It's Saturday today! And yes! Wala kaming pasok. Kaya naman napasarap ang tulog ko kagabi at alas 10 na ng umaga nagising.
Nag-ayos muna ako ng buhok at naghilamos bago bumaba ng hagdan.
“ Good morning, Papa! Good morning Mama! Good morning Kuya! Good morning Family Villanueva! I love you all, woah! Yeah!” ani ko't kinakaway- kaway pa ang kamay sa taas.
“ Ang ganda ata ng tulog ng Princess namin. Take a seat, sabay- sabay na tayong mag- breakfast. And....tell us the reason behind that sweet smile.”
“ I agree with your Papa, Princess. Ba't ang saya mo ata ngayon?”
“ Pa, Ma...wala po, masaya lang talaga ako dahil weekend na naman at makakapagpahinga na ako at! Makakasama ko na kayo.”
“ Yun na ba talaga yun?”
“O-oo naman po, Ma.”
“ Pwede bang matanong ni Mama, 'nak. Kanino ba galing 'yang bracelet na suot mo ngayon?”
“N-nabili ko lang po sa tabi-tabi.”
“Mamahalin ang bracelet na 'yan, 'nak. That kind of design is rare, inaabot ng hundred thousand ang presyo niyan. Saan ka ba kumuha ng pera?”
Anaknam!
“P-po?”
“ Hmmm. Aaminin mo nga sa'min ng Papa mo. Kay Rio ba galing 'yan?”
“ Ma, Pa.. matagal na po kaming hiwalay ni Rio.”
“ H-ha?! Kailan pa?!”
“ Medyo matagal na rin po, Ma.”
“Edi....kanino galing 'yan?”
“ Isa ba 'yan sa mga hinawakan kong banda ngayon?” pinanlakihan ko naman ng mata si Kuya dahil sa sinabi niya.
“Ano 'tong sinasabi ng Kuya mo, 'nak?”
“H'wag niyo pong pansinin ang sinasabi niya. Gumagawa lang 'yan ng kwento.”
“ Nagsisimula ba sa H ang name niyan?”
“ Kuya!”
“ Alam mo naman ang rules dito sa bahay. You should not keep a secret sa'min nina Mama, importante man 'yan o hindi.”
“ Oo na! Oo na! B-bukas, ipapakilala ko siya.”
“Mama oh, galit pa.”
“Papa, si Kuya ina@way ako!”
“Hadeo!”
“Bleee! Deserve mo 'yan!”
*Ring ring
Sabay-sabay kaming napatingin sa telepono nang may tumawag.
Agad naman kaming nagkatinginan ni Kuya at paunahang kunin ang telepono.
Buti na nga lang ay mabilis akong tumakbo kung kaya't mas nauna ako sakaniya.
*On call
“Hey, br*t. Where are you? I already told you na pupunta tayo ng Hospital every weekend, right?”
“ Hello, Bes? Ah, oo. Mag s-shopping tayo?”
“ What the fvck are you saying?!”
“Ah sige, anong oras ba Bes?”
“ What did you just call me?”
“ Ito masyadong bingï, sabi ko anong oras tayo mag s-shopping?”
“ Stop it or else I'll k*ll you!1 pm. Wear a formal dress. Ayokong isipin ni Lola na nag girlfriend ako ng kulang sa tela.”
Kanina pa ako naiïnis sa mga pinagsasabi niya. Pero ayokong mabuking ngayon, 'no! Paniguradong hindi ako papayagan nina Mama na lumabas lalo na kapag nalaman nilang itong kup@l na 'to ang kasama ko.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
عاطفية"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...