Pagkarating namin sa market at hindi ko naman inasahan ang biglang pagtawag ni Haruto.
" Oh? Napatawag ka?" tanong ko habang pumipili ng mga sangkap para sa mga lulutoin namin mamaya.
" Nothing, video call tayo."
" Para saan?"
" What do you mean ' para saan?' Not because may family dinner kayo ay pwede nang pagkatiwalaan ang lalaking 'yan. That's why I call you para mabantayan kita."
" Narinig ko 'yon, Takahashi."
" Binulong ko ba, Lopez?" sarkastiko nitong tanong kay Gilbert.
" Tss. Wala akong gagawing masama kay Dawn. We're childhood sweethearts, gan'to rin naman ang ginagawa namin noon. Baka nga first-"
" Swallow your stupid imagination, dude."
" Hay na'ko, h'wag na nga kayong mag-away. Para kayong mga asong nagbabangayan sa tabi ng kalsada e."
" Geez! Stop comparing me to a dog, baby. I'm your baby, remember?"
Ang corny ah. Pero huie, h'wag dito, ene be.
" Tss, ewan ko sa'yo."
" Pasintabi ka naman, dude. Hindi nagiging komportable si Hope sa mga sinasabi mo."
" Ikaw lang. Dawn and I were in a Relationship. We are used to it. Kung naiirita ka, pwede bang pumili ka na lang ng iba, h'wag yung bagay na pagmamay-ari na ng iba."
" Don't worry, dude. Hindi naman ako mang-aagaw. Hinihintay ko lang na iwan 'yon ng may-ari hanggang sa pagkakataon ko naman."
" If only I could punch you, Lopez."
" Then do it."
" Teka, teka, teka lang ah! Kanina pa kayo e. Buti pa, bukas mo na lang ako tawagan Haruto nang sa gano'n ay matapos na kami rito."
" No."
" Haruto."
" Na-uh."
" Takahashi."
" Still no."
Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa at huminga ng malalim bago magsalita.
Halata sa mukha niyang hinihintay niya lang na tawagin ko siyang...
" Baby, bukas na lang tayo mag-usap, okay? May ginagawa pa kasi ako ngayon. And I'm sure pagod ka rin. Mag-rest ka muna po. See you tomorrow. Good night!"
" That's it? Where's my kiss?" ani nito't ngumuso pa.
" Kiss na ano? Abusado ka na ah."
" C'mon, hindi ako makakatulog kapag walang gano'n."
Muli siyang ngumuso na parang batang nanghihingi ng kiss. Kaya ginawa ko na lang nang matapos na.
" Mwa! Oh ayan. Matulog ka na."
Ngumiti naman ito. " Yes, baby. Good night! Don't let any ugly mosquito bite you."
" Hay, natapos din. Halika na, tama na siguro 'tong mga napamili natin."
" Okay."
Pag-uwi naman namin sa bahay ay nakita naming nakaparada na sa tapat ng gate ang kotse ng parents ni Gilbert.
Pagkapasok naman namin ay naabutan naming nagluluto na pala sila.
" Ma, Pa, mano po."
Lumapit naman ako sa parents ni Gilbert at nakipag-beso.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...