CHAPTER 16

527 25 1
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kahapon. Para akong nasa ika siyam na langit t'wing naiisip ko 'yon.

Nawala rin agad ang lagnat ko, ano bang klase ng gamot ang nabili niya? Hay, tumigil ka na nga, Dawn! Wala yun, ano ka ba!

“ Huy, huy, huy! Anong klaseng ngiti 'yan ha?”

“ Gurl, anong klaseng gamot ba ininom mo? Ibang klase ang epekto e.”

“ Tsaka tignan mo naman ang librong mga natapos mo. Sa ilang taon nating magkakakilala, sa pagkakaalam namin ay hindi ka naman bookworm.”

Kasalukuyan kaming nasa library ngayon. Ngayon ko lang din napansin na marami na pala akong nabasang libro.

“ Aminin mo nga, ano bang nangyari kahapon?” kyuryos na tanong ni Tania.

“W-wala, ano pa bang mangyayari? May lagnat ako kahapon 'no..”

“ Asus...pero— ay teka, tumatawag si BABE..” usal ni Chantrea.

Inir@pan na lang namin siya ni Tania habang pinakikinggan ang usapan nila.

“ Now na? Okay, okay. We'll be there.”
“ I love you more.”

Tss, lalanggamin ata kami rito.

“ Ano raw sabi ng BABE mo?” diin na tanong ni Tania.

“ Pumunta raw tayo sa canteen. Nando'n daw sila, sabay sabay na raw tayong kumain ng lunch. Treat daw nila, let's go?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang ayoko na lang sumama, pa'no ko siya haharapin?

”Huy, gurl. Halika na, hinihintay na nila tayo do'n.”

“A-ah, oo...”

Nakayuko lang ako maging sa pagpasok namin sa canteen. Parang kanina lang ay kinikilig at nakangiti pa ako, pero ngayon ... Bakit gan'to?

“ Eyyy, nandito na pala sila. Sit her ladies.” maginoong usal ni Cedrick.

Tanging upuan na lamang sa tabi ni Haruto ang walang naka-upo, nakatitig na rin silang lahat sa'kin kaya tumungo na ako sa tabi niya't umupo.

“ Feeling well now?” tanong niya't muling chineck ang temperature ko gamit ang kaniyang palad.

“ Oum..salamat nga pala kahapon.”

“ Hindi na ako nakapagpaalam, kasi mahimbing pa ang pagkakatulog mo kagabi. Kay Tita na lang ako nagpaalam, sakaling hanapin mo'ko.”

“ Ah oo, nabanggit nga yun sa'kin ni Mama kaninang umaga.”

Napatingin naman kami kay Chantrea.

“ Babe, I'm not feeling well...” pabebeng usal niya kay Hendrix.

“ Oh no, what happened? Let me check...” ani naman ni Hendrix at ginaya ang ginawa kanina ni Haruto.

“ Oh no, my baby is not feeling well nga. I'll take you home and I'll take care of you.”

“ G*go, parang familiar. Gano'n na gano'n din ba ang ginawa niyo kahapon, Haruto at Dawn?”

Nagkatinginan naman kami “ Hindi 'no!” “ Yuck, no!” sabay naming usal.

“Asus, tinatanggi niyo pa.”

“ Kitang kita sa mga ngiti niyo na may kakaibang nangyari kahapon.” ani ni Paul..

“ Oo nga, alam niyo ba 'tong si Dawn. Nakailang basa ng libro kanina sa library.”

“ Hindi lang 'yan, Tania. Yung ngiti niya talaga parang may iniisip pa siya kanina habang nagbabasa.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now