Sabi ko noon ay aalisin ko na ang nararamdaman ko para sakaniya. Pero bakit gan'to? Parang habang tumatagal ata'y mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.
Kung lahat ba ng ipinakita niya ay may kahulugan. Lalo na ang matamis niyang h@lik no'ng nakaraang araw.
At mas lalo pang nadagdagan ang pag- o-overthink ko nang bigla siyang nag text.
“Haruto sent you a message: Let's meet at the Park after ng examination niyo.”
Hayst! Ano na naman ba? Gulong- gulo na ako! Pero t'wing naaalala ko yung sinabi niya sa'kin no'ng gabing 'yon, baka ako lang din naman talaga ang nagbibigay ng kahulugan.
Nag- review na lamang ako't, nag-asikaso na pagpatak ng alas 5 ng umaga at maagang pumunta sa University nang sa gano'n ay makapag- review pa ako.
“ Good morning, Ms. Villanueva! Good luck sa exam mo.”
“ Thank you, Mr. Lopez, gano'n din sa'yo.”
“ Free ka ba mamaya after exam?”
“H-hindi e, m-may importante pa kasi akong pupuntahan.”
“ Kailan ka ba free?”
“ Hindi ko rin alam. M-mauna na ako.”
Baka kasi kapag sumama ako sakaniya nang hindi alam ni Haruto'y baka maging sanhi ulit 'yon ng away namin.
Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko namang kumakain ng chocolate at mani ang dalawa.
“ Uy, gurl! Kanina ka pa ba dumating?” tanong ni Tania.
“A-ah, hindi ngayon lang.”
“ You want some? Gan'to ang ginagawa natin noon t'wing may- exam, 'di ba?”
“ Ah, okay na ako Chantrea. Good luck sa'tin!”
“ Good luck talaga.”
Magkakalayo ang upuan namin dahil gan'to lagi ang arrangements t'wing examination.
“ Good morning, class! Ready na ba ang lahat?”
“Yes, Ma'am!”
“ Alright. But before we start, let us all stand up and bow our heads for the prayer. In the name of the father, and of the son of the holy spirit. Our Father, who art in heaven, hallowed be thy name; Thy kingdom come, thy will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses, as we forgive those who trespass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from evil. Amen.”
“ Good luck everyone! I hope you passed this exam.”
Buti na lang at kaninang umaga lang ako nag- review. Natatandaan ko pa rin ang mga nabasa ko kanina.
Hindi ko na rin magawang mag- recess pa dahil gusto ko na agad matapos 'to.
After ng first day examination ay tsaka na ako sakanila sumamang tumungo sa canteen.
“ Grabe, gurls. Feeling ko 'di ako g-graduate.”
“ Napaka OA mo, Tania gurl. Papasa ka, papasa tayo. Wala dapat maiiwan sa'ting tatlo.”
“Tama si Chantrea. Nakaabot nga tayo sa fourth year college, imposibleng hindi natin makaya ngayon.” ani ko pa.
“ Gurl, matanong nga kita. Umamin ka na ba kay Haruto?” tanong ni Chantrea.
“ Hindi pa, kasi akala ko mawawala lang pero —”
“ Pero hindi pala? Alam mo, gurl. Mas lalo kang mahuhulög kung hindi mo maririnig ang sagot niya, yung makatotohanan.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...