kami.JOKE.

"Tapos na kayo?" Tanong sa amin ni Attorney Torres.

"Opo" agad naming ibinigay yung cellphone niya, nakita pa nga namin yung picture nilang pamilya saka yung picture nilang mag trotropa, nung 10 yrs old palang kami sikat na sikat yung grupo nila dahil pinag hinalaan sila sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

Syempre alam ko i‘yon dahil yung taong nagngangalang Headmas ay isa sa mga kaaway ni Don.Estrada, sa negosyo pero hindi lang si Don.Estrada, ang kaaway nito. Maraming kaaway si Headmas kaya hindi na ako mag tataka kung bakit siya pinatay sa araw ng kasiyahan.

Alam ko rin ang nangyari kasi nandoon kami nung gabing i‘yon at kahit kaaway ni Don Estrada, si Headmas ay inimbita pa rin kami nito, ngunit isa lang pala i‘yong patibong dahil muntik na malagay sa alanganin ang buhay namin ng may biglang sumabog na bomba, hindi ko alam kung patibong lamang sa amin ‘yun o sinadya ng mga taong may galit sa kanya. Ngunit pag katapos ng gabing i‘yon ay umuwi nalang kaming walang kibo noon.

Hindi ko talaga makakalimutan yung gabi i‘yon dahil ‘yun ang unang beses na makakakita ako ng pag apoy, grabe yung truma namin noon dahil isa lamang kaming batang paslit noon.

"Thank you mga Estrada, tatanawin ko itong utang na loob hanggang sa huli triplets" ngumiti siya sa amin. "Sayang hindi pa gising si Clarissa," napatawa nalang kami.

Himala hindi nagising si Clarissa, at himala rin gising na si Clara, ng ganitong oras? E' palagi nga ‘yan late gumising.

"Sayang hindi po kayo maabutan ni Clarissa," saad ko.

"Sige na aalis na ako maraming salamat sa inyo and goodluck sa magiging next journey ninyo" ngumiti ito at kumaway na siya sa amin.

Tuluyan na siyang umalis at rinig namin sa labas yung pag andar ng sasakyan ni Attorney, marami na siyang tinulong sa amin ang laki rin nang pasasalamat namin sa kanya sana matulungan niya pa kami.

"Hoy Clarisse, may kailangan tayong pag usapan" bulong sa akin ni Clara.

"Ano ‘yun?" Tanong ko dito.

Hinila niya ako papasok sa kanyang kwarto, hindi ko alam kung ano yung pinag sasabi niyang pag uusapan namin e' wala naman na kaming mahahalagang mapag usapan pa dahil alam kong tapos na yung problema namin.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon