Buhay naman akong naka-uwi kagabi. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sakaniya.
Mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya ng motor kagabi at hindi man lang ako kinakausap.
Galit ba 'yon?
O naubos ko yung laman ng credit card niya?
Pumasok ako ng University ng lut@ng at medyo puyat din dahil binabag@bag ako ng mukha niya kagabi maging sa pagtulog ko.
“ Gurl, ayos ka lang?” tanong ni Tania habang kumakain ng chips.
“ Sab@w na s@baw ka ata ngayon?” dagdag pang tanong ni Chantrea.
“ Kulang lang sa tulog.”
“ Gurl, wala tayong assignment.”
“ At! Wala ring projects!”
“Baka iba na naman ang pinagpupuyatan mo ah.”
“H-hindi 'no!”
“ Ay! May itatanong pala kami sa'yo. Vacant time naman natin kaya I'm sure mahaba-haba ang kwentuhan natin today. Kumusta naman kayo ni Haruto?”
“Huie, tumpak! Good kïssèr ba siya?”
“ Gano'n na pala ang tamang pag-inom ng juice? Grabe, parang ayoko na lang uminom.” bitter na usal ni Tania.
“Teka lang! Mali kayo ng iniisip.” pabulong kong ani at tinignan sila ng mas@ma.
“So ano nga?”
“So ano kayo?”
Para bang hindi nauubusan ng tanong ang dal'wang to.
“ Mamaya na lang after class. Baka may makarinig pa sa'tin.”
“ O to the M to the G! Something happened ba? Like—” nagtinginan naman ang iba pa naming classmates.
“Shhh! Baka kung ano pang isipin nila sa reaction mong 'yan e!” bulong ko.
Ngayon lang namin napansin ang oras. Kanina pa pala paubos ang ilang minuto namin para sa vacant time.
Maya't- maya pa ay dumating na ang pinaka-boring namin na subject. Kaya nagsibalikan na kami sa kaniya- kaniya naming seats.
Kung wala siyang dalang kwento ng buhay niya, paniguradong magiging boring ang 2 hrs namin dito sa room.
“ Can someone make a brief recap about our lesson yesterday?”
Ngunit ni isa'y wala man lang nagtaas ng kamay.
“Naligo ba talaga kayo? Ba't wala man lang nagtataas ng kamay?” tanong niya habang tinuturo-turo kami gamit ang hawak-hawak niyang pamaypay.
“ Ma'am, may tao po sa labas.” ani ng isa naming kaklase na malapit sa may pintuan.
“So ano tayo rito, hijo? Species?”
Patago naman kaming natawa sa sinabi ni Ma'am.
Naglakad naman si Ma'am palapit sa pintuan at tinignan kung sino ito.
“ Good morning, Ma'am! I'm Dan Ace from, Engineering student. May pinapabigay lang po kay Ms. Villanueva ang boyfriend niya.”
”Uyyyyyy..”
“Ayieeeeee.”
Panunukso ng lahat sa'kin.
Napalunøk naman ako ng sarili kong laway nang tignan ako ni Ma'am.
”Ano pa ba ang hinihintay mo, Ms. Villanueva? Pasko? Halika na rito't kunin mo 'tong flowers at chocolates na pinapabigay ng boyfriend mo.”
“O-opo..”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...