Mahimbing pa ang aking pagkakatulog nang bigla ko namang marinig ang malakas na k@tok sa pinto ng aking kwarto.
“Dawnya!” pagkarinig ko pa lang sa boses ay agad na akong nairita dahil alam ko na kung sino ito.
“Opo, Donyo palabas na!”
Siya lang naman si Hadeo Lindon Sean Villanueva. Ang ampon sa pamilya. Huie, keme lang. He's my older brother, at kaibigan din siya ni Rio.
“ Mal-late na ako sa trabaho pero naglal@way ka pa rin sa unan mo!”
“Heh! Ang k@pal naman ng apôg mo 'no!”
“Oy, tama na 'yan. Ke-aga- aga’y aso’t pusa na naman kayo.” suway sa'min ni Mama.
“Mauna ka na, Kuya. Wala naman ang first sub namin ngayon at! H'wag mo na rin akong sunduin mamaya.”
“Bakit? Kasama mo na naman si Rio?”
“Ahmm.” tumango ako.
“Birthday kasi ngayon ni Hendrix, yung boyfriend ng kaibigan kong si Chantrea...at sinabi rin nila na invited si Rio kaya naisipan kong magkasama na lang kaming pumunta doon.”
“At anong oras uuwi ang prinsesa namin?” tanong ni Papa.
“Mga 12 po?hehe.”
“No.”
“Pero, Pa...”
“ Princess naman, hindi na gawain ng isang dalaga ang umuwi ng hating gabi. Napag-usapan na natin 'yan noon pa, hindi ba?”
“Si Princess ay hindi pinayagan~” mapang-asar na kanta ni Kuya.
Tinignan ko lamang ito ng m@sama. “ 10 po?”
“Oh siya, sige na. Alam ko rin namang hindi mo kami tatantanan ng Mama mo.”
”Yiee, thank you po, Papa!" ano ko't hin@likan sila ni Mama sa pisnge.
Pagkatapos kong maligo't magbihis ay napag- desisyonan kong mag shopping muna't bumili ng simpleng regalo. Nakakahiya rin naman kung pupunta ako do'n nang walang dalang regalo.
Perfume na lang siguro....tama...
“Ms...bagong dating po ba 'to?” tanong ko sa saleslady habang inaamoy ang pabangong hawak ko ngayon.
“Ah. Opo, Ma'am. Kayo nga po ang buena mano kung bibil'hin mo 'yan.”
“ Tatlo lamang ang pagpipilian ko. Ang isa'y matamis ang amoy, ang isa naman ay mat@pang at ang isa naman ay sakto lang sa pang-amoy.” ngunit biglang sumagi sa isipan ko na masyadong awkward kung ako mismo ang pipili ng perfume niya, lalo pa't hindi naman pareho ang taste namin ni Chantrea pagdating sa pabango.
"Mommy, I don't like that scent. Let's just buy another one, let's not buy perfume anymore!"
“Ichiro, this is the simplest gift I can give to your brother. You know he doesn't like accepting gifts that are too expensive... just a few more minutes, okay? Help Mommy look for it first.”
”Ahmm, kailangan niyo po ba ng tulong?” tanong ko.
“Ah, h'wag na hija. Baka ma-late ka pa sa pasok mo. I can manage.” ani niya habang nakatingin sa suot kong uniporme.
“Mamaya pa naman po ang pasok ko. Kung hahayaan niyo po akong tulongan ka, ayos lang po sa'kin.”
Tumango ito kaya naman pumwesto na ako sa tabi nila. “Kanino niyo po ba ito ibibigay?”
“Sa anak ko sana.”
“But Kuya never appreciates your effort, Mommy. So let's not waste our time.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...