CHAPTER 24
~CLARISSE POV~
ISINAKAY NA SA SASAKYAN ‘yung mga gamit ko, palingon lingon ako sa paligid nag babakasakaling makita ko si Steffano, ngunit kahit anong lingon at hanap ko sa kanya ay wala na siya.Huling lingon kona at hindi ko pa rin siya naaninag nang aking mga mata kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan agad naman i‘yon isinarado nila Manong Regor, ang aming driver na matagal nang naninilbihan sa amin.
Alas tres yung byahe ko papuntang Manila nakakuha na rin ako ng boarding house, meron daw akong isang babaeng kasama doon sa loob ng kwartong tutuluyan ko kaya pumayag na ako dahil ‘yun naman kasi yung gusto ko may kasama ako.
"Ma‘am Clarisse, mag shoshort cut po tayo ng daan para po mas mapabilis ang pagpunta natin sa Airport" saad ni Manong Regor.
"Sige po" pagsang-ayon ko, pinaandar na ako kotse. Nainip ako sa loob kaya naisipan ko munang mag scroll sa fb ko, nakita ko ang post ni Clarissa, nasa eroplano na siya ang bilis naman niya, sunod ko namang nakita ang post ni Clara, pasakay palang siya ng eroplano. Finally makakarating na sila sa pupuntahan nila.
Naboring ako kaka swipe up sa facebook, i-off kona sana yung cellphone ko ng biglang mag bump yung messenger ko agad ko naman itong binuksan, si Steffano.
Steffano Inggrid (1:20 pm): Ingat ka sana wag mong putulin yung Communication natin para naman alam kong ligtas ka.
Me: Bakit ko naman puputulin?
Steffano Inggrid (1:20 pm): Pag hindi na kita na contact hahanapin talaga kita sa Manila. *With Laughed emoticon*
Me:Mag focus ka nalang sa pag aaral dyan.
Steffano Inggrid (1:21 pm):Always naman akong naka focus sa pag aaral ko, consistent highest honor student ako and valedictorian pa ako nung elementary and Junior High School.
Me:Niyayabangan moba ako?
Steffano Inggrid (1:22):Nope sinasabi ko lang sayo hehe.
Ang kulit niya, nung recognition nung junior high school kasabayan namin silang nagsabitan ng medal with highest honor with the average of 98.4 medyo na dissapoint panga siya dahil isa nalang 99% na yung ave niya and higit sa lahat sobrang talino niya rin.
Syempre matalino rin ako ako yung valedictorian ako nung Junior high school and nung last year si Steffano yung Valedictorian naka dalawang Valedictorian na siya buti nalang hindi ko siya ka level dahil mukhang mahihirapan akong i rech ang Valedictorian.
Me: I hope na maging Valedictorian ka rin sa College.
Sigurado naman akong makakakuha siya ng parangal dahil sobrang talino naman niyang tao kulang lang sila Financially kaya medyo nahihirapan din siya pero hangga ako sa kanya dahil minsan pumapasok siyang walang baon ang ginagawa ko nalang ay ako nalang ang mag bibigay ng baon sa kanya.
We're still friends naman kaya it's ok na rin sa akin ‘yun dahil hindi nga kawalan sa akin ang pera.
AFTER 5 HOURS AY NAKARATING NA AKO SA BOARDING HOUSE and na meet kona rin yung bago kong housemate sobrang bait niya dahil tinulungan niya pa akong mag ayos ng gamit ko medyo napadami kasi yung gamit ko kaya need ko talaga ng tulong.
"Hi maraming salamat nga pala sa pagtulong" nakangiting saad ko sa kanya.
"Naku wala ‘yun saka alam mo ba sobrang excited ako nung nalaman kong magkakaroon na ako ng bagong housemate after 2 yrs na ako lang mag isa dito" saad nito, 2 yrs? Edi na boring pala siya dito.
"Ang tagal naman nu‘n"
"Sobra kaya nga tuwang tuwa ako ng may housemate na ulit ako" nakangiting saad niya.
BINABASA MO ANG
Your Unconditional love
RomanceSteffano Ingrid, isang binata na nag tratrabaho sa mansyon ng mga Estrada mabait at matalino ganyan siya inilarawan ng kanyang ina siya ay nag kagusto sa anak ng kanyang amo ang dalagang ito ay si Clarisse anne Estrada, si Clarisse, ang middle child...