CHAPTER 7

443 22 0
                                    

Maaaga akong nagising dahil sa malakas na pagkatok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.

*Tok, tok, tok

“Princess, gising ka na ba?”

Opo, Ma. Gising na gising dahil ho sa katok niyo, jusko!

“Opo...” inaantok kong usal.

“Maligo ka na kung gano'n at tulongan mo'kong magluto pagkatapos mo.”

“Opo...”

“Siya nga pala, ano bang paboritong pagkain ni Haruto?”

Bigla akong napamulat ng mata.

Maging ako'y hindi ko rin alam ang paborito niyang pagkain.

Makapag-chamba na nga lang! Paniguradong hindi rin naman siya kakain ng mga pagkain naming simpleng tao lang. Ang ending, paniguradong ako lang din naman ang kakain ng luto ni Mama.

“A-adobo po, Ma.”

“Oh siya, sige. Sumunod ka na lang sa kusina't tulongan mo'kong maghanda ng makakain niya mamaya.”

Pagkain niya lang?! Pa'no ako?!

“E yung akin po, Ma?”

“ Boyfriend mo siya, ' di ba?"

“O-opo..”

” Hindi ba't normal lang sa mga couples ang maghati sa isang pagkain, kutsara, tinidor, at plato? At kung sa ano pang bagay, kasi tinuturing niyo na ang mga sarili niyo bilang isa?”

“ Ibig sabihin po?”

“Maghahati na lang kayo mamaya.”

“Mama naman!”

Kinikilig lamang si Mamang bumaba ng hagdan habang ako'y hindi pa rin lubos maisip kung pa'no kami maghahati mamaya a lunch!

Pagkatapos kong maligo ay muli kong sinuot ang bracelet na ibinigay niya.

Baka kapag hindi niya 'to nakita sa kamay ko, isipin niya pang sinangla ko 'to.

Pagkababa ko naman ay agad akong tumungo sa kusina upang tulongan na si Mama sa pagluto ng Adobo.

“Ma, tapos na po ako."

“ Halina't tulongan mo na ako.”

Ako na ang nagh*wa ng karne maging ang mga sangkap tulad ng patatas, bawang at saba.

Medyo madilim pa kaya naman hindi ko gaanong makita ang hinih*wa ko.

“Aray!”

“ Oh? Napano ka?” tar@ntang tanong ni Mama.

“N-nah*wa lang po, Ma.”

“Jusko namang bata ka. Halika dito't linisan muna natin 'yang sug@t mo.”

“Ako na lang po, Ma. Hindi naman po gaanong malalim ang sug@t.”

“Sigurado ka?”

“Opo..”

Tumungo ako sa sala't hinanap ang first aid kit. Ngunit ibang bagay ang nahanap ko.

Ito yung bracelet na ibinigay sa'kin noon ni Rio. No'ng first monthsarry namin.

Agad ko itong binitawan at muling ibinalik kung saan ko ito nakita.

Kalimutan na dapat ang dapat nang kalimutan. Hindi deserve ng isang che*ter ang maalala sa mga walang kwentang bagay.

Pagkatapos kong linisan ang sug@t ko't lagyan ng bandage ay muli akong bumalik sa kusina.

“Kailangan niyo pa rin po ba ng tulong, Ma?”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now