CHAPTER 23

49 22 2
                                    

CHAPTER 23

~CLARISSE POV~
ARAW NG PAG ALIS NAMIN sa bicol and ito rin ang araw ng birthday ni Steffano, oo nga pala birthday na niya pero hindi niya ako makakasama para i-celebrate yung pinaka mahalagang araw sa buhay niya, ika-17th birthday na niya ngayon at isang taon ay legal age na siya.

Nai-ayos na namin ang mga gamit namin at ngayon ay kumakain kami sa baba, kanina kopa napapansin na ang lungkot ng mukha ni Clara, at si Clarissa, naman ay seryoso lang ang ekspresyon hindi ko nalang pinansin ito dahil alam kong nalulungkot sila dahil magkakahiwahiwalay na kami.

Sanay kaming buo at sanay kaming tinutulungan ang isat isa pero pare-pareho rin kaming nag sasawa sa mga pag-mumukha namin. Hindi ko alam kung nang-tri-trip lang sila pero sa totoo lang ang sarap nilang kutusan.

Tig isa isang sasakyan yung gagamitin namin kaso ang sabi ko mag papahatid lang ako sa airport at ipapamigay ko nalang yung sasakyan sa mga katulong namin. Wala naman magagawa sila Clarissa at Clara, dahil 'yun naman yung gusto ko at alam kong hindi nila ako kayang pigilan.

"By the way maaga yung Flight ko kaya mauuna na ako sa'inyo" saad ni Clarissa, kaya sinabihan niya sila Aling Julieta at Aling Tera, ang huli naming kasambahay na kinuha 1 yr na siyang naninilbihan dito sa bahay.

"Ang aga naman" nakasimbangot na saad ni Clara, isa pa ito mas mauuna siya sa aking aalis mamaya.

Bumuga siya ate bago mag salita. "Ganon talaga, basta mag iingat kayo sa destinasyon na pupuntahan ninyo palagi ninyong aalagaan ang sarili ninyo" paalala niya sa amin.

"Ano ba ang plano mo ate?" Tanong ko.

"Enjoyin ko yung buhay kasabay ng pag aaral ko and tutal abm naman yung strand na kinuha ko edi mag tatayo ako ng negosyo, sarili kong negosyo and yung mga katulong dito sila nalang din yung kukunin ko para kampante ako" saad ni Clarissa, nag hiyawan ang iba natin mga katulong and also iba naming mga farmers, nandito sila sa loob ng mansyon gusto raw nilang mag paalam sa amin bago umalis.

May punto naman si Clarissa, pero mukhang malayo yung pag tatayuan niya ng negosyo, pero sa tingin ko pag pumatok yung negosyo niya magpapatayo siya ng mga branch sa ibat ibang lugar at pati rin dito sa lugar namin.

"Maraming salamat po ma'am Clarissa!" Sigaw ng isang farmer, tila natuwa ito sa sinaad ng babae.

"Walang anuman po" lumingon ang babae sa farmer na sumigaw, masaya ako sa naging desisyon ni Clarissa, basta kung saan siya masaya susuportahan ko nalang.

"Ingat ka rin sa destinasyon na pupuntahan mo ma mimiss ka namin Clarissa, saka wag mo rin kakalimutan na mag text sa amin" saad ko, tumango naman si Clarissa, naibaba na nila Aling Julieta at Aling Tera, yung mga Gamit ni Clarissa, at yung mga driver naman naming mga lalaki ay pinag kukuha nila yung mga gamit ni ate at ipinasok sa sasakyan.

"Kayo rin lalo kana Clarisse, kailangan mong matuto na hindi sumasalalay sa amin at kailangan mo rin lumaban" paalala sa akin ni Ate, nakangiti akong tumango.

"Bye Clarissa, ingat ka!" Sigaw ni Clara, nasa pinto na si ang babae nang lumingon ito sa amin.

"Ikaw din Clara, ingat ka rin dahil mauuna ka kay Clarisse, umalis" huling saad niya, at lumabas na siya ng mansyon hindi na namin sinilip ang tuluyan niyang pag alis. Lumapit ako kay Clara, at niyakap ko ito.

"Susunod kana Clara," bulong ko sa kanya, humarap siya sa akin at ngumuso.

"Oo nga e' naiiyak ako feeling ko hindi pa ako ready" saad niya at muling yumakap sa akin.

"Ano ba plano mo?" Tanong ko. Bumitaw siya ng yakap sa akin..

"Simple, pagsasabayin ko yung pag aaral at pag babanda ko sasali ako sa mga entertainment company and mag audition ako bilang p-pop girl group" saad niya, mahina akong napatawa. Hindi talaga mawawala sa kanya ang ambisyon niya sa musika, mahal niya ang musika at alam kong musika lang din ang nag papasaya sa kanya.

Your Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon