“ Here's my jersey, wear that tomorrow. I wanna see you wearing that, I want to hear you scream my name.”
Naaalala ko pa rin ang sinabi niya kagabi. Kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti na lang t'wing sumasagi 'yon sa isipan ko.
Huy, Dawn! Gising! Titigil ka na 'di ba?!
“ Lagi na lang matamis ang ngiti ng Prinsesa namin ah.”
“ Siyempre may Haruto 'yan, Pa.”
“ Masaya lang Haruto agad?!” defensive kong tanong.
“ Magsinungaling ka na sa lahat h'wag lang sa'min nina Papa. Kilalang kilala ka na kaya namin. Sa lahat ng ngiti mo, 'yan ang kakaiba. Balita ko may race ngayon si Haruto, pupunta ka ba?”
“ I want to hear you scream my name.”
Muli akong napangiti nang muling sumagi sa isipan ko ang sinabi niya.
“Huy! Tinatanong 'to, ngumingiti lang.”
“O-oo naman 'no! D-dapat lang na nando'n ako, supportive girlfriend ba.”
“ Sus, mambabakod ka lang.”
“ Hayaan mo na nga 'yang kapatid mo, Don. Nagiging supportive lang naman siya, at tsaka may tiwala rin naman ako kay Haruto.” wika ni Mama na kasalukuyang nasa kusina ngayon habang nagluluto ng hapunan namin.
“ Ikaw ba, Don? Kailan ka ba magdadala ng mapapang-asawa mo rito?”
“ H'wag kayo, Pa. Low-key lang talaga kami.”
“ Keme mo, wala ka lang talaga. Siguro nalaman na nilang tamad ka maligo, mag- toothbrush, at gumawa ng gawaing bahay.”
“Etong si Princess lagi akong minamaliit. Hintayin mo lang, malay mo artista pala ang ni-l-lowkey ko.”
“ Sige, maghihintay kami sa wala Kuya.”
“ Na'ko tama na nga 'yan. Basta talaga magkaharap kayo lagi kayong aso't pusa.”
” E si Kuya po e!”
“ Si Princess kasi, Ma e!” sabay namin usal sabay turo sa isa't-isa.Tinignan ko naman siya ng mas@ma bago ako sumandok ng kanin.
Muntik na 'yon ah.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto't nagpalit na ng damit.
“ Takahashi 93”
Pinaresan ko lang ng puting skirt at itim na sapatos ang black na jersey na binigay niya sa'kin kagabi.
*Ring, ring
Agad ko namang sinagot ang tawag habang hindi pa rin maiwasang ngumiti.
“ Hello, Tania?”
“ Gurl, sabay- sabay na raw tayo nina Chantrea mamaya. Nakabihis ka na ba?”
“Oum. Inaayos ko na lang yung mga ilalagay ko sa bag.”
“ Sige, susundoin ka na lang namin. Wear your best, ah? Irarampa ka namin do'n ni Chantrea.”
“ Race yun uy, hindi fashion show!”
“Ay kahit na! Alam mo naman ang mga babae ngayon, hindi na madala sa parinigan lang.”
“ As if naman na meron akong karapatan na bakur@n siya.”
“ Gurl! Naririnig mo ba 'yang sarili mo? GIRLFRIEND ka GIRLFRIEND, G, I, R, L, F, R, I, E, N, D.” pag- spelling niya pa.
“Oo na, oo na.”
“ May surprise kami sa'yo.”
“Ano na naman 'yan?” kunot noo kong tanong.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...