CHAPTER 1

873 29 2
                                    

“So, dito na magtatapos ang lesson natin ngayon. May ibibigay akong assignment, bukas natin checheckan.”

“May ibibigay akong assignment, bukas natin checheckan..”

“ Gurl, walang bago kay Ma'am, kung makapag bigay siya ng assignment ay parang wala nang katapusan...” matamlay na usal ng kaibigan kong si Tania.

“Hay...pa'no ba 'yan, kita kits na lang ulit tayo sa Library mamaya? May dadaanan pa ako e, birthday lang naman bukas ng BOYFRIEND ko so, kailangan ko talagang mag-ayos.”

“Ang yabang mo na, Chantrea. Tandaan mo, sa un—”

“Ashushushu!”

“Kailan mo ba ipapakilala sa'min ni Dawn ang boyfriend mo na 'yan?”

Ilang buwan na rin mula no'ng maging sila ng boyfriend niya pero hindi pa rin namin alam kung sino 'yon.

“Baka mal@gl@g panga niyo kapag nalaman niyo kung sino. Palibhasa kasi single ka pa rin e.”

“Darating din ang AFAM ko! Maghintay ka lang! Hoy, gurl! Dawn! Ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan tulala ah?” natigil naman ako sa pagmumuni-muni nang bigla akong tapikin sa braso ni Tania.

“A-ayos lang...ano nga ulit pinag-uusapan niyo?"

“ Echoss ka, gurl. Sabi mo ayos ka lang pero 'di mo man lang narinig ang pinag-usapan namin ni Chantrea. Ayos ka lang ba talaga?”

“ Oo nga.”

“Hindi kasi sa'kin nagrereply si Rio.”

“ Pinag-uusapan ang tampuhan, gurl. Hindi hinahayaan lang. Ano bang nangyari?”

“ Kahapon kasi, nakita ko siyang kasa-kasama yung babaeng pinagseselosan ko.”

“Ano bang ginawa nila?” kyuryos na tanong naman ni Chantrea.

“Wala, nagkakatuwaan..he even gave his jacket to her. Mali bang mag selos?”

“ Ano ka ba, gurl! Anong mali?! May girlfriend na siya kaya dapat dinidistansya na niya ang sarili niya sa ibang babae! Sino ba 'yang babae na 'yan nang—”

“ Hello, Rio? Ahm....pwede mo ba akong samahan mamaya mag shopping? Bukas na kasi ang birthday ni Hendrix. I know naman na he invited you rin so... sabay na tayong mag shopping?” napansin niya atang nasa gilid niya lang kami kaya mas nilakasan pa nito ang volume ng kaniyang cellphone.

Pansin kong kumunot naman ang noo ni Chantrea.

“Sorry, hindi kita ngayon masasamahan. Kailangan ko pang makausap si Dawn. I need to ex—”

“ She's not here e. Sabi niya sa'kin kapag nakita raw kita, sabihin ko sa'yo na ayaw ka niyang makausap.”

“Aba't!”

“Tania...hayaan mo na..” mahinahon kong pagpigil.

“So please, tayo na lang... I mean, samahan mo na lang ako..”

“Alam mo ba kung saan siya pumunta?"

“No e...”

“O-okay...wait for me there, may aasikasuhin lang ako.”

”Thank you, ba—Rio...”

“ Oops! Nandiyan ka pala, Dawn? I'm sorry kung nagsinungaling ako, mas importante kasi 'to e. I'm right naman 'di ba? Na you don't want to talk to him? Ako na ang gumawa ng way para 'di mo na siya makita."

“ Should I thank you, Hazel?”

“Maybe? C'mon, alam mo na rin naman na ayaw na sa'yo ni Rio, just let him go!”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now