CHAPTER 33

316 10 0
                                    


Pasado alas onse  na kami ng gabi nakarating sa airport. Marami ngang tao, maging mga reporter ang nasa loob ng airport.

“ Goodbye for now, Moonbeam. Take care of yourself.” he said and kissed my forehead.

“ Text me, okay?”

“ Oum.”

Tulad ng napag-usapan ay naghiwalay kami ng daan nang sa gano'n ay hindi kami pagpyestahan ng mga tao.

Kinakabahan ako para sakaniya, baka kung anong isipin ng ibang tao.

Pagkarating ko ng bahay ay agad kong binuksan ang TV at nanood ng balita.

Tulad ng inaasahan ko'y marami ngang reporter ang tumungo sakaniya upang mag- interview.

“ 1 week kang nawala at nawala sa paningin ng mga tao. Senyales na ba 'yon na iiwan mo na ang pagiging artista?”

“ Marami ang nagsasabing may iba kang kasama sa ibang bansa. Totoo bang hiwalay na kayo ng non-showbiz girlfriend mo?” sunod-sunod na tanong ng mga reporter sakaniya.

Buti na lang at merong pinadalang body guards ang management nila, dahil kung hindi'y baka kung ano na ang mangyari sakaniya.

Sa sobrang dami ng tanong sakaniya'y isang tanong lamang ang binigyan niya ng malinaw na sagot.

“ My girlfriend and I were still together. Walang break up na naganap.” aniya't tuluyan nang nilisan ang mga reporters.

“ Sus. Kinilig ka na naman, Princess.” ani ni Kuya't umupo sa tabi ko.

“ Ewan ko sa'yo.”

“ H'wag mo nang itago, lagpas tainga na 'yang ngiti mo. Sanaol na lang, nilolowkey pero 'di dine-deny.”

“ E ikaw? Hanggang kailan mo i-lo-lowkey sina Chantelle at Leo?”

“ Ah...ehh...tungkol do'n, medyo hindi pa talaga ako handa.”

“ Ano ba kasing ikinatatakot mo't nagdadalawang isip ka pang ipakilala ang mag-ina mo kina Mama at Papa? Gustong- gusto na nga nilang magka-apo.”

“ Pero matatanggap ba nilang wala na kaming relasyon ni Chantelle?”

“ Bakit hindi? Hindi naman nila hawak ang tadhana. Meron kayang mga parents na wala namang relasyon pero ginagampanan pa rin nila ang responsibilidad nila bilang isang magulang.”

“ Give me more time, Princess. Kahit ako, gustong- gusto ko na silang ipakilala, pero sa tingin ko'y hindi pa ngayon ang tamang panahon. Baka nga sa k@sal niyo na ni Haruto.”

“ Kuya!”

“ Hobby mo na ang mag- deny. Di bagay, lumalaki butas ng ilong mo.”

” At least MINAHAL at MINAMAHAL pa rin.”

“ Yabang mo, 'di ka naman tinatanong. Paawat ka naman.”

“ I'll go ahead, bibisitahin ko pa ang pamangkin mo  ngayon.”

“ Palusot mo luma na. Alam ko namang mag-ina mo ang namimiss mo. Do'n ka na! Nang matawagan ko na ang MAHAL ko at MAHAL RIN AKO.”

“ Kung 'di lang talaga ako boto riyan kay Haruto, matagal na kitang sinabihan ng ‘ sa una lang 'yan masaya, maghihiwalay rin kayo. Mauna na nga ako! Sagabal ka talaga lagi sa pag-usad ng ekonomiya ko.”

“ Ocakes! Ingat!”

Tumungo muna ako sa taas at pagbukas ko pa lang ng cellphone ko'y agad nang sumalubong sa'kin ang tawag ng dalawa sa gc namin.

“ Girl! Na miss ka namin! How's your vacation with.... Haruto?”

“ Oo nga...ikaw ah...I mean you don't always need to update us, but you know, nandito lang kami parating handang makinig sa ano mang ichichika mo..” ani ng dalawa.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now