CHAPTER 15

492 27 0
                                    

Ilang segundo pa ang lumipas bago ako magkaroon ng reyalisasyon. My eyes widened nang ginalaw niya pa ang kaniyang mga labi at diniin ang pagh*lik sa'kin.

So, I immediately pushed him bago pa man ito mauwi kung saan.

He just bowed his head na para bang nahiya sa ginawa niya.

" I-I'm sorry..."

Pero hindi pa rin ako makapagsalita, buong katawan ko ay nabibigla pa rin dahil sa ikinilos niya kanina.

"You can hit me if you want, I'm sorry if I acted st*pid. I just-"

"Iuuwi mo na lang a-ako..."

" Alright...I'm sorry, Dawn." usal niya't tumungo na sa driver's seat.

Hindi na ako bumalik pa sa front seat dahil ayoko munang nasilayan pa siya.

Pagkarating namin sa bahay ay agad na akong bumaba nang walang paalam.

I immediately closed the door at umakyat sa aking kwarto.

I can't help myself not to cry, thinking that he just kissed me but it doesn't mean that he loves me, because he said sorry.

Humiga na lang ako sa kama at hinayaang makaidlip ang sarili ko habang umiiyak.

Hindi 'to pwede, kailangan mo na siyang kalimutan.

Nagising na lamang akong masakit ang aking ulo at mainit rin ang buong katawan ko.

Nakalimutan ko nga palang magpalit ng damit bago matulog. Hayst!

Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakita ko ang message ni Tania.

" Gurl, may long quiz daw mamaya. Kita kits sa library!"

Napasinghal na lamang ako dahil hindi ako pwedeng umabsent ngayon. Sayang din ang no. of items kung ma-mimissed ko lang 'yon.

Bumangon na ako't nag-asikaso. Naabutan ko naman si Mama sa baba na kasalukuyang naghahanda ng agahan sa kusina.

"Oh, 'nak? Anong oras ka na ba nakauwi kagabi?"

" Maaga pa po, Ma. Pasado alas otso, natagalan po kasi kami kasi traffic at maulan pa."

" Ah, gano'n ba? Kumusta na nga pala yung Lola ni Haruto? Nakwento kasi sa'min ng Kuya mo na bibisita raw kayo doon."

" Maayos naman po siya, Ma. Malakas na rin siyang kumain at masigla na."

" Mabuti kung gano'n."

Kukuha sana ako ng mainit na tubig nang bigla namang mamghina ang tuhod ko, buti na lamang ay agad akong nakakapit sa upuan.

"Ayos ka lang ba, Princess?" nag-aalalang tanong ni Mama at inalalayan akong maupo.

Hinawakan niya naman ang aking leeg at noo gamit ang kaniyang palad.

" Mataas ang lagnat mo, papasok ka pa?"

" Isang subject lang naman po ang naka-sched sa'min ngayong araw. Mag q-quiz lang po ako then after that, uuwi na kaagad ako."

" Oh siya, kumain ka na ng marami nang makainom ka na ng gamot. Magpahatid ka na lang din kay Haruto at baka mahilø ka pa sa daan mamaya, mainit pa naman ang panahon."

"K-kaya ko naman po, Ma. At tsaka baka whole day ngayon sina Haruto. Ayoko nang abalahin pa siya." pagsisinungaling ko.

" Oh siya, sige. Ipapasundo na lang kita sa Kuya mo."

Tumango na lamang ako't kumain na.

Pagkatapos kong kumain ay uminom na ako ng gamot at nag toothbrush bago umalis.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now