CHAPTER 8

427 23 3
                                    

Palabas na ako ng building nang bigla namang may hum@tak sa'king kamay at dinala ako sa may baba ng hagdan.

“Hmmm!” pasigaw na sana ako ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko.

Natatakot akong idilat ang aking mga mata dahil baka huling hining@ ko na 'to.

Jusko! Katapusan ko na po ba?

“H'wag! Please! H'wag niyo po akong pagsamant@lahan! Hindi kita type!”

“ What are you saying? Geeze! You're not my type either.”

Unti-unti ko namang idinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng nasa harapan ko ngayon.

Sino pa nga ba? Edi ang kup@l kong fake boyfriend na si Harutopakin.

“ Bw*sit ka!” buly@w ko't hin@mpas siya sa dibdib.

“ Tin@kot mo'ko do'n, akala ko talaga kat@pusan ko na. Ba't ka ba kasi nanghihil@ sa corner?!”

“ Shopping tayo.”

“ Ito kung makapag- aya akala mo talaga—”

“ My treat.” usal niya't nilabas at ipinakita sa'kin ang kaniyang credit card.

“Akala mo naman talaga tatanggi ako. Ano pa bang hinihintay mo? Halika na! Ang bagal e!”

”Tss.”

Nang makarating kami sa parking lot ay agad naman akong napatigil nang hawakan niya ang aking bag.

“ Give me your bag.”

“ Meron naman akong balikat. At tsaka ilang taon ko na 'tong ginagawa, kaya h'wag kang mag-alala, kayang-kaya ko na 'to.”

“ Kaya pala hindi ka na tumangkad.”

“Narinig ko yun ah.” saad ko't tinignan siya ng masama.

“ Binulong ko ba?”

“ Aba't!”

“ Give me your bag, NOW.” umiba na naman ang ekspresyon ng mukha niya kaya binigay ko na lang. Baka l@munin ako nito wala sa oras.

Yung magarang motor niya lang ang dala niya ngayon. No'ng unang sakay ko rito'y wala pa namang sabitan sa gilid ng kaniyang hawakan ngunit ngayon ay meron na.

Kinuha niya ang pink kong helmet at isinuot ito sa'kin.

“Hindi mo naman kailangang gawin 'to sa'kin lagi. Pwede mo naman akong turuan na lang.”

“ Don't move.” wika niya na para bang hindi niya lang narinig ang sinabi ko.

“ Let's go.”

Maging ang apakan ay na- adjust-an na rin.

Wow ah. Baka may ibang babae pa 'tong sinasakay rito.

Pero pake ko rin ba? Kahit ilang babae pa ang isakay ng kup@l na 'to rito'y wala na rin naman 'yon kinalaman sa'kin.

Kumapit lang ako sa balikat niya upang maka-upo na sa likod niya.

“ Are you ready?”

“A-anong ibig mong sab—Ahhhhhhhhh! Ayoko na! Bababa na ako! Haruto! Ihinto mo na!” sigaw ko dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng motor.

Parang naiwan ang kaluluwa ko sa sobrang bilis.

“Haruto!!! Ayoko pang m@m@tay! Ihinto mo na!”

Muli akong napayakap sakaniya ng mahigpit.

Ramdam kong tinatawanan na ako ng kup@l na 'to pero ano nga bang magagawa ko kung isang Racer ang nagmamaneho ngayon?!

Halos hiløng-hilø akong bumaba sa motor niya nang makarating kami sa isang Mall.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now