CHAPTER 24

520 22 0
                                    

How to say I love you, without actually saying it?

Ang akala ko'y naguguluhan lamang ako, subalit puso ko na mismo ang dumikta, tunay ngang mahal ko na siya.

Subalit, malabo ba talagang maabot ang butuing kumikislap sa kalangitang madilim?

“ Oh Princess, papasok ka pa ba ngayon?” tanong ni Kuya na kasalukuyang humihigop ng kape ngayon.

“ Mamaya pa ako Kuya. Kumusta na pala si Leo?”

“ Maayos naman.”

“ Kailan mo ipapaalam kina Mama at Papa?”

“ Sa 5th birthday ni Leo. Sa ngayon, ayoko munang disturbohin sina Mama.”

“ Kailan ka naman naging disturbo sa kanila, aber?”

“ May kaniya- kaniya silang trabaho, Princess. Mas importante pa rin 'yon.”

“ Mali ka, Kuya. Wala nang mas mahalaga pa sa mga magulang kun'di ang kanilang anak. Pero nirerespeto ko ang desisyon mo. Magiging masaya sila for sure."

“ Sana nga. Hatid na kita, wala rin naman akong gagawin ngayon.”

“ H'wag na Kuya—”

“ Lagi mo na lang akong tinanggihan. Hayaan mo naman akong magpaka- Kuya sa'yo. Di porket may Haruto ka na ay kailangan lagi mo na lang siyang kasama. Dadaan at dadaan pa rin siya sa'kin.”

“ Nako, harangan mo nang mabuti at baka makalusot nang hindi mo namamalayan.”

“ Aba't, anong ibig mong sabihin?”

“ Wala, nagbibiro lang ako. Magpapahatid na nga ho ako.”

“ Yun oh! Hintayin mo'ko sa taas, ubosin ko lang 'tong kape ko.”

Last day na namin 'to and I'm still thinking kung ano ba ang pwede kong pagkaabalahan this sem break.

“ Tara na.” ani ni Kuya kaya pumasok na ako sa kotse.

“ Kuya may alam ka bang pwedeng pasukan na trabaho? Part time job gano'n?”

Napahalakhak naman siya sa tanong ko.

“ Bakit ka tumatawa?”

“ Na'ko, Princess. Nakalimutan mo na namang idol and kapatid mo. Ano bang alam ko sa mga ganiyan? Hindi ko pa 'yan nararanasan. Our parents have a stable job, so do I. Bakit ka naman maghahanap?”

Yeah, I forgot, sa murang edad niya'y meron na siya no'ng kinikita.

“ Kasi ayoko namang masayang yung oras e. Sayang naman yung one week.”

“ One week na nga lang ang sem break niyo pero magpapagod ka pa. Break nga hindi ba? Bigyan mo naman ng pahinga ang sarili mo.”

“ Nakakaboring naman.”

“ Mag outing kaya tayo?”

“ Iitim pa ako.”

“ At least nag- enjoy ka 'di ba?”

“ Pag-iisipan ko.”

“ Ikaw bahala, sabihan mo lang ako kung gusto mo. Mag b-book ako ng flight.”

“ Flight?”

“ Oo, halos nalibot na natin ang Pilipinas, Princess. Mas better if ibang bansa naman ang puntahan natin. What do you think?”

” Sige, napag-isipan ko na. Treat mo ah?”

“ Yep. We're here, bumaba ka na at baka hinihintay ka na ng friends mo.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now