CHAPTER 19

531 24 3
                                    

“ I-I don't like you, I—”

Pinipigilan ko na lang ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos sa aking mga mata.

“ I wanna go home, Haruto.” pagputol ko sa sasabihin niya.

Lahat ng pinakita niyang motibo ay wala namang kahulugan. Ako lang yung umasa, ako lang yung nagmukhang t*nga, bakit ko nga ba siya tatanungin kung mahal niya na ba ako?

He's a star, while I'm just one of the  people who are staring at him in the night sky.

“ May problema ba, Dawn?”

Kanina pa ako walang kibo, hindi ko na rin siya sinusulyapan, mas lalo ko lang nararamdaman yung kirot.

Pinagmasdan ko na lang ang mga ilaw sa labas. “ Oo naman, iniisip ko lang—”

“ Kung kailan mag-e-end yung deal natin?”

I heard him laugh while asking me. “ Soon, Dawn, sooner.” he added.

“ Hindi yun ang iniisip ko.”

“ E ano?”

“ Wala, hindi mo naman kailangan pang malaman.”

That was our last conversation last night...

He finally gave me the answer that I wanna hear from him.

He doesn't like me, so I should stop because I've heard enough.

You'll forget about him, Dawn. Not now, but soon.

My day is incomplete 'cause he's not around. Para bang nawalan ng pinta ang buhay ko. Everything gets dull, lalo na kapag sumasagi sa isipan ko ang nangyari kagabi.

“ Hindi pa rin ba okay, Dawn?” tanong ni Chantrea.

I shook my head. “ Gano'n na ba talaga ang parusa kapag nagmahal ka?” I know, my question came from nowhere. Pero gusto ko nang ilabas ang sakit.

“ Dawn kapag nagmahal ka, hindi ibig sabihin non ay magiging masaya ka na habang-buhay. Parte ng pagmamahal ang sakit, puot, at kasiyahan.”

“ Ano bang nangyari, Dawn? May problema ba? Sabihin mo lang sa'min ni Chantrea, nakalimutan mo na naman na nandito lang kami parati sa tabi mo. Kapag hindi mo na kaya, pwede kang umiyak sa harapan namin. Hindi mo kailangan laging maging matapang sa harap ng iba.”

“ G-gusto ko siya.” yuko kong ani.

Imbes na makarinig ng pagkabiglang reaksyon nila'y wala man lang silang sinabi.

“W-wala ba kayong sasabihin?”

The look at each other and smiled. “ Alam na namin, matagal na.”

“ Tania is right. Kaibigan ka namin, Dawn. Kilalang kilala ka na namin. Magsinungaling man ang bibig mo'y hinding hindi maitatago ng mga mata't ngiti mo ang saya t'wing kasama mo siya.”

“ May pa-deny-deny pa e. Gusto naman talaga. But we're not telling you this to sue you ah. Besides, naiintindihan ka namin. But let me ask you this, Dawn. Please don't be offended.”

She held my hand and looked me in the eyes. “ Hindi kaya na-d-dejavu ka lang? O 'di kaya'y naghahanap ka lang ng bagong magmahal sa'yo, to prove Rio na nakamove-on ka na?”

“ Yun din ang akala ko, Chant. But, I'm wrong. Hindi naman ako gan'to dati, but when he's not around, para bang hindi ko man lang magawang ngumiti na nagagawa ko naman noon kahit wala siya. But one day, parang nagbago na lang bigla ang lahat. Ni hindi ko alam kung kailan, saan, o pa'no nagsimula, isang araw paggising ko, gusto ko na lang siya laging makasama at makita.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now