CHAPTER 35
This is it. Ngayon ko na ma m-meet ang parents niya. I'm excited and... nervous....Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya.
*Ring, ring!
I picked up my phone at tinignan kung sino ang tumatawag.
It was him, so I immediately answered it.
“ Good morning, Moonbeam....” malambing niyang pagbati mula sa kabilang linya.
Halata sa boses niyang bago pa lang siyang gising.
“ Good morning. Napatawag ka?”
“ I just missed you.”
“ Ayses.”
“ Masama bang batiin ng good morning ang future Mrs. Takahashi ko?”
“ Haha! Sir@! Ano nga? Ba't ka napatawag?”
“ Namimiss nga kita.”
“ Corny mo.”
“ Ba't ba? Aren't you aware that I am more clingy than you think?”
“ H-hindi..” ke-aga-aga'y tumatagaktak na agad ang pawis ko.
“ Well....you should...” he said with his husky voice that made me more nervous.
“ A-alam mo...ke-aga-aga, p-pwede bang kumain ka muna ng agahan? Sigurado akong g-gutom lang 'yan.”
“ I'll grab mine later, ikaw, kumain ka na.”
“ Opo...”
“ Eat well, and eat a lot, my Moonbeam. I'll pick you up at 6 pm. See ya' tonight, gorgeous! I love you.”
Sa simpleng salita niya lamang ay madali talagang uminit ang pisnge ko.
Pagkababa ko'y kumain na ako ng agahan, dahil may pasok pa kami ngayon.
Wala na ring tao rito sa baba, baka pumasok na ng trabaho sina Mama.
I was still thinking kung ano ang pwedeng iregalo sa Daddy ni Haruto.
Nakakahiya naman kung pupunta lang ako do'n at magpapakilala nang walang dalang regalo.
Ah alam ko na! Magpapatulong na lang ako kina Tania since hanggang 2 o'clock lang naman ang pasok namin ngayong araw.
I still have time para makapag-shopping.
Inayos ko na rin muna ang susuotin ko para mamaya nang sa gano'n ay magbibihis na lang ako pag-uwi ko.
I immediately went to University nang may huminto nang taxi.
Sobrang ganda na sana ng araw ko nang muli kong makasalubong si Rio.
But I'm relieved, hindi na siya gano'n ka desperadong makipag-usap.
“ Hi..” pagbati niya't simpleng ngumiti.
“ H-hello..” pagbati ko pabalik at umiwas na ng tingin.
“ Uhm...D-dawn!” napahinto ako.
“ Are you free tonight? L-let's talk..”
“ No, thank you.”
“ Why? Gusto lang naman kitang kausapin...tungkol—”
“ I already gave you an answer, Rio. Sapat naman na ata 'yon para maintindihan mo.”
Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin at dumiretso na sa paglalakad.
Ano bang takbo ng isip niya ngayon at iniisip niyang gusto ko pa ulit siyang makausap? Tss, the audacity!
YOU ARE READING
TANGLED STARS
عاطفية"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...