CHAPTER 30

462 9 3
                                    

Nagising na lamang akong wala siya sa tabi ko. Pasado alas syete na ng umaga't binuksan ko na ang bintana.

Inayos ko muna ang higaan bago tumungo sa banyo upang maghilamos.

Pagtungo ko naman sa kusina'y nadatnan ko siyang nagluluto ng agahan.

Subalit hindi ko siya matignan ng diretso dahil wala siyang damit pantaas.

“ Good morning, my Moonbeam. How's your sleep?”

“ G-good morning..maayos naman.”

“ Come here and give me a hug.”

“H-ha?”

” Give me a hug. A morning hug.”

“O-okay..” napalunok na lamang ako ng sarili kong laway dahil sa walong pandesal na nakikita ko ngayon.

Grebe, sekte leng se breakfast.

Abala pa siya sa pagluto kaya niyakap ko siya mula sa kaniyang likod. Nanlaki ang mga mata ko ng dumapo ang aking kamay sa matitigas niyang...pandesal..

Anong matigas 'yang nasa isip niyo?

Maya-maya rin ay humarap siya sa'kin at hinalikan ang aking kamay bago ako yakapin.

“ Where do you want to go today?”

“Kahit saan, wala rin naman akong gaanong alam na lugar dito.”

“ Do you want to see a Sakura?”

Tinukod ko naman ang aking baba sa kaniyang dibdib upang masilayan ang kaniyang mukha.

“Oum! Gusto ko yun!” nakangiti kong ani.

“ Let's go there, then.” usal niya't pinisil ang aking ilong.

Kakalas na sana ako sa mga yakap niya nang dumapo ang aking tingin sa kaniyang leeg.

Hindi kaya't ito yung kagat ko sakaniya kagabi?

“ Masakit pa ba?” tanong ko't hinaplos ito.

“ Just a little bit.”

“ Teka, kukuha lang ako ng ointment.” pinakawalan niya naman ako't hinintay habang patuloy lang sa pagluto.

Pagpunta ko naman ng kusina sakto'y naka-upo na siya.

“ Let me see.”

Pinakita niya naman ito sa'kin.

Medyo namamaga pa ito, siguro dahil 'yon sa diin kong pagkakakagat sakaniya kagabi.

”Argh..”

“S-sorry... masyado ko atang nadi—”

“ Don't say sorry. You can bite me whenever you want to.”

Hinampas ko naman siya sa kaniyang braso.

“ B@liw! Pa'no kung makita 'yan ng ibang tao?! Baka isipin pa nilang —”

“You gave me a hickey? Haha!”

Diniinan ko naman ang daliri ko sa parte kung saan ko siya kinagat.

“ Argh! That hurts, Moonbeam!”

“ B@liw ka na talaga.”

“ Sa'yo lang.”

“ Ewan ko sa'yo.”

“ I swear, partida hindi pa 'yan buo. Pa'no kaya kapag nakita mo na kung gaano ako kab@liw pagdating sa'yo?”

“ Ipapakulong kita sa Rehab.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now