CHAPTER 17

41 21 7
                                    

CHAPTER 17

~CLARISSE POV~
UMALIS ngayon sila mommy at Don.Alonzo Estrada, nandidiri akong tawagin siyang daddy, papa o kahit tatay man ayokong kilalanin bilang ama yung taong sumira ng kinabukasan namin magkakapatid.

"Clarisse, punta tayo farm mag libang libang muna tayo" saad ni Clarissa, malungkot ang expression nito, siguro dahil narin sa nangyari kagabi.

"Ok kana ngayon Clarissa?" Tanong ko sakanya, umiling ito at umiyak.

Nilapitan ko siya at niyakap rinig ko ang bawat hikbi niya. Kung kelan dalaga na kami saka pa nangyari sa amin ito. Tanginang buhay to’

"Clara, tara dito" tawag ko nakatingin lang sa amin ito habang nakasandal sa pader.

Lumapit siya at sumama sa yakap namin. Ayokong nakikita silang umiiyak, ewan hindi lang siguro ako sanay pag naman nakikita ko silang lumuluha ineexpect kong pagtatawanan ko sila, hello isang matapang at Childish, iiyak? but i was wrong... Hindi lahat ng nakikita ko sa kanila ay parating ganon, nasasaktan at umiiyak din sila.

"Isa nga tayo sa pinakamayamang pamilya pero wala naman silbe dahil puro sakit, truma at pagdurusa lang yung nararanasan natin" umiiyak na saad ni Clarissa, tinapik ko ang kanyang likod gayundin si Clara.

"Tahan na hindi natin sila bati inaway nila tayo, palagi nalang nila tayong inaaway, sinasaktan at pinapaiyak hindi natin deserve ito, soon makakalaya rin tayo sa sakit at poot na ito" pagpapatahan ko sa kanila.

Bumitaw na sila nang yakap at agad na pinunasan ang kanilang mga luha.

"Hilamos lang kami saka tayo pumunta sa farm" saad ni Clarissa.

"Ligo narin tayo sa ilog" nakangiting saad ko parehas silang napatingin sa akin at napaisip.

"Ilog?..." Nagtatakang saad ni Clara.

"Oum kaso kakaiba lang siya sa dagat at pool" saad ko napatango naman sila.

"Sige magdala kayo ng sunscreen at damit" saad ni Clarissa.

"Sunscreen? Clarissa, hindi naman tayo iitim doon unlike sa pool at dagat" napakunot noo sila.

"Ganon ba? Sige dala nalang tayo pagkain saka mga damit" saad nito.

"Alright sige na ako na mag aayos ng pagkain natin" nakangiti kong saad ko.

"Lagyan mo ng coke, hindi pwedeng mawala ‘yun" nakangiting saad ni Clarissa, finally ngumiti narin siya.

"Yes po" napatawa nalang kaming tatlo.

Pumasok na sila sa loob ng cr, ako naman ay lumabas ng kwarto para kumuha ng pagkain sa pantry room namin papasok na sana ako sa loob ng marinig ko yung tatlo naming mga kasambahay na parang pinag uusapan sila Mommy and yung best friend nito.

"Naku bakit hindi pa hiwalayan ni Donya. Madisson, si Don. Alonzo, e’ hindi ba nito alam na niloloko siya nito?" Saad nung isang kasambahay.

"Ay totoo saka itong si Delia Asuncion, may asawa na pero lumalandi parin" saad naman nung isang kasambahay, ang Delia Asuncion, na tinutukoy nila ay si Ninang Delia, ang high school and college best friend ni mommy, malapit din kami sa kanya, and may isa na siyang anak at kasal ito sa isang attorney.

"Diba kabit ‘yan ni Don.Alonzo?, balita ko yung pinagbubuntis daw ngayon ni Delia, ay anak daw ni Don.Alonzo, haynako talagang pamilyang to’" saad nung kasambahay.

Nakita ako nung isang kasambahay at lumapit ito sa akin. "Narinig mo yung mga pinag usapan nila?" Bulong na tanong sa akin, si ate Mitch pala.

"Rinig ko lahat ate Mitch" malungkot na saad ko.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon