“Bawat parte ng mukha mo'y nagsisilbing konstilasyon sa alapaap
Nagniningning at hindi tumitigil sa pagkislap.
Mukha mong kay gandang tanawin
Nawa'y maamin ko na ang natatago kong damdamin.”Mamayang hapon pa naman ang pasok ko kaya sinubukan ko munang libangin ang sarili ko.
Sinusubukan ko ulit gumawq ng tulad, tulad ng ginawa ko noon sa first crush ko. Pero natigil 'yon mula no'ng maging kami ni Rio.
“ Ano na nga bang isusunod ko? Hayst...”
Kukunin ko pa lamang ang cellphone ko nang bigla namang merong tumawag.
“ Hmm? Napatawag ka?” tanong ko kay Haruto na nasa kabilang linya.
“ Are you free this afternoon?”
“ Siguro? Depende kung may homework ako."
“ Dinner sana tayo sa labas, my treat.”
“ Huh? Para saan naman?”
“ You gave me a gift last night, pambawi ko lang. ”
“ Tss. Wala akong hinihinging kapalit.”
“ But, I want to. May ibibigay na rin ako sa'yo.”
“ Ano naman?”
“ Basta, see ya!”
“ Pero—” hindi ko na siya natanong pa kung anong oras dahil agad niyang binaba ang telepono.
Bumaba ako para kumuha ng snacks nang madatnan ko si Kuyang umiiyak.
Nakakapagtaka dahil ngayon ko na lang ulit siya nakitang umiyak. Lumapit ako't hin@plos ang kaniyang likod.
“ Kuya? May problema ba?"
Kami lang din kasi ang naiwan dito sa bahay. Kaya siguro hindi niya na maitago ang nararamdaman niyang lungkot.
“ W-wala 'to, Princess. Wala ka bang pasok ngayon? Ba't hindi ka pa nag-aasikaso?”
“ Asus, wala raw. Mamaya pa ang pasok namin. At hindi ako naniniwalang wala lang 'yan. B@liw lang ang umiiyak ng walang dahilan. Hindi mo rin pwedeng sabihing napuwing ka kasi sarado lahat ng pinto't bintana, naka-on din ang aircon. Sige na, tayo lang naman ang nandito. Sabihin mo na ang problema mo, baka sakaling makatulong ako."
Hindi pa rin siya kumikibo kaya naisipan kong mag-isip ng k@lokohan.
“ Nakabuntïs ka 'no?”
Kinaltuk@n niya naman ako sa noo dahil sa sinabi ko.
“ Aray!”
“ Sir@, wala nga akong girlfriend, tapos makakabuntïs ako?”
“H'wag ka, may mga lalaking walang girlfriend pero nakakabuntïs. So ano nga ang problema?”
“ Yung nililigawan ko...”
“ Ano?”
“ M-may anak na.”
“ Yun lang naman pala e! Susuko ka na lang ba?!”
“ Hindi, pinatigil niya na ako. K-kasal na siya, Princess.”
“ Simula't sapul pa lang ba alam mo bang kasal na siya?”
He nodded. “ Kasalanan ko.”
“ Kuya naman e, maraming babae diyan sa paligid mo, may mga model nga na gusto kang maka-date pero, pero pinili mo yung kasal na?!” napasapo na lamang ako sa aking noo dahil sa nalaman ko.
“ She's my first love, Princess. It's been 5yrs years mula no'ng mag break kami, pero, pero mahal ko pa rin siya.”
“ Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan para s@ktan ang sarili mo e.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...