Alas 4 pa lang ay gising na agad ako, kaya maaga na rin akong nag-asikaso.
Hindi ko maiwasang ngumiti pa t'wing tinitignan ko ang aking sarili sa salamin na matamis na ngiti ang nangingibabaw.
“ Good morning, Pa!”
“ Napaaga ata ang gising mo ngayon, Princess? Anong oras ba ang pasok mo?”
“Alas otso po.” naibug@ naman ni Papa ang iniinom niyang kape.
“Pa, okay ka lang po?”
“ E ba't napaaga ang gising mo? Bumalik ka muna sa pagtulog.”
“Papa naman e. Hindi na po ako bata, ipagluluto ko na lang po kayo ng agahan habang tulog pa si Mama.”
“ Ay, teka lang. Ang tamis ata ngayon ng ngiti ng Prinsesa namin. Sabihin mo nga kay Papa kung anong nangyari kagabi?”
“Pa naman! Syempre po, masama kaya gumising ng nakasimangot. Dapat laging good vibes lang.”
“ Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, Princess. Ano bang nangyari kagabi at panay ngiti ka ngayon? Abot langit 'yang ngiti mo e.”
“ Syempre po masaya ang mga pangyayari kagabi. Successful din po kasi yung concert nina Haruto.”
“ Anong oras ka ba niya hinatid dito?”
“ 9: 55 pm po. Hinanap ka pa sana niya kagabi kaso tulog na kayo rito. Hindi ko na rin po kayo ginising dahil alam kong pagod din kayo sa trabaho.”
“ Gano'n ba? Oh siya, imbitahan mo na lang siya dito mamayang gabi. Dito na kamo siya kumain ng hapunan nang ma- celebrate natin ang success ng concert nila.”
“ P-po?”
“ Supportive girlfriend ang anak namin, dapat lang na maging supportive Father-in-law din ako.”
“Pa naman, pero hindi niyo na po—”
“ Tawagan mo nga si Haruto nang makausap ko.”
“Baka natutulog pa po 'yon, Pa.”
“Hay, walang pagod pagod kapag gusto kang makausap ng future father-in-law mo. Tawagan mo na't gusto ko kamo siyang maka-usap.”
Napalunøk naman ako ng sarili kong laway. Dahil hindi ko alam kung sasagøt ba ang kup@l na 'yon sa tawag ko.
Ilang segundo muna ang hinintay namin bago niya sagutin ang tawag.
“Hmmmm?” inaantok niya pang usal.
“G-gusto ka raw makausap ni Papa.”
“Ehem! T-tito! Good morning po!”
Napangisi naman ako sa naging reaksyon niya. Kahit sa call lang ay na-iimagine ko na ang mukha niya.
“ Good morning, hijo. Congrats nga pala dahil sabi raw ni Princess ay naging successful ang concert niyo.”
“Oh, yes. Thank you po, Tito! Ba't nga po pala kayo napatawag?”
“E gusto sana kitang imbitahan maghapunan dito sa'min mamaya, total uuwi na rin mamaya si Don.”
”S-sure, Tito!”
“ Wala nang bawian 'yan ah? Dapat kapag umuwi rito si Princes ay dapat kasama ka niya.”
“No problem, Tito.”
“ Mabuti kung gano'n. Oh siya, ibibigay ko na muna kay Princess ang cellphone. Kayo na muna ang mag-usap dahil alam ko ring kahit ilang oras lang kayong hindi nagkakita't nagka-usap ay paniguradong miss na miss niyo ang isa't-isa.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...