Hindi ako makatulog, kakaisip kung, kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon? Galit ba siya sa'kin? Tinul@k ko siya kanina palayo, pero ang gusto niya lang naman talaga niyang gawin ay manatili sa tabi ko.
Pero mali rin naman ang ginawa niya, ininsulto niya si Gilbert. Para ano? Para ipamukha sakaniya na sa gano'ng bagay ay mahina siya? Aba'y mali naman yun 'no!
Pero, mali rin ang ginawa ko....hayst! Ayoko na! Bukas ko na lang siya kakausapin, kung gusto niya akong makausap o kung gusto niya pa akong maka-usap. Baka nga bukas break na kami, I mean, break na yung deal.
Pa'no ko nga ba siya kakausapin? Ni hindi ko nga alam kung big deal sakaniya ang ginawa't mga sinabi ko sakaniya kanina.
Bahala na, kakusapin ko siya bukas sa ayaw at sa gusto niya.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay ang aking sariling makaidlip.
Maaga akong pumasok ngayon, nagbabakasakaling makita ko si Haruto nang nagka-usap kami subalit wala pa rin siya.
“ Good morning, Ms. Villanueva!” napaikot naman ako at humarap.
“ Good morning Mr. Lopez.”
“ Salamat nga pala. Hindi ko akalaing matatapos natin yun nang isang araw lang.”
“ S-syempre, ang galing mo kaya.”
“ Ikaw yung magaling e. By the way...” ani niya't ibinigay sa'kin ang isang shopping bag. “ Ito nga pala yung gift ko para sa'yo, masuklian ko man lang yung ginawa mo.”
“ Na'ko wala yun, hindi mo naman kailangan pang—”
“ Buksan mo muna, I hope you like it.”
Tumango na lamang ako't binuksan ito. Isa itong picture frame at mukha ko ang naka- sketch.
“ I draw you, no'ng nasa library ka. That's your favorite place siguro, 'no? Yun din kasi yung favorite place ko, peaceful and books are my only drüg para gumaan ang pakiramdam ko. Madalas kitang makita sa library with your friends at kung minsan nga ay nauuna ka pa.” napakamot naman siya sa kaniyang batok nang napansin niyang hindi ako nagsasalita. “I-I'm sorry, am I talking too much?”
“A-ah, hindi. Ang ganda, first time kong nakatanggap ng gan'tong bagay. Isang araw mo lang 'tong ginawa?”
“ N-no, I draw every detail on your face, at dal'wang araw kong inayos. I'm happy na nagustuhan mo.”
“ Sino bang hindi magugustuhan ang gan'tong regalo? Na'ko, kahit sinong babae na nagkakagusto sa'yo ay gugustohin ding makatanggap ng gan'to mula sa'yo.”
“ So, you like me?”
“ Ha?”
“ I mean, as an artist. My skills and such.”
“Ahhh, oo naman. Ang galing mo kaya.”
“ Thank you. By the way, are you free tonight?”
Napaisip ako at buti na lang naalal kong may Gig ngayon sina Haruto.
“ Hindi e, may Gig ngayon si Haruto at kailangan kong pumunta, pambawi sa ginawa ko sakaniya kahapon.”
“O-oh, I see. Sana magkaayos na kayo. I'm sorry.”
“ Hindi okay lang, wala ka namang ginawang mali. M-mauna na pala ako, salamat ulit dito.”
“ Always welcome.”
Pasimple akong dumaan sa tapat ng Engineering building subalit ni hindi ko man lang naaninag ang anino niya.
Papasok pa kaya yun?
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romans"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...